news

Alfred Vargas enrolls in UP for Master of Public Administration; excited over birth of his second child this October

by Gorgy Rula posted on June 9, 2011  STATS: 9386 Views | 7 Comments

 

"Aminado ako, baguhan tayo, I wanna do everything I can para mas matuto at para magkaroon ng higher performance pagdating sa governance. Aaminin ko, enjoy na enjoy ako sa public service and natutuwa ako dahil may ganitong course sa UP, and gagawin ko lahat para mas mapabuti ko. And for me, I have the two best jobs in the world—to be a public servant and to be an actor. Para sa akin, wala na akong hihilingin pa na ibang trabaho," says Alfred Vargas.

Photo By: Gorgy Rula

Sinundan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alfred Vargas na nagpa-enroll sa University of the Philippines-National College of Public Administration and Governance o UP-NCPAG kahapon, June 8.

Pursigido ang aktor na tapusin ang Master of Public Administration na sinimulan niya noong first semester.

Kahit abala sa kanyang trabaho bilang konsehal ng District 2 ng Quezon City at sa pag-aartista, sisikapin daw ni Alfred na matapos ang kursong ito para sa kanyang political career.

Naisingit daw niya sa kanyang schedule ang pagre-review dahil pursigido siyang makatapos.

"Kahit sa taping, naka-costume ako, nag-aaral ako kasi hindi naman biro ang pag-aaral.

"Kaya nag-aaral ako para sa public service," ani Alfred.

Paghahanda nga ba ito sa susunod na eleksyon na posibleng tatakbo siya sa higher position?

"Not necessarily higher position, pero what I'm aiming for is a higher performance.

"Higher knowledge para mas ma-serve ko ang mga constituents ko.

"Kasi aminado ako, baguhan tayo, I wanna do everything I can para mas matuto at para magkaroon ng higher performance pagdating sa governance," sagot ng actor-politician.

Dagdag pa niya, "Aaminin ko, enjoy na enjoy ako sa public service and natutuwa ako dahil may ganitong course sa UP, and gagawin ko lahat para mas mapabuti ko.

"And for me, I have the two best jobs in the world—to be a public servant and to be an actor.

"Para sa akin, wala na akong hihilingin pa na ibang trabaho."

BAPTISM. Bukod sa pagiging aktor at pulitiko, ini-enjoy na rin ni Alfred ang pagiging asawa ni Yasmine Espiritu at pagiging ama sa kanilang anak na si Alexandra Milan.

Matatandaang umamin sa unang pagkakataon si Alfred noong isang linggo na kasal na sila ni Yasmine at may anak na sila. (CLICK HERE to read related story.)

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

7 Comments

  • hooney

    06/11/2011 | 08:29 PM
    dapat lang na mag focus ka na sa politics kase ang taba mo na saka wala ka naman ibang bread and butter di ba?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • chessygirl

    06/10/2011 | 04:33 PM
    gud for him,,i find alfred naman na smart at edukado na tao,,if i were just focus sa pagiging publics servant mo if u want to go far sa paglilingkod,,ang paglilingkod po wala lang s asalita o edukasyon,,sana naman may sa gawa at action,yung nakikita ng tao at nararamdaman,,mag aaaral ka nga baka naman wala din,wala kading magawa,,,diba,,e,,ang tao wala naman paki sa pag aaral mo,once u enter public service,obligasyon mo na ipakita s atao ang nagagawa mo,,yung visible sa mata at yung nararamdaman nila na kaayusan,,yun lang,,sa talino ng mga tao now,,susme,at syrempe,,maging roel model kadin bilang tao,ama,asawa,,wag kang pasira o pauto sa mga iba jan,,kaya sila nasisira,,yun lang,,at si god,,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • winged_angel

    06/09/2011 | 01:55 PM
    Ah ok. Sige concentrate ka na lang sana sa pag-aaral at pagiging councilor dahil ang daming problema sa distrito niyo. Besides, you can not freakin act and you're not even that good looking.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • trinoma_rat

    06/09/2011 | 12:43 PM
    o sya, tapos mong mag enrol, paki bisita naman yong constituents mo ha, daming basura, sira sirang sidewalk, at may kalyeng baha lagi...pls lang
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • shidax

    06/09/2011 | 11:37 AM
    sana isa ka sa pinakamagaling na politician in the future na walang halong alam mo na.....sana pag aralan mo rin kung paano ma disiplina ang mga pilipino na hindi dinadaan sa dahas.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • kaepalmilya

    06/09/2011 | 11:17 AM
    Good Luck AQUIL
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • maldito

    06/09/2011 | 11:15 AM
    good luck, alfred!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About