news

(UPDATED) Marian Rivera and Heart Evangelista reportedly involved in a feud

by Erwin Santiago posted on June 15, 2011  STATS: 310204 Views | 1541 Comments

Sources claim that Temptation Island stars Heart Evangelista (left) and Marian Rivera (right) are reportedly involved in a feud, which also drags the name of Heart's mother, Mrs. Cecile Ongpauco.

Photo By: Rowie Gutierrez

Usap-usapan ngayon ang diumano'y away sa pagitan ng Kapuso stars na sina Marian Rivera at Heart Evangelista.

Magkasama ang dalawang aktres sa remake ng Temptation Island ng Regal Films at GMA Films.

Noong una ay pinabulaanan ni Heart sa kanyang Twitter account noon June 11 ang nababalitang away nila ni Marian, na nagsimula bilang isang blind item.

“Let’s not make a big fuss. Marian and I are okay. Showbiz is showbiz so, Heartworld, 'wag na tayo mag-away-away," saad ni Heart sa kanyang tweet bilang tugon sa mga nagtatalong fans.

Pero kinumpirma ng isang report na may alitan nga sa pagitan nina Marian at Heart nang may nangyaring insidente sa airport sa Manila noong Lunes, June 13, kunsaan sangkot din umano ang ina ni Heart na si Mrs. Cecile Ongpauco.

Galing daw sina Heart at Marian, kasama ang iba pang cast at crew ng Temptation Island, sa Paoay, Ilocos Norte, kunsaan kinunan ang mga natitirang eksena ng kanilang pelikula.

Ayon sa report ng veteran columnist na si Mario Bautista sa People's Journal kahapon, June 14, pagdating daw sa Manila airport ay lalapit sana si Marian kay Heart para magpaalam.

Pero bigla raw siyang sinigawan ng ina ni Heart—na naroon upang sunduin ang anak—at sinabing: "Stay away from my daughter!"

May mga sinabi pa raw na masasakit na salita si Mrs. Ongpauco kay Marian, na napaiyak dahil sa narinig.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag mula sa kampo nina Marian at Heart. Bagamat mainit na ang pagtatalo sa iba't ibang social networking sites ng kanilang mga tagahanga bilang pagtatanggol sa mga idolo nila.

Hindi rin malinaw kung ano ang pinag-ugatan ng away ng dalawa.

Pero ayon sa ilang sources ng PEP, tila nagsimula ang gusot sa pagitan ng dalawang aktres nang sabihin sa isang interview ng boyfriend ni Heart na si Daniel Matsunaga na gusto niyang makapareha sa isang proyekto si Marian.

Noon naman daw nasa Ilocos sila ay tila nagparinig si Heart na excited na siyang maka-partner si Dingdong Dantes, na boyfriend naman ni Marian.

May niluluto kasi yatang proyekto ang GMA-7 na pagtatambalan nina Heart at Dingdong.

Doon na raw nagsimula ang iringan nina Marian at Heart.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1541 Comments

  • 961  sudadr

    06/17/2011 | 01:54 PM
    Chilli, I agree with you on your last comment. Anyway, hindi naman mag rereact ang Nanay ni Heart ng ganun kung walang nangyari na physical between the two.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 960  mysty

    06/17/2011 | 01:53 PM
    sudadr...Do you have any idea what bipolar disorder is? Bipolar disorder is a serious kind of depression....dahil bigla na lang tumatawa ay bipolar na... kalurkey!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 959  sudadr

    06/17/2011 | 01:52 PM
    OMG mga tao dito kung makapagsalita about pinagsawaan, there is no such thing like that! Both of these girls broke up with there bf's themselves.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 958  chillis

    06/17/2011 | 01:52 PM
    sudadr..basta kay DD napsycho si MR.. obssessed love yan.. ayaw nya makarma maagaw si DD. kasi si DD madaling mafall sa ka love team.. Yakap halik lang nafafall na.. Antoinette,she left dance partner Karylle then marimar partner na marian.. so pag nakahanap next fresh flavor..bye bye na.. insecure much. si heart naman over sumbongera yan.. nagdala ng bodyguards mommy nya kasi si Marian pumapatol kahit matanda.. nabigla siguro naiyak ng todo..wawa naman nakarma..may katapat ka din ateng..ikaw na ang reyna ng palengke.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 957  sudadr

    06/17/2011 | 01:49 PM
    Kung publicity lang ito! Napakawalang puso naman ni Mother Lily. At napaka unfair sa side nila Heart. This article is so incomplete, at ang daming speculations.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 956  chillis

    06/17/2011 | 01:48 PM
    madaming tambay dito pag ala amo..haha tig isang daan na comment.. Well karma what goes around comes around. Karma kay MR after Bella..kala ko cavitenia ka dating kabitenia..hehe anyway may karma ka din Heart. So cheap nag-ugat sa lalaki.. Palibhasa parehong pinagsawahan na dati. LOL. Good Luck parang circus.. fiesta.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 955  sudadr

    06/17/2011 | 01:47 PM
    I think pagdating kay DD ay masyadong over acting itong si Marian! Primetime queen kuno na nga, insecure pa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 954  sudadr

    06/17/2011 | 01:46 PM
    Nasan yung 8 bodyguards? Bakit hindi mo itanong sa nagsulat nitong kwentong ito, dahil siya ang naglagay na nagdala ng 8 na bodyguards ang nanay ni Heart.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 953  sudadr

    06/17/2011 | 01:45 PM
    Hindi porke't mayaman ay walang karapatan ipagtanggol ang anak. Kung ang pagprotekta sa anak ay isang papagiging walang breeding, eh lahat siguro ng Nanay ay walang breeding!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 952  kalahatingtao

    06/17/2011 | 01:43 PM
    halatang gimik lang...hard sale kumbaga
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 951  demita15

    06/17/2011 | 01:42 PM
    some people here failed to see the improbability of the situation as reported in this article.. being gullible most of the time is equivalent to stu pi di ty guys!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 950  shickerbabe19

    06/17/2011 | 01:41 PM
    grabe nman mkapanlait itong mga mayayaman sa aming mga taga squatters area,pare-pareho rin naman tayong nagbabayad ng TAX,kung ayaw niyo makakita ng mga mahihirap mag alsa balutan kau at tumira sa ibang bansa.ano namang masama kung Amaya ang pinapanood namin eh un nman ang gusto ng tao at sa totoo lang kaabang-abang nman tlaga ang bawat scenes.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 949  tjreuel

    06/17/2011 | 01:37 PM
    Isang malinaw na promo publicity para sa Temptation Island..so CHEAP!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 948  lema

    06/17/2011 | 01:35 PM
    USELESS naman mga HATERS dito. Hanggang ngayon, HINDI PARIN NILA NAPAPABAGSAK SI MARIAN RIVERA! Boring! hahahha! Ilang taon narin silang TRYING SO HARD, since 2008 pa, pero WA EPEK parin sila sa POWERS NG ISANG MARIAN RIVERA! . sabagay, ginagantimpalaan kasi ng nasa Itaas ang taong TOTOO at masipag magtrabaho...di ba, Miss Marian?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 947  Bambinapilipina

    06/17/2011 | 01:32 PM
    asan yang thugs este bodyguards ng Nanay at ni Heart, noong binababoy ni Annabel Rama ang pagkatao ni Heart... 8 bodyguards talaga vs 100 lbs Marian kahit sinong palaban iiyak talaga nyan... Palibhasa Hindi mapapansin ang beauty kaya gumagawa ng eksena..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 946  shickerbabe19

    06/17/2011 | 01:32 PM
    napansin niyo nba na removed na ang profile photos sa twitter nung fan ni Heartless na si Hawkeye?napahiya siya kc feeling niya super duper kagandahan siya!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 945  7heaven

    06/17/2011 | 01:21 PM
    So blessed ka talaga kasi mabuti kang tao, kaibigan, anak at propesyunal na artista.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 944  7heaven

    06/17/2011 | 01:19 PM
    Just thank the Lord na lang Miss Marian for all the good blessings that keeps pouring and coming ur way. Mataas ang rating ng Amaya. People loved it well except for some of course. Understandable naman na u cannot please everybody especially yung mga nasa kabila. He he he he. Really good friends who really loves you except for the fake one. You have a movie together with the fake one. He he he he he he!!! Meron ka ding comedy show na Show Me Da Manny.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 943  kulit_18

    06/17/2011 | 01:17 PM
    so many things were said from both fans of marian and heart... let's just wait their side of story... mahirap magjudge kung yung mga taong involve ndi p nman nagsasalita...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 942  7heaven

    06/17/2011 | 01:12 PM
    Exaggerated tlga yung aksyon nung nanay!! Tsk tsk tsk. Akala ko pa namn thet have class and breeding kasi nga sosyal, inglisera at mayaman. Hndi pala. Hndi pala natatakpan ng pera ang tunay na pagkatao. Watta FAKE!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About