Magsisimula na ngayong gabi, June 13, ang huling linggo ng primetime series ng TV5 na Mga Nagbabagang Bulaklak.
Aminado ang isa sa mga bida ng serye na si Arci Muñoz na apektado siya sa nalalapit na pagtatapos ng kanilang serye.
"Malungkot po kasi po kahit 13 weeks yun, tatlong buwan, parang ang feeling namin, ang tagal na ng pinagsamahan namin ng mga staff, ng mga ibang artist. Yung bonding namin sa isa't isa.
"Pero happy rin naman kami kasi tapos na. Naitawid namin nang maayos yung show.
"Happy naman ang management sa naging contribution namin.
"Mapapanood na rin namin yung produkto na pinaghirapan namin.
"At may cast party po ngayong Wednesday [June 15]. May pa-Miss Gay sila!" pagbabalita pa ni Arci.
NO COMPETITION WITH RITZ. Isa rin sa nakakapagpataba ng puso ni Arci ay ang mga komento na naririnig niya tungkol sa ikinaunlad ng kanyang acting.
"Sobra po akong nagpapasalamat," aniya.
"Sabi ko nga po, lahat naman tayo may opinyon.
"Nagpapasalamat ako sa lahat ng taong nakaka-appreciate sa effort na ibinigay ko."
Pero kakambal ng papuring ito ang intrigang nagpapagalingan at nagpapatalbugan daw sila ng co-star niya at gumaganap na kapatid niya sa serye na si Ritz Azul.
"Sabi ko naman, we have no competition.
"Kahit sino naman inside Nagbabagang Bulaklak, wala talagang kumpetisyon sa amin.
"Kami ni Ritz, pag may eksena kami, we help each other.




0

