Young actor Enchong Dee confirmed a report that came out on PEP Alerts, stating that he was spotted with Mara Clara star Julia Montes, along with Kathryn Bernardo and Diego Loyzaga dining in a restaurant on Tomas Morato.

 

Photo: Yayay Castro

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang young actor na si Enchong Dee nung Sunday, May 29, pagkatapos ng ASAP Rocks, kung saan isa siya sa mainstay dito.

Inamin ni Enchong na totoo ang lumabas sa PEP Alerts na nakita silang magkasama nung Friday, May 27, ng nali-link sa kanya na si Julia Montes sa Belissimo restaurant, na pag-aari ng aktor na si Cesar Montano.

"Oo, totoo, kumain kami," sabi ni Enchong.

Pero hindi lang daw silang dalawa ang magkasama ni Julia.

"Kasama namin si Kathryn [Bernardo]. Nandun din si Diego [Loyzaga].

"Tapos may kasama rin kaming taga-Studio 23. Tapos, kasama rin namin yung P.A. [personal assistant] ni Kathryn," paliwanag pa niya.

Mako-consider ba niyang date ang paglabas nilang iyon ni Julia?

"Ako kasi talaga, ang pagkakaintindi ko sa date, kapag kayong dalawa lang.

"Kapag kaming dalawa lang, tapos nakita ninyo kami, date yun!" natatawang sagot ni Enchong.

Bakit napailing siya nang may makita siyang press?

"Hindi ako napailing, napaganito lang ako, tsk...ganun. Sabi ko, 'Sakto! Bakit?' Ganoon lang," paglilinaw niya.

Pero puwede ba silang lumabas ni Julia na silang dalawa lang?

"Oo! Basta hulihin lang nila ako.

"Piktyuran nila dapat at hindi yung tsismis-tsismis lang, ha!" biro niya.