news

John Prats denies rumored breakup with girlfriend Rachelle Ann Go

by Nerisa Almo posted on June 9, 2011  STATS: 568 Views | 20 Comments

 

"Ang maganda naman kasi sa amin, before kami nagkaroon ng relationship, nagkaroon na kami ng friendship. So, kung ano man ang mangyari, parating magkaibigan pa rin kami," says John Prats about his relationship with Rachelle Ann Go.

 

Photo By: Noel Orsal

Pinabulaanan mismo ni John Prats ang mga balitang break na sila ng singer na si Rachelle Ann Go.

"Hindi talaga totoo. Hindi ko nga alam kung saan nanggagaling 'yong mga gano'n," sabi ni John sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang media kagabi, June 8, pagkatapos ng launch ng SM Accessories sa One Esplanade, Bay Boulevard, Pasay City, kagabi, Hunyo 8.

Wala umano siyang idea kung bakit may lumalabas na ganitong mga balita. Subalit inamin naman niya na tulad ng ibang relasyon, minsan ay nagkakaroon din sila ng hindi pagkakaunawaan ni Rachelle.

Kuwento ni John, "Dumating din kami sa stage na talagang nagkakalabuan.

"Siyempre, lahat naman dumadaan sa gano'n.

"Hopefully, sana naman malampasan namin ang stage na 'yon."

Sa kabila nito, naniniwala si John na hindi naman magiging malaking problema ang mga paminsan-minsang tampuhan dahil sa pagkakaibigan nila.

Paliwanag niya, "Ang maganda naman kasi sa amin, before kami nagkaroon ng relationship, nagkaroon na kami ng friendship.

"So, kung ano man ang mangyari, parating magkaibigan pa rin kami."

Samantala, ngayong seryoso siya sa relasyon nila ni Rachelle, naiisip na kaya ni John na mag-settle down?

Sagot ni John, "Hindi ko pa kasi siya naiisip. Kumbaga, I'm still young.

"Hoping. Lagi naman tayong hopeful kasi ilang beses na rin naman akong umasa na sana 'yon, pero hindi naman natin masasabi 'yon."

ON BIANCA MANALO. Sa kabilang banda, natawa naman si John nang tanungin siya ng PEP kung totoo ba ang balibalitang nagkakamabutihan na sila ng Happy, Yipee Yehey! co-host niya na si Bianca Manalo. (CLICK HERE to read related article.) 

Hindi raw ito totoo, sabi ni John.

Dagdag pa ng Banana Split actor, "Pamilya kami doon, e. Kung ano ang meron kami, friendship talaga.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

20 Comments

  • 20  rodela

    06/12/2011 | 02:55 AM
    chessygirl, taon bago makipagbf ulit si Rachelle Ann Go sa iba.. 2 years after ng break up nila ni Christian bago nya sinagot si Gab at haller kelan pa sila nagbreak ni Gab bago si John.. at saka namimili sya..FYI ang daming nanliligaw sa kanya..wag kang mapanghusga, kasalanan yan
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 19  chessygirl

    06/12/2011 | 01:58 AM
    itong si rachel ann go mahilig ding magbilang ng bf,,sunod sunod din,,hehe,,kahit sino nalang,,basta may bf yata siya,,ok sana si john,,maliit lang,,pero magaling syang actor,,at i find him may values at breeding,,bata pa silal,,naku,,itigil ang pagbibilang ng ganyan,,pashowbiz lang naman yung s akanila ni bianca ka kung bakit nga ba tinukso ang dalawa gayung nasa reasyon si john nga,,walang respeto naman ang mga hosts ng show naiyan,walang proffesionalism,,mag ingat sila,,mukhang ayaw ng mgmt ng dos ang ligawan na ganyan sa isang show,,nakakasira daw ng imahe ng show kaya itigil nyo po iyan,,although boto ako kay john for bianca ,bata pa si bianca e,,diba?mag trabaho nga kayo ng maayos at proffesional,kaya kayo nasisira at inaayawan ng tao sa ganyang pashowbiz,,
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 18  hooney

    06/11/2011 | 01:44 PM
    isingit daw ba si Shaina?bakit nasaan na ba si Shaina ngayon?hahaha!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 17  smarties

    06/10/2011 | 09:54 PM
    sana break na sila...lumabas na true colors ni John...total turn off!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 16  kapusoakotalaga

    06/10/2011 | 05:21 PM
    sila pa ren ,magkasama sila nung bday ni sam milby...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 15  naku_naman

    06/10/2011 | 04:24 PM
    At 14 dakilangina, ok lang sana yung gimik kung meron projects si John and Bianca outside of HYY like a movie or teleserye na dapat sila ipromote as loveteam, pero wala naman eh. Don't count HYY kasi it's a live show not a teleserye. That's the point kaya nakakabastos ang gimik. Wala sa lugar ang pagtukso sa kanila. Yan ang hindi naiintindihan ng ibang fans ni John.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 14  dakilangina

    06/10/2011 | 03:45 PM
    Hoy mga kapeps ano ba kayo gimik lang yang Bianca-John.,..... para pag usapan ang HYY. ano ba kayo, John is for Rachelle..... nag iingay lang ang mga taga HYY...... for gimik ba.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 13  rodela

    06/10/2011 | 01:43 PM
    I hate you John Prats!... noon awang awa ako saiyo dahil sa ginawa ni Shaina pero ngayon naiintindihan ko na kung bakit naghanap ng pagmamahal si Shaina sa iba, di ka marunong magmahal at mag-alaga ng karelasyon..nasa SM accessories show ka para kay Bianca M. tapos according to Mariel, nanood pa kayo ng movie that night..di mo ba naalala ang sakit ng lokohin? makarma ka sana! kasama ng mga plastic na co hosts mo sa HYY
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 12  wowlegs2

    06/10/2011 | 11:35 AM
    i think they really broke up and they just dont want to say anything. Give it a month. I bet they are not together anymore. Too bad. So disrepectful to Rachelle. I feel bad about her.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 11  eniforever

    06/10/2011 | 08:14 AM
    Tse. Nakakaturn-off ka John Pratts. Di na ko magugulat kung hiwalayan mo si RAG, o hiwalayan ka nya. Obvious naman ang magiging dahilan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 10  naku_naman

    06/10/2011 | 08:10 AM
    Naku pag nagkasiraan si John and Rachelle, we all know who to blame...HYY especially Mariel and Mateo. It will reflect badly on ABS-CBN too.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • pinoycali_ako

    06/10/2011 | 07:18 AM
    C Mariel ang pasimuno ni john at bianca..insecure kasi itong c mariel kaya gusto nyang paghiwalayin mga tao! annoying ka talaga mariel!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • winonao1

    06/10/2011 | 06:36 AM
    wag kayong masyadong mabaitan sa kanya.. i remember noon sabi ni heart sa isang interview na kaya naman talaga sila naghiwalay ni john ay dahil may third party sa part ni john prats.. kaya yung nangyari sa kanila ni shaina hindi ako naawa kay john prats kasi karma-karma lng yan
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • smarties

    06/10/2011 | 12:37 AM
    John, whatever gimik you're into, i hope it is worth it...mukhang maiiwan ka na naman and this time with valid cause. If a guy do not value and respect the relationship then it is a waste of time when Rachelle could be spending it with the right guy. Rachelle, just like any woman deserves to be happy and respected.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • pinas48

    06/09/2011 | 10:15 PM
    i love john prats..gus2 ko ung segment nyang ikaw ang bida tpos ung banana split na bigla na lang silang mag-aapeear somewhere to dance..sana mangyari naman un sakin na bgla na lang anjan sumasayaw sa harap ko..john for sure loves RAG..nagsasabi lang sya ng possibilities when it comes to a relationship..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • SpeedOfLight

    06/09/2011 | 10:01 PM
    gimmick ng hyy yan. bukas, randy at pokwang, may namumuong sama ng mukha. lol.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • angel25

    06/09/2011 | 09:42 PM
    Im more of a Kapuso but i like John, my favorite ANG TV star. I'm glad you're still around for us to watch John.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • believeornot

    06/09/2011 | 09:06 PM
    midkid44, i agree,parang nag iba ang ihip nang hangin or ganyan talaga siya na pag may girlfriend sinasabi niya na "siya na ang gusto kung pakasalan" remember he said that as well to shaina on his interview with boy abunda after john lloyd's interview sa the buzz last year. No offence to his fans, i think he is a good guy but now it makes me wonder..yon lang..peace everyone
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • midkid44

    06/09/2011 | 08:39 PM
    nung feb 2 ang sagot ni john nung itanong ang kasal eh "gusto ko sya na. yun na naman yun." madalas nya na sagot yan sa mga interview sa kanya bago uminit itong john-bianca. ngayon ano sagot nya? di pa daw nya naiisip yun. kumbaga he is still young daw. wala lang napansin ko lang.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • midkid44

    06/09/2011 | 08:26 PM
    ano nangyari john? kala ko ba SYA NA TALAGA? na may pambili ka na ng singsing? ngayon bakit biglang kambiyo ka na? tsk tsk.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About