Azkals player Phil Younghusband has denied the rumor that he already has a non-showbiz girlfriend named KC del Rosario while courting actress Angel Locsin.

Photo: Sany Chua

Mariing itinanggi ng Azkals player na si Phil Younghusband ang report na may non-showbiz girlfriend na diumano siya habang nanliligaw sa aktres na si Angel Locsin.

Ayon sa lumabas na report, KC del Rosario daw ang pangalan ng non-showbiz girlfriend ni Phil.

Pero ayon kay Phil sa panayam ng The Buzz sa kanya, "There's no truth to the story."

Dagdag pa niya, "I do not know any KC or we may have been introduced before.

"I've already talked to Angel about the rumors and we both know, there's no truth to it.

"I have spent the last few days of my free time with her before I leave for Germany tonight.

"Thanks for giving me the chance to explain."

Umalis ang Azkals papuntang Germany noong Linggo, June 12, para sa training nila roon.

Sabi pa ni Phil, tatlong babae lang daw ang kasalukuyang nasa puso niya.

"My mom, my sister, and Angel," saad ng Fil-Brit athlete-model.

Pinabulaanan din ng mismong inuugnay kay Phil na si KC ang balita sa pamamagitan ng mensaheng ipinarating niya sa The Buzz.

Ayon kay KC, "I'm still a bit confused on how this issue set off, but we aren't dating.

"I've met him once and that is all. He seems like a nice guy but I don't know much about him."

Si KC ay ex-girlfriend daw ng Kapamilya young actor na si Matteo Guidicelli.

Hindi naman itinanggi ni Matteo ang kaugnayan niya noon kay KC, pero bago pa raw ang Agua Bendita yun at wala na raw silang kaugnayan ng dalaga.