Dennis Trillo worries that his son, Calix, will grow up one day and read about ex-girlfriend Jennylyn Mercado's tell-all on the Internet.

"Kaya hangga't maaari ay nababantayan ko ang paglaki ni Calix. Para nakakausap ko siya at kahit paunti-unti ay maiintindihan niya ang mga pinagdaanan ko. Hindi lang naman issue kay Jennylyn, e, kundi issue sa kung kanino pa," he says.

 

Sa latest issue na kinasasangkutan ni Dennis Trillo ngayon, ang una raw na naisip niya ay ang proteksyon ng kanyang anak na si Calix Andreas.

Kahit raw wala pang naiintindihan si Calix sa mga nangyayari, hindi naman isinasaisang tabi ni Dennis ang katotohanan na balang-araw ay malalaman din ng kanyang anak ang mga pangyayari.

"Ngayon kasi wala namang alam ang anak ko sa mga intriga tungkol sa akin. Pero years from now, kapag malaki na siya ay makakagamit na siya ng Internet or other forms of getting information.

"Siyempre, hindi puwedeng hindi mapasama ang nangyari sa amin ni Jennylyn [Mercado]," pahayag ni Dennis sa panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press launch ng afternoon drama series ng GMA-7 na Sinner Or Saint sa Kamayan Restaurant sa West Avenue, Quezon City last June 7.

"Kaya hangga't maaari ay nababantayan ko ang paglaki ni Calix. Para nakakausap ko siya at kahit paunti-unti ay maiintindihan niya ang mga pinagdaanan ko.

"Hindi lang naman yung issue kay Jennylyn, e, kundi issue sa kung kanino pa. Hindi ko naman kayang i-deny lahat 'yan dahil nandiyan na siya. It's for everyone to read at hindi exemption ang anak ko."

Ang worry ni Dennis ay baka maging biktima ang kanyang anak ng ilang tao na puwedeng gamitin ang mga issues niya para mapasama ang kanyang anak.

"Yun din ang iniisip ko kaya gusto kong maprotektahan si Calix. Madaling kumuha ng information na puwedeng gamitin na panira sa akin at maapektuhan ang anak ko.

"Pero lagi ko naman pinaparamdam at sinasabi kay Calix na hindi ko siya pababayaan at parati akong nasa tabi niya. Bilang isang ama, 'yan ang obligasyon ko, na walang mananakit sa anak ko."

Sa nalalapit na Father's Day on June 18, may mga plano na raw siyang activities with Calix. Baka raw mamasyal sila sa mall, kumain sa restaurant at ibili siya ng mga bagong laruan.

"Kapag magkasama naman kami ni Calix, parang everyday is Father's Day," ngiti ni Dennis.

"The usual father-son activities ang ginagawa namin. Mabilis na kasi siyang tumakbo kaya minsan nasa park lang kami at sinasabayan niya ako mag-exercise.

"Masayahing bata si Calix kaya kapag magkasama kami, nakakalimutan ko ang mga stress na dala ng trabaho natin. Tingnan ko lang siyang nakangiti, parang okey na ang lahat. Nawawala na ang mga bigat sa kalooban ko. Alam ko kasi na may isang tao na hindi mawawala ang pagmamahal sa akin."

Naging open na nga si Dennis sa entertainment press tungkol sa tunay na nararamdaman niya sa naging issue nila ng ex-girlfriend na si Jennylyn Mercado. Bagama't parang unfair nga sa part niya na nagkuwento si Jen tungkol sa private matters nila, iniintindi na lang daw niya ito.

"Wala na akong magagawa, 'di ba? Nandiyan na, e. Kaya tanggapin ko na lang. Kung magalit man ako, ako lang ang mahihirapan.