Bea Alonzo excited to experience working with "gentleman" Robin Padilla; says Zanjoe Marudo will be a "responsible boyfriend"

Rey Pumaloy
Thursday, June 02, 2011 @ 04:36PM  |  41233 views

 

"Hindi naman ako magpapaka-ipokrita na sabihing hindi ako nae-excite sa kung paano yung treatment niya sa mga leading ladies niya, kung gaano siya ka-gentleman. Na-excite ako, kasi nga, wow, makikita ko na at magkakaroon ako ng chance na ma-experience yun," says Bea Alonzo about working with Robin Padilla.

Photo By: Noel Orsal













Sa kauna-unahang pagkakataon ay magsasama sa isang teleserye sina Robin Padilla at Bea Alonzo. 

Ito ay sa pamamagitan ng primetime series ng ABS-CBN na Guns and Roses, na papalit sa magtatapos nang Mara Clara.

Sa presscon ng Guns and Roses noong Martes, May 31, sa Dolphy Theater ng ABS-CBN, inamin ni Bea na nagkaroon ng ilangan sa pagitan nila ni Robin noong mga unang araw ng kanilang taping.

"Noong una, nagkailangan talaga kami. Siyempre, first time, e.

"Saka Robin Padilla 'yan, malaking artista, magaling umarte. 

"Pero no'ng tumagal nang konti, nawala na yung ilangan namin. Feeling ko, kumportable na kami sa isa't isa. 

"Si Robin naman kasi, siya yung tipo ng kasama mo sa trabaho na ipapa-feel niya talaga na wala kang dapat ikabahala, hindi ka dapat mailang.

"He made me feel kasi na warm siya sa akin, and he also made me feel na okay lang na maging totoo ka. 

"That's when I felt comfortable na and nakita ko naman na tao rin siya. 

"Then, nakikipagbiruan na ako sa kanya."

THREE YEARS IN WAITING. Halos hindi makapaniwala si Bea sa pahayag ni Robin na tatlong taon siyang hinintay nito para lang makasama sa isang project.

"Ewan ko, hindi naman nakarating sa akin ang balita. Nagulat na lang ako noong sinabi niya yun sa presscon.

"E, di sana...di ba? Parang [ang] tagal ko rin namang hinintay na makatrabaho siya.

"Sino ba naman ang hindi gustong makatrabaho siya?

"I'm sure lahat ng mga kaedad ko, gusto rin nilang makatrabaho rin siya, yung mga henerasyon namin," saad ng 23-year-old actress.

1  2  3  4  5  Next »

Related Articles

13 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name