news

(UPDATED) Marian Rivera and Heart Evangelista reportedly involved in a feud

by Erwin Santiago posted on June 15, 2011  STATS: 310279 Views | 1541 Comments

Sources claim that Temptation Island stars Heart Evangelista (left) and Marian Rivera (right) are reportedly involved in a feud, which also drags the name of Heart's mother, Mrs. Cecile Ongpauco.

Photo By: Rowie Gutierrez

Usap-usapan ngayon ang diumano'y away sa pagitan ng Kapuso stars na sina Marian Rivera at Heart Evangelista.

Magkasama ang dalawang aktres sa remake ng Temptation Island ng Regal Films at GMA Films.

Noong una ay pinabulaanan ni Heart sa kanyang Twitter account noon June 11 ang nababalitang away nila ni Marian, na nagsimula bilang isang blind item.

“Let’s not make a big fuss. Marian and I are okay. Showbiz is showbiz so, Heartworld, 'wag na tayo mag-away-away," saad ni Heart sa kanyang tweet bilang tugon sa mga nagtatalong fans.

Pero kinumpirma ng isang report na may alitan nga sa pagitan nina Marian at Heart nang may nangyaring insidente sa airport sa Manila noong Lunes, June 13, kunsaan sangkot din umano ang ina ni Heart na si Mrs. Cecile Ongpauco.

Galing daw sina Heart at Marian, kasama ang iba pang cast at crew ng Temptation Island, sa Paoay, Ilocos Norte, kunsaan kinunan ang mga natitirang eksena ng kanilang pelikula.

Ayon sa report ng veteran columnist na si Mario Bautista sa People's Journal kahapon, June 14, pagdating daw sa Manila airport ay lalapit sana si Marian kay Heart para magpaalam.

Pero bigla raw siyang sinigawan ng ina ni Heart—na naroon upang sunduin ang anak—at sinabing: "Stay away from my daughter!"

May mga sinabi pa raw na masasakit na salita si Mrs. Ongpauco kay Marian, na napaiyak dahil sa narinig.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag mula sa kampo nina Marian at Heart. Bagamat mainit na ang pagtatalo sa iba't ibang social networking sites ng kanilang mga tagahanga bilang pagtatanggol sa mga idolo nila.

Hindi rin malinaw kung ano ang pinag-ugatan ng away ng dalawa.

Pero ayon sa ilang sources ng PEP, tila nagsimula ang gusot sa pagitan ng dalawang aktres nang sabihin sa isang interview ng boyfriend ni Heart na si Daniel Matsunaga na gusto niyang makapareha sa isang proyekto si Marian.

Noon naman daw nasa Ilocos sila ay tila nagparinig si Heart na excited na siyang maka-partner si Dingdong Dantes, na boyfriend naman ni Marian.

May niluluto kasi yatang proyekto ang GMA-7 na pagtatambalan nina Heart at Dingdong.

Doon na raw nagsimula ang iringan nina Marian at Heart.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1541 Comments

  • 1541  SOLIDKAPUSOTAYO

    07/03/2011 | 10:29 PM
    CHECK HEART'S LATEST TWEETS. THE BOMB. SUGOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOD!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1540  aniston

    06/30/2011 | 01:41 PM
    Pathetic naman ni Heart kung ganun at ang yabang naman ng mother nya. Kaya pala nagrebelda sa you si Heart dati, sobra ka!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1539  faye0807

    06/26/2011 | 09:18 PM
    ito namang mami ni heart akala mo kung sino,,porke b mayaman ka eh khit sino n lng kinakayan kayanin nya,,akala ko ba educada kau..........
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1538  pretty_pharma2

    06/26/2011 | 01:40 AM
    Sa incident na nangyari sa airport, sino ang lumalabas na walang pinag-aralan at walang breeding, palengkera? Definitely not Marian. I pity you Mrs. Ongpauco.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1537  pretty_pharma2

    06/26/2011 | 01:34 AM
    Bottom line, insecure lang talaga ang heartless na mag-ina kay Marian. Through Marian's words, i can sense the truth in her. Go girl! Be strong!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1536  mangtemi

    06/25/2011 | 05:45 PM
    Heart baka ito ang ikalubog ng career mo na naman. Parang ikaw at ang nanayo ang wala sa kaywiran dito. Isa aoi sa Natuwa ng na revive mi ang career mo at hindi ako maka marian pero pag pinagkaisahan kang iboycott ng fans ni marian and im pretty sure they're more than 10x your fans baka pulutin ka na naman sa kangkungan. Kaya cecille ongpauco mag public apology ka na kay mr kasi nag over react ka kasi eh tsk tsk tsk
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1535  sylvester

    06/24/2011 | 06:31 PM
    tsaka bakit ganito ang fans ni Heart??? gayahin nyo ang idol nyo sosyalin, kung ano ano lumalabas sa messages nyo...kung palaaway tingin nyo sa fans ni marian, mga bastos naman kyong mga fans ni heart, ang sasama ng words na ginagamit nyo!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1534  sylvester

    06/24/2011 | 05:57 PM
    sa umpisa palang ng career ni marian, never sya nagsinungaling, kaya nga sya laging misunderstood dahil lagi nya sinasabi saloobin nya, kahit pa buena de familia galing si heart, kung totoong ginagawa yun ng nanay nya, pagsalitaan ng masama si marian, mali pa rin yun... narating ni marian kung ano man sya ngayon dahil sa pagsisikap, walang connection at ano pa man.. si heart, ang tagal na sa showbiz, di parin narating ang kung nasan si marian, kung tutuusin, bagitong artista si marian kay heart pero maraming nagtitiwala kay marian...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1533  wacky_baste

    06/24/2011 | 02:03 PM
    hay marianne, stop saying nonsense things! dapat naging writer ka nalang, galing mong gumawa ng kwento! malamang si dingdong ginayuma mo lang kasi di kayo magka level. ang bagay kay d.dong si karylle si heart or kc basta di lang ikaw. So cheap!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1532  wacky_baste

    06/24/2011 | 02:00 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1531  wacky_baste

    06/24/2011 | 01:26 PM
    kawawa naman si heart! at dahil may breeding siya hindi siya umiiyak tulad ng isa diyan na paawa effect! hay
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1530  wacky_baste

    06/24/2011 | 01:23 PM
    hay gumagawa na naman ng scene ang marianne na yan
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1529  sleepylawhead

    06/24/2011 | 05:55 AM
    im not a heart bor a marian fan but ever since i really don't like marian....she's such a liar and she confirmed it....sinangkalan pa niya ang mga casts and crews but they themselves confirmed the incident...i've read this article kala mo kung makapagsalita siya nagpasok kay heart sa industry and that heart owes her for creating "heart" and for her to have projects...te baka nakakalimutan mo nauna si heart sau kaya...wag kang pumapel bago ka lang...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1528  kapamilyahoo

    06/24/2011 | 01:36 AM
    at ano na ngang rate ng amaya? 10 ba? e ang 100 days? 14? BWAHAAHAHAHA
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1527  kapamilyahoo

    06/24/2011 | 01:35 AM
    ano kayang mga salita ang sinabi ng mommy ni heart kay marian? malamang masasakit na salita yun..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1526  gaila

    06/22/2011 | 09:54 PM
    kahit saan mo tingnan at pakinggan , MArian made it to the top. yun lang yun and she deserves what she have right now. napakasipag nman talaga .
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1525  tearhere

    06/22/2011 | 01:48 PM
    I dont think its tru, Heart comes from a well to do family, buena familia, edukado parents nya, un mom ni Heart soft-spoken lng, I dont think Mrs. Ongpauco will stoop down 2 that level. Gimik lng yan 4 temptation island, isang chipipay n gimik.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1524  blessfull

    06/22/2011 | 11:13 AM
    i don't like them both.. cheap issue..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1523  landstown

    06/22/2011 | 09:21 AM
    yaralei kain ka muna ng ampalaya para mabawasan naman ang pagka highblood mo.lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1522  maricelfromla

    06/22/2011 | 08:05 AM
    AY BASTA AKO KE MARIAN PA RIN,,KITA NYO NAMAN ANG MGA FANS NYA ME LOLA,LOLO,INANG,ATENG,INENG,JOLOGS,IMPORTED AT LOCAL AY NAGKAKAISA PARA KE IDOL,KASI ME KARISMA SYANG PANG MASA,,KAYA YUNG MGA NAGKO-COMMENT NG NEGA KE YAN-YAN ISA LANG MASASABI NG LOLA KO,,, MGA JINJETERA KAYO CHE!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About