news

(UPDATED) Marian Rivera and Heart Evangelista reportedly involved in a feud

by Erwin Santiago posted on June 15, 2011  STATS: 310283 Views | 1541 Comments

Sources claim that Temptation Island stars Heart Evangelista (left) and Marian Rivera (right) are reportedly involved in a feud, which also drags the name of Heart's mother, Mrs. Cecile Ongpauco.

Photo By: Rowie Gutierrez

Usap-usapan ngayon ang diumano'y away sa pagitan ng Kapuso stars na sina Marian Rivera at Heart Evangelista.

Magkasama ang dalawang aktres sa remake ng Temptation Island ng Regal Films at GMA Films.

Noong una ay pinabulaanan ni Heart sa kanyang Twitter account noon June 11 ang nababalitang away nila ni Marian, na nagsimula bilang isang blind item.

“Let’s not make a big fuss. Marian and I are okay. Showbiz is showbiz so, Heartworld, 'wag na tayo mag-away-away," saad ni Heart sa kanyang tweet bilang tugon sa mga nagtatalong fans.

Pero kinumpirma ng isang report na may alitan nga sa pagitan nina Marian at Heart nang may nangyaring insidente sa airport sa Manila noong Lunes, June 13, kunsaan sangkot din umano ang ina ni Heart na si Mrs. Cecile Ongpauco.

Galing daw sina Heart at Marian, kasama ang iba pang cast at crew ng Temptation Island, sa Paoay, Ilocos Norte, kunsaan kinunan ang mga natitirang eksena ng kanilang pelikula.

Ayon sa report ng veteran columnist na si Mario Bautista sa People's Journal kahapon, June 14, pagdating daw sa Manila airport ay lalapit sana si Marian kay Heart para magpaalam.

Pero bigla raw siyang sinigawan ng ina ni Heart—na naroon upang sunduin ang anak—at sinabing: "Stay away from my daughter!"

May mga sinabi pa raw na masasakit na salita si Mrs. Ongpauco kay Marian, na napaiyak dahil sa narinig.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag mula sa kampo nina Marian at Heart. Bagamat mainit na ang pagtatalo sa iba't ibang social networking sites ng kanilang mga tagahanga bilang pagtatanggol sa mga idolo nila.

Hindi rin malinaw kung ano ang pinag-ugatan ng away ng dalawa.

Pero ayon sa ilang sources ng PEP, tila nagsimula ang gusot sa pagitan ng dalawang aktres nang sabihin sa isang interview ng boyfriend ni Heart na si Daniel Matsunaga na gusto niyang makapareha sa isang proyekto si Marian.

Noon naman daw nasa Ilocos sila ay tila nagparinig si Heart na excited na siyang maka-partner si Dingdong Dantes, na boyfriend naman ni Marian.

May niluluto kasi yatang proyekto ang GMA-7 na pagtatambalan nina Heart at Dingdong.

Doon na raw nagsimula ang iringan nina Marian at Heart.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1541 Comments

  • 981  chillis

    06/17/2011 | 02:15 PM
    Sabi ng friend ko maganda daw Amaya on free stremming. Kasi TFC kami , we respect that . Pero girl amaya is not the issue . ang issue ugali ng idol nyo. may kasabihan nga na bago pag madaming bunga.. lumalaki ang ULO ng puno.. kahit wala na ngang bunga malaki parin ULO kahit puro dahon na lang.. Kung makapagyabang kasi idol mo dati kala mo major share holder ng SMDC. haha puro bangas ..bangis at angas..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 980  ganda_ketch

    06/17/2011 | 02:14 PM
    Weno kung maarte si Heart at least di siya hostage taker, lol. Biglang vindicated si Bela Padilla dito, haha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 979  mysty

    06/17/2011 | 02:13 PM
    sudadr...it just shows...you really don't know bipolar disorder! Please do research...it's for your own good.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 978  sudadr

    06/17/2011 | 02:13 PM
    Next time Marian pipili ka ng kakawawain mo! Dapat yung hindi kayang kumuha ng bodyguards para makulong mo sa banyo at masubsob mo ang mukha sa lababo! hahaha...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 977  sudadr

    06/17/2011 | 02:12 PM
    7heaven, sana magising ka na sa katotohanan na ang sinasamba mo ay isang Rebulto!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 976  chillis

    06/17/2011 | 02:10 PM
    7heaven is marian rivera..haha bayad ka ba sa ginagawa mo?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 975  sudadr

    06/17/2011 | 02:08 PM
    Chillis, yah I got you. Hindi na-virgin sa madaling salita. Eh ano ngayon, marami naman artista na hindi na virgin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 974  sudadr

    06/17/2011 | 02:07 PM
    Matalino yang si Marian, kapag walang nakakakita tsaka yan umaatake, nanghaharass. Pero kapag maraming tao na ang nakatingin pa-sweet at lalapit kuno. Syempre ano gagawin ng isa? Makikipagplastikan? Hindi naman plastik si Heart, maarte lang, pero hindi sya plastik! At hindi nyo masisisi ang Nanay, dahil lahat ng Nanay ay gagawin ang ginawa ni Mrs. Ongpauco kung hinarass ng ganun ang anak mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 973  chillis

    06/17/2011 | 02:06 PM
    sudadr i couldnt find right term for pinagsawahan.. What is the the term with gamit na? Get it?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 972  7heaven

    06/17/2011 | 02:06 PM
    Bitters and bashers will always be there. Just dont mind them. Their mission is to pull you down. Kasi nga nasa tugatog ka na ng tagumpay. Ganun tlga pag ang punong hitik sa bunga babatuhin para malaglag. Kaya be strong. Your loving fans will always be there for you no matter what they throw against you.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 971  lema

    06/17/2011 | 02:05 PM
    PADUNGOL. matapobre ka rin ano? may masama ba sa pagiging squatter? nilalait mo mga taga squatter. kung makapanlait ka sa kanila, akala mo kung sino ka. if i know, masmalinis pa ang pagkatao nila kesa sa'yo. sa mga comments mo nalang, kitang-kita na ang maitim mong budhi. nanonood din ako ng amaya, kaso nasa glendale ako. kung yong nga taga squatter na nilalait mo eh mahilig ding manood ng amaya, I WISH I CAN JOIN THEM para mas masaya! siguro naman, mababait silang mga tao!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 970  chillis

    06/17/2011 | 02:04 PM
    sudadr You are right maraming speculations. and the write up was favorable to Marian.. But we cant put all the blaims to Heart and her Mom. Unless we have enough evidence. But based on the history and youtube accounts we know that both ladies have Attitude. When it comes to their bfs they are exaggerated and obssessed so much. For what is Marian has been doing she is no longer inlove with DD but obsessed. Haha even commercial shoots she's like a snake wrap arounds DD body. She's so obssessed and inlove with him. On the accounts of Heart we know for a fact she is sumbongera so her mom was there. Having bodyguards is a no no. However knowing Marian who never care who you are matanda o bata she will fight back so si mother ni heart nagdala bodyguards..haha PEP should write the side of HE . kasi this article is for marian. Naku style din yan after all papainterview sila sa YES at aamin..haha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 969  mysty

    06/17/2011 | 02:03 PM
    sudadr.....ahhhh not worth an iota of my time...I'm so forever grateful for the guidance of my parents....I now rest my case.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 968  ganda_ketch

    06/17/2011 | 02:03 PM
    Sarap sanang makita kung paano napahiya si Marian, ano na lola, di ka umubra kay Mrs Ongpauco! Buti nga sa iyo, patago ka kasing mangharass, tapos paplastikin mo pag may mga taong nakapaligid. Yan tuloy ang napala mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 967  7heaven

    06/17/2011 | 02:00 PM
    Way to go Miss Marian ou are simply cut above the rest! Comparably you are the best!! Amaya the best!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 966  sudadr

    06/17/2011 | 01:59 PM
    Ano ngayon kung marami ng naging bf? What's the fuss? At least sila ang nang iiwan, hindi sila ang iniwanan! Kaya hindi magagamit ang word na pinagsawaan! Kalurke
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 965  sudadr

    06/17/2011 | 01:57 PM
    Etong si Marian umiiyak ng walang dahilan! Anong tawag mo don? Lukresya lang!!! LOL Kaloka mga fans ni Marian!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 964  7heaven

    06/17/2011 | 01:56 PM
    Hold on tight Miss Marian!! Just keep on praying!! I learned na sa mga simbahan pala ang tambayan ng babaing ito together with Roxanne Barcelo instead na pumunta sa mga gimikan. Way to go Miss Marian.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 963  chillis

    06/17/2011 | 01:56 PM
    pinagsawahan ng mga ex nila..kalurke.. pareho silang losers what's the fuss. they both have past when it comes to boys. Sila nga yung girls na pag may bago they will dumped their bfs. now exs. in short may record silang ganun which is natatakot sila on karma.. haha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 962  sudadr

    06/17/2011 | 01:56 PM
    Myst, galit na galit ka naman dyan! Baka naman ikaw ang may Bipolar disorder! LOL
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About