"Parang natamad na ako, napagod, parang ayoko na muna. Kung sa trabaho nabe-burnout tayo, ganoon din siguro sa puso, hindi ba? Tapos kailangan pa ako ng pamilya ko ngayon," says Rufa Mae Quinto about not falling in love again.

Photo: Noel Orsal

Isang espesyal na birthday party ang ibinigay ni Dr. Manny Calayan sa sexy comedienne na si Rufa Mae Quinto last June 3.

Ginanap ito sa 7th High sa Bonifacio Global City, Taguig at dito'y nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang manunulat upang alamin ang mga bagong kaganapan kay P-chi (nickname ni Rufa Mae).

Paano ba in-offer sa kanya ni Dr. Calayan na magkaroon ng party, hindi ba't ayaw niya ng party?

"Nakakatawa nga, sa Twitter lang kami nag-usap. Kasi nga nawala ang cell phone ko.

"Biglang sa tweet-tweet lang, tapos dun nga nag-communicate... Kahit yung iba, dun ko lang in-invite.

"Buti naman dumating kayo!" nakatawang panimula ng 33-year-old actress.

Ikinuwento rin ng aktres kung paano nawala ang kanyang cell phone.

"Nagsu-shooting kami ng Temptation Island, nawala...may kumuha siyempre.

"Nakakahiya mang sabihing ninakaw niya, may kinuha siya," seryosong esplika niya.

Kasama ba nila sa shooting ang kumuha?

"Hindi ko alam kung sino, hindi ko alam kung sino talaga," umiiling na wika niya.

Ano naman ang drama sa outfit niya ngayon, dyosa-dyosahan?

"Wala, parang gusto ko lang gamitin ito. Sabi ko, okey itong effect na ito.

"Tapos, binigyan ako ng lola ko ng kuwintas.