Pero mabilis naman daw naayos ng dalawa ang gusot na ito bago pa man sila bumalik ng Maynila.
Nang akala ng lahat ay okey na sina Marian at Heart, lumaki uli ang isyu dahil sa nangyaring insidente sa airport.
Ayon pa sa ilang sources, may kasama pa raw bodyguards ang ina ni Mrs. Ongpauco bilang "proteksiyon" kay Heart. Hindi matukoy kung ilan eksakto ang bilang ng bodyguards; may nagsasabing walo at meron namang apat daw.
Nang makarating ang insidenteng ito sa fans ni Marian ay hindi nila ito nagustuhan.
Ayon sa mga forum sites, bukod sa masasakit na salita raw na binitiwan ng ina ni Heart ay pinagmukha pa raw "kriminal" si Marian dahil nagsama pa ito ng bodyguards.
Dahil din sa nangyari ay umaapela na ang fans ni Marian sa GMA-7 na huwag nang ituloy ng network ang proyektong pagsasamahan nina Heart at Dingdong.
At press time ay sinusubukan pa rin ng PEP na kunan ng pahayag ang magkabilang kampo.
Pero may nakapagsabi sa amin na hindi papayagan ng GMA-7 na magpa-interview sina Marian at Heart kung tungkol sa isyung ito ang pag-uusapan.
Bukas ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa anumang pahayag na manggagaling kina Marian at Heart, pati na rin sa ina ng huli.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
1121 chos
1120 tangerine_dream114
1119 carloparillo_26
1118 7heaven
1117 carloparillo_26
1116 7heaven
1115 7heaven
1114 kapusoako007
1113 7heaven
1112 lotuss
1111 7heaven
1110 kapusoako007
1109 joey1
1108 joey1
1107 carloparillo_26
1106 carloparillo_26
1105 7heaven
1104 mommynijaime
1103 lema
1102 carloparillo_26
more comments