news

Alessandra de Rossi sets limits on villain characters she accepts for TV; wishes she would be offered more versatile roles

by Glen P. Sibonga posted on June 9, 2011  STATS: 16088 Views | 14 Comments

 

"Ang galing ko namang mag-comedy, marunong akong kumanta. Ang dami kong puwedeng gawin, bakit laging other woman? Naiintindihan ko naman kasi doon nanggagaling ang pera, doon ako kumikita, so tinatanggap ko siya. Kaya lang minsan, hindi n'yo rin maiaalis sa akin, kahit sinong tao pag araw-araw yun ang ginagawa, wala na siyang dating," says Alessandra de Rossi.

Photo By: Noel Orsal

Balik-Kapuso na nga si Alessandra de Rossi at ang una niyang project ay ang bagong afternoon soap ng GMA-7 na Sinner or Saint. Kasama niya sa main cast sina Bianca King, Polo Ravales, at Dennis Trillo.

Kontrabida ulit ang role ni Alessandra sa naturang soap bilang si Corrine.

Sa presscon nga ng Sinner or Saint na ginanap last June 7 sa Kamayan restaurant sa West Ave., Quezon City, tinanong sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung hindi ba siya nagsasawa sa kontrabida role.

"Nagsasawa. Aminado naman ako doon.

"Kasi naman, honestly, hindi naman ako nangangarap magbida sa TV. Kasi feeling ko naman, hindi siya bagay sa akin, e.

"Yung mga kinakawawa na, 'Huwag po, huwag po!' O kaya yung laging umiiyak.

"Sapakin kita, e! Pukpukin kita ng vase, di ba?" biro ni Alex (palayaw ni Alessandra).

Dahil kontrabida nga ang kadalasang role ni Alex, madalas din na namamatay ang character niya.

Gaya na lang ng nangyari sa character niya sa huling teleseryeng ginawa niya sa ABS-CBN, ang Green Rose.

Inalam niya ba sa production kung mamamatay si Corrine sa Sinner or Saint?

"Feeling ko naman, lagi namang mangyayari yun. Wala naman yatang show na nabuhay ako.

"Ang weird kasi sa taping, sabi ko nga sa direktor, lahat kaya kong ibigay, huwag n'yo lang akong pagawin ng tulug-tulugan at saka patay-patayan, hindi ko talaga siya kaya.

"For some reason kasi, gumagalaw talaga yung mata ko.

"Ang kaso, sa tuwing malapit nang matapos yung show, yun ang palaging problema ko.

"Naku, patay-patayan na naman ako! Sasabihin sa akin ng direktor, 'Sige, ipi-freeze ko na lang 'yan o malayo ang shot.'"

1  2  3  4  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

14 Comments

  • 14  chessygirl

    06/12/2011 | 02:11 AM
    we love alex,,honest at maayos na babae,,magaling na actress kahit anong roles ,ok lang,,shes an actress gaya ni ASSUNAT DE ROSSI na sana magnbalik showbiz na din,,we miss her,,love ko din face nya,,morena beauty,,well,tama ilan dito,,kulang tayo sa creativity sa scriptwriting sa movies at tv series,,.dapat kase,,yung chalenging at interesting ang roles at storyline,,yung mag iisip ka sa titulo palang,,we need kase na young,brillianta directors din na ibang mag isip,.malawak at hindi commercial,,i hope lahata ng tv series ng 2 at 7 o 5 e mailagay sa dvd copy na,,plsss,sa mga ofws na hindi na watch,,na pweding bilhin o rentahan,,diba,,.at sana din mailako sa mga ibang bansa ang mga tv series natin,,na ibang lahi ang kumokopya at nanood sa aa atin,,gaya ng paglalako o iexport natin ng mga products o magazines natin abroad,,tym to expose phils finest in watever sense,,,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 13  pepato

    06/11/2011 | 12:16 AM
    Kulang na kulang kasi sa creativity ang writers ng Pinas lalo na sa GMA. Pag nakapanuod ka ng Korean, Japanese o Taiwanese drama series mapapansin mo na maraming variety yung stories nila at karamihan pinag-isipan ng husto lalo yung mga linya sa script...something new hindi paulit-ulit at gasgas na.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 12  rom_05

    06/10/2011 | 11:04 AM
    she's a good actress so walang problema kahit anong role pa yan. Ang problema lang eh TV ito at masyadong limited lang ang role na pwede mong gampanan na pwedeng tumatak dahil sa bida at kontrabida lang naman umiikot ang istorya and the rest are just support na hindi puwedeng sapawan ang bida. You'll have more chance sa indie film na maportray ang mga dream roles mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 11  kerie02

    06/10/2011 | 10:30 AM
    ito ang actress na magaling talaga umarte hindi pilit na kagaya ng iba jan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  tili_2death

    06/10/2011 | 09:46 AM
    She is a great actress and kudos to her. GMA7 don't lose her again this time. She will make your investments on her worth your while.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • winged_angel

    06/10/2011 | 08:59 AM
    Love love Alex. Such a nice, smart person.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • eatmyjuicyfruit

    06/10/2011 | 05:29 AM
    pwede naman sya sa role na ina api pero palaban.. yung nakikipag away sa kontrabida. parang si sunshine dizon o d kaya si angelika dela cruz.. ang gusto ko mamatay na contrabida role ay si winwin marquez. d ko sya gusto sa blusang itim. hindi bagay sa kanya. para syang extra.. bakit ba yung mga anak ng mga artista nag sisi artista din.. wala na bang iba pwedeng gawin nila.. pwede naman sila mag aral ng cenimatography, script writing, researchers, o kahit na pwede magpa ganda sa storya ng isang show..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • sagit127

    06/09/2011 | 10:29 PM
    I hope GMA will utilize her better this time. They gambled on Glaiza, and it paid off. They can do the same with Alex, basta tamang project lang. Kung si Katrina nga, na walang angle sa mukha na maamo, napag-lead na minsan, si Alex pa kaya na maamo naman ang face at talagang mahusay umarte.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • heaven_31007

    06/09/2011 | 08:41 PM
    i super love alex de rossi. she has one of them most expressive faces. would love to see her venture into other different roles. keri nya yan kasi she is so versatile... would love to see her do comedy as well kasi i love reading her tweets... she is super duper funny! yun wit nya ibang klase... pwedeng pantapat kay vice ganda. haha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • almond143

    06/09/2011 | 07:00 PM
    So anong gusto mong sabihin sa gma? 'wala' she said. Gee ok n sana biglang senseless sagot s huli. So bakit p gagawan ng article?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • SpeedOfLight

    06/09/2011 | 06:36 PM
    puede kang bida, basta si rhian ang kontrabida sa serye.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • sable

    06/09/2011 | 06:02 PM
    pu pwede sya sa SMDM.. hehehe... isali sya sa Bubble Gang. hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • chikorita_pikachu

    06/09/2011 | 05:44 PM
    sna matupad ni Alex ang gusto nya! i mean isabak xa sa comedy wag nmn puro kontrabida roles!! like Sheena Halili..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • tangerine_dream114

    06/09/2011 | 05:39 PM
    magaling ka pero di bagay sau ang inaapi kse siguro nakatatak na sa isp ng tao na mejo outspoken ka sa totoong buhay
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About