"I really like her. She's really a good friend, mabait siya, matalino, nakakatawa, super nice person to be with, to hang out with, pero hindi, [walang] malisya, [we're] really just friends, really just friends," says Fabio Ide. 

Photo: Noel Orsal

Sa kasalukuyan, mapapanood si Fabio sa Andres de Saya at Comedy Bar. Pero hindi lang 'yon ang dapat abangan daw.

"Now I just signed a contract with Regal Films,

"So sana by the end of this year I have a movie to come out.

"I can't tell you guys about it but sigurado [yun]."

 

ON RUFA MAE. Si Fabio ay isa sa mga lalake na na-link sa sexy Kapuso actress-comedian na si Rufa Mae Quinto.

Nagkasama ang dalawa sa dating show ng GMA-7, Dwarfina, na pinagbidahan ni Heart Evangelista at Dennis Trillio.

Bagaman paulit-ulit ng idine-deny ng dalawa ang issue, hindi ito mawala-wala.

"A lot of people are saying that we have something, pero hindi totoo po.

"Hindi ko siya nililigawan, kaibigan, super kaibigan kami." Paliwanag ni Fabio.

Bago pa man daw sila magkasama sa Dwarfina, ay matagal na silang magkakilala, kabaligtaran daw ng alam ng karamihan na sa nasabing show lang sila unang nagkasama.

Pero wala man silang relasyon, inamin ni Fabio na nae-enjoy niya ang company ni Peachy (palayaw ni Rufa Mae).

"I really like her.

"She's really a good friend, mabait siya, matalino, nakakatawa, super nice person to be with, to hang out with,

"Pero hindi, [walang] malisya,

"[We're] really just friends, really just friends."

Last year ay nag-break si Fabio at ang kanyang girlfriend, si Bb. Pilipinas-Universe 2006 winner, Lia Andrea Ramos.