news

(UPDATED) Marian Rivera and Heart Evangelista reportedly involved in a feud

by Erwin Santiago posted on June 15, 2011  STATS: 310446 Views | 1541 Comments

Sources claim that Temptation Island stars Heart Evangelista (left) and Marian Rivera (right) are reportedly involved in a feud, which also drags the name of Heart's mother, Mrs. Cecile Ongpauco.

Photo By: Rowie Gutierrez

Usap-usapan ngayon ang diumano'y away sa pagitan ng Kapuso stars na sina Marian Rivera at Heart Evangelista.

Magkasama ang dalawang aktres sa remake ng Temptation Island ng Regal Films at GMA Films.

Noong una ay pinabulaanan ni Heart sa kanyang Twitter account noon June 11 ang nababalitang away nila ni Marian, na nagsimula bilang isang blind item.

“Let’s not make a big fuss. Marian and I are okay. Showbiz is showbiz so, Heartworld, 'wag na tayo mag-away-away," saad ni Heart sa kanyang tweet bilang tugon sa mga nagtatalong fans.

Pero kinumpirma ng isang report na may alitan nga sa pagitan nina Marian at Heart nang may nangyaring insidente sa airport sa Manila noong Lunes, June 13, kunsaan sangkot din umano ang ina ni Heart na si Mrs. Cecile Ongpauco.

Galing daw sina Heart at Marian, kasama ang iba pang cast at crew ng Temptation Island, sa Paoay, Ilocos Norte, kunsaan kinunan ang mga natitirang eksena ng kanilang pelikula.

Ayon sa report ng veteran columnist na si Mario Bautista sa People's Journal kahapon, June 14, pagdating daw sa Manila airport ay lalapit sana si Marian kay Heart para magpaalam.

Pero bigla raw siyang sinigawan ng ina ni Heart—na naroon upang sunduin ang anak—at sinabing: "Stay away from my daughter!"

May mga sinabi pa raw na masasakit na salita si Mrs. Ongpauco kay Marian, na napaiyak dahil sa narinig.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag mula sa kampo nina Marian at Heart. Bagamat mainit na ang pagtatalo sa iba't ibang social networking sites ng kanilang mga tagahanga bilang pagtatanggol sa mga idolo nila.

Hindi rin malinaw kung ano ang pinag-ugatan ng away ng dalawa.

Pero ayon sa ilang sources ng PEP, tila nagsimula ang gusot sa pagitan ng dalawang aktres nang sabihin sa isang interview ng boyfriend ni Heart na si Daniel Matsunaga na gusto niyang makapareha sa isang proyekto si Marian.

Noon naman daw nasa Ilocos sila ay tila nagparinig si Heart na excited na siyang maka-partner si Dingdong Dantes, na boyfriend naman ni Marian.

May niluluto kasi yatang proyekto ang GMA-7 na pagtatambalan nina Heart at Dingdong.

Doon na raw nagsimula ang iringan nina Marian at Heart.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1541 Comments

  • 921  sudadr

    06/17/2011 | 12:51 PM
    Unfair ang article. Bakit hindi nilagay ang dahilan kung bakit galit na galit ang Nanay ni Heart kay Marian. Hindi magagalit ng ganun ganon lang ang isang Ina na walang dahilan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 920  marafyah2

    06/17/2011 | 12:51 PM
    Amaya no.1 in HIGHLY DIVERSIFIED and VIEWER RICH MEGA MANILA!!!!!!!! Yahoooooooooooooooooo!!! Gogogo Yan!!! More power!! Top BIR TAXPAYER!!! Yan ang WALA s iba, kahit pagsama-samahin p ang mga CLASS A stars ng kapamilya network, LAMANG p rin ang REYNA ng KAPUSO network!!!!!!!!!! I think Heart mom only overreacted!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 919  sudadr

    06/17/2011 | 12:49 PM
    Ang FAKE kamo ay yang si Yan Yan nyo! Pwe! Kapag nanghaharass patago, para nga naman hindi kita ng publiko. And then, kapag nasa public place pa-sweet kuno at paawa! Ano ba yan!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 918  sudadr

    06/17/2011 | 12:48 PM
    Mag gu-goodbye kuno nga itong si Marian, kase nga plastik! Syempre ok lang kay Heart yon, dahil si Heart tahimik lang yan at hindi nakikipag away. Pero syempre isang ina ang Nanay ni Heart kahit sinong nanay kapag nalamang hinarass ang anak nya ay gagawin ang lahat mapaglaban lang ang anak nya!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 917  7heaven

    06/17/2011 | 12:47 PM
    Prim and proper una pala FAKE and HeartLESS!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 916  PADUNGOL

    06/17/2011 | 12:47 PM
    Unfair talaga ang article na to kay yang yang... Kulang na kulang, hindi dinugtong kung ano ang tunog iyak ni yang yang.. Yong tunog BAKA nyang iyak.. yan ang hindi kayang gayahin ng mga kapamilya stars and even hollywood.. wala silang tunog baka kung umiyak.. from yayangnatics fans club of mega manila squatters.. Tseng
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 915  marafyah2

    06/17/2011 | 12:43 PM
    Sa kin gusto ko silang magkaayos. I like Heart and I love Marian. Yun nga lang simple logic, Marian made a good gesture by going to Heart and saying goodbye, but Heart's mother came in.... Sa tingin ni Marian, maayos n sila pero not on Heart's mom.... Sana i-clear ang issue kung talgang nagkaayos n sila at sana wag nang sumawsaw yung ina ni Heart. Heart is already grown up ika nga...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 914  sudadr

    06/17/2011 | 12:43 PM
    Noname? Nanay nakikisawsaw? Protective lang sya sa anak nya parang yung lola ni Bela Padilla, remember? Nangpa interview pa sya sa PEP dahil sa ginawa ng idolo nyo sa kawawang Bela! Ikulong ba naman sa banyo at isubsob ang face sa lababo! No wonder nagdala ng bodyguards si Mrs. Ongpauco para sa anak nya!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 913  pepreader123

    06/17/2011 | 12:41 PM
    Ano ba talaga ang totoo? Lagi na lang me tsismis na si Marian, pag nakakasama nya sa isang project? Like Katrina, Bela ngayon naman si Heart?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 912  sudadr

    06/17/2011 | 12:40 PM
    Si Annabelle nang aaway yan kapag na aapi ang mga anak! Si Mrs. Ongpauco pa kaya! Akala siguro ni Marian eh papalagpasin lang ito ng mga magulang ni Heart! Sorry na lang sya, baka nga tinawagan na ni Mrs. Ongpauco mga lawyers nila dahil sa pang haharass nya kay Heart!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 911  PADUNGOL

    06/17/2011 | 12:39 PM
    yang yang d best ka... idol kita kasi pareho tayong Pandak...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 910  sudadr

    06/17/2011 | 12:38 PM
    Hindi nga lumalaban sa matanda si Marian dahil ang inaapi nya ay yung mga kasing edad nya! Feeling nya kase siya ang reyna sa GMA! Ikaw kaya ang makakarma Marian! Napakaplastik mo!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 909  sudadr

    06/17/2011 | 12:37 PM
    Marami ring fans ni Heart ang nagustuhan si Marian nung naging friends sila kahit na may pagkabaduy yang si Marian. Pero ngayon! Pwe na lang siya sa akin!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 908  etoako

    06/17/2011 | 12:33 PM
    ang negra naman nung anino ni marian mukha pang bakekang...kaya insecure na insecure kay marian at selos na selos ikaw na kasi ang MAGING PRIMETIME QUEEN, MOST BEAUTIFUL FACE IN THE BIZ..kahit umiiyak, nagagalit hindi mo talaga mabubura ang ganda nya ang babaeng walang anggulo, BEST ACTRESS, RICH AND FAMOUS, AT HIGIT SA LAHAT MAY BF NA GWAPO NA...SIMPATIKO PA...MATALINO...MABAIT AT LABIS NA NAGMAMAGAL SA KANYA...kaya pati syota ng iba di nakaligtas sa angkin nyang ganda at type na type syang i-date...bwahahaha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 907  chick_lette

    06/17/2011 | 12:21 PM
    syempre c marian ang inaaway para mukhang kawawa KUNO.pero s totoo sya tong nang aaway.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 906  chick_lette

    06/17/2011 | 12:19 PM
    maraming haters kaya maraming comments mataas ang lipad kaya malakas din ang pagbagsak. hahahahahaha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 905  chick_lette

    06/17/2011 | 12:18 PM
    maraming haters kaya maraming comment. masyadong mataas ang lipad kaya malakas dn ang bagsak.hahahahahhahahahahahhahaha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 904  pepster31

    06/17/2011 | 12:09 PM
    susme, ang dami namnag sumasakay sa pakulo ni mother lily! ganyang ganyan din nung movie nina ruffa, rufa mae, marian at iza dati...pinag away sina rufa mae at marian na later on inamin ni rufa mae na utos lang ni mother...hay naku!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 903  Weslia

    06/17/2011 | 11:55 AM
    Talaga naman ang mga haters ni marian mahilig makisawsaw sabagay ok lang kc sila naman itong busit na busit sa buhay nyah!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 902  mysty

    06/17/2011 | 11:52 AM
    Lagot ka Heart..nagsalita na si Mother Lily.....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About