Marami ang na-intriga sa mga ipinost ni Mark Herras sa kanyang Facebook account na Bobby Bong Marley kamakailan lang.
Parang may gusto itong ipahiwatig na pawang may kaugnayan sa kamatayan ang nakasaad sa kanyang account.
Tatlong krus sa sementeryo ang nasa profile pic nito at nung nakaraang Martes, June 7, nag-shout ito ng, "And if I die before I wake I pray to the Lord my soul to take.... but please don't cry just know that I made this song for You...coooz I'm ready for the funeral."
Kinabukasan ay meron uli siyang shout ng, "BLANKO... Mamang sundo mo na ko, please."
Mamang ang tawag ni Mark sa namayapa niyang lola at sobrang close ang dalawa.
Nag-post din ito ng mga awiting "Paalam by Bebin and Bebe (Baguio Artists)," "I'll be Missing You (Puff Daddy)," at "Kanlungan (Kaleidoscope)."
Parang may mabigat na pinagdadaanan si Mark na ang duda ng karamihan ay nag-break na sila ng kasintahan niyang si Ynna Asistio dahil matagal na ring kumakalat ang intrigang iyun.
Tinawagan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mark nung nakaraang Miyerkules, June 8, pero mabilis niyang itinanggi ang isyung breakup. Ikinakalat lang daw iyun ng mga haters nila.
Nakausap ng PEP si Nadia nung kamakalawa ng hapon, June 9, at mariin niyang itinanggi ang intrigang iyun. Meron din kasi siyang ipinost sa kanyang Facebook account na, "Breaking up with him doesn't mean you don't love him, it only means you love yourself a little more. Nice..."
Hindi raw nakatukoy kina Mark at Ynna, kundi sa isang kaibigang nakipag-break sa kanyang boyfriend kamakailan lang.
May initials ng pangalan ng kaibigan nito sa shout na iyun pero nakiusap si Nadia na huwag nang ilagay.
Basta okay raw ang kanyang anak at si Mark na itinuturing na nilang bahagi ng pamilya.
Kung ano man daw ang kahulugan ng mga nasa Facebook ng young actor, hindi raw niya alam dahil wala naman daw itong ipinagtatapat sa kanila.
Nakausap ng PEP si Mark sa dance rehearsal ng Party Pilipinas kahapon, June 10, at ipinaliwanag niya kung ano ang ibig sabihin ng mga shout niya sa kanyang Facebook account.
Ayon kay Mark, "Actually ayoko nang magsalita kasi, di ba, parang lalaki pa o mas lalabas pa yung issue.




0

