news

(UPDATED) Marian Rivera and Heart Evangelista reportedly involved in a feud

by Erwin Santiago posted on June 15, 2011  STATS: 310244 Views | 1541 Comments

Sources claim that Temptation Island stars Heart Evangelista (left) and Marian Rivera (right) are reportedly involved in a feud, which also drags the name of Heart's mother, Mrs. Cecile Ongpauco.

Photo By: Rowie Gutierrez

Usap-usapan ngayon ang diumano'y away sa pagitan ng Kapuso stars na sina Marian Rivera at Heart Evangelista.

Magkasama ang dalawang aktres sa remake ng Temptation Island ng Regal Films at GMA Films.

Noong una ay pinabulaanan ni Heart sa kanyang Twitter account noon June 11 ang nababalitang away nila ni Marian, na nagsimula bilang isang blind item.

“Let’s not make a big fuss. Marian and I are okay. Showbiz is showbiz so, Heartworld, 'wag na tayo mag-away-away," saad ni Heart sa kanyang tweet bilang tugon sa mga nagtatalong fans.

Pero kinumpirma ng isang report na may alitan nga sa pagitan nina Marian at Heart nang may nangyaring insidente sa airport sa Manila noong Lunes, June 13, kunsaan sangkot din umano ang ina ni Heart na si Mrs. Cecile Ongpauco.

Galing daw sina Heart at Marian, kasama ang iba pang cast at crew ng Temptation Island, sa Paoay, Ilocos Norte, kunsaan kinunan ang mga natitirang eksena ng kanilang pelikula.

Ayon sa report ng veteran columnist na si Mario Bautista sa People's Journal kahapon, June 14, pagdating daw sa Manila airport ay lalapit sana si Marian kay Heart para magpaalam.

Pero bigla raw siyang sinigawan ng ina ni Heart—na naroon upang sunduin ang anak—at sinabing: "Stay away from my daughter!"

May mga sinabi pa raw na masasakit na salita si Mrs. Ongpauco kay Marian, na napaiyak dahil sa narinig.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag mula sa kampo nina Marian at Heart. Bagamat mainit na ang pagtatalo sa iba't ibang social networking sites ng kanilang mga tagahanga bilang pagtatanggol sa mga idolo nila.

Hindi rin malinaw kung ano ang pinag-ugatan ng away ng dalawa.

Pero ayon sa ilang sources ng PEP, tila nagsimula ang gusot sa pagitan ng dalawang aktres nang sabihin sa isang interview ng boyfriend ni Heart na si Daniel Matsunaga na gusto niyang makapareha sa isang proyekto si Marian.

Noon naman daw nasa Ilocos sila ay tila nagparinig si Heart na excited na siyang maka-partner si Dingdong Dantes, na boyfriend naman ni Marian.

May niluluto kasi yatang proyekto ang GMA-7 na pagtatambalan nina Heart at Dingdong.

Doon na raw nagsimula ang iringan nina Marian at Heart.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1541 Comments

  • 881  7heaven

    06/17/2011 | 09:28 AM
    Indeed a great performance by Miss Marian Rivera sa Amaya!! Congrats GMA!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 880  kapuso_breed

    06/17/2011 | 09:25 AM
    HEART is a FAKE! This girl deserves but nothing in the showbizworld. Naglilinis-linisan pedro nakipag-live in na kay JR. Pang ilan na ba sa buhay nya si DM?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 879  kapuso_breed

    06/17/2011 | 09:19 AM
    Wow, Amaya is very addicting! Marian's performance is killing! Congrats to the whole cast and the ppl behind this so called EPIC-SERYE. GOD BLESS MARIAN!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 878  marafyah2

    06/17/2011 | 09:06 AM
    Ganda ng Amaya kagabi!!! Galing ni Ms. Marian Rivera!!! No wonder, no.1 ang Amaya s HIGHLY DIVERSIFIED at VIEWER RICH MEGA MANILA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! Kakatawa angm mga bitter at nega kung manlait e MEGA MANILA yan, look kunsaan bundok no.1 ang istasyon niyo!! LOL!! Kaya bitter at inggit, NEGA n lang BUHAY niyo basta si Ms. Marian FULL OF BLESSINGS at DEADMA s inyo!!! We'll c d nxt on heart-marian issue, sana i-clear nila and hope magkaayos sila!!! Cheers!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 877  Opinyon_Ko_Lang

    06/17/2011 | 08:56 AM
    PADUNGOL relax ka lang - piyestang-piyesta ka ngayon sa dami mong comments! Ang saya-saya mo siguro ngayon noh, parang nakikita ko nga mga ngiti mo eh...ok yan AS LONG AS MASAYA KA KAHIT NAKAKA-SAKIT KA NG TAO - IPAGPATULOY MO YAN! MABUHAY KA!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 876  heaven02_07

    06/17/2011 | 08:48 AM
    korek ka Landstone, dahil kay Marian kaya ko lang sya ginusto, pero dahil sa ginawa nilang mag-ina kay Marian...NO WAY na sa kanya at I'm sure lahat ng Fans ni Marian Malaking Ayaw na lalo sa kanya! Sorry ka na lng Heart dahil nagkamli ka ng binangga mo! Mahal na Mahal namin si Marian at hindi kami papayag na siraan sya at apihin nyo! Maraming Fans na nagmamahal kay Marian! TAKENOTE SA MGA MARIAN HATERS!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 875  joey1

    06/17/2011 | 08:41 AM
    heartless, hindi pa rin kayo nagbabago, matapobre pa din kayo... plastik ka pa din at sobrang insecure... I have liked you for a while pero ngayon hindi na and never again! antayin niyo ang karma! padating na!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 874  pepsterulit

    06/17/2011 | 08:40 AM
    me too, i liked heart kac akala ko true friend sya ni marian....hayz, may hidden motive pala...should've seen it coming since the jericho nd anabelle brouhaha pa lang...kawawa talga c marian, parating ginagamit...DD, pagtanggol mo nman!...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 873  joey1

    06/17/2011 | 08:38 AM
    landstown, agree ako sa yo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 872  landstown

    06/17/2011 | 08:35 AM
    congats Amaya napakagaling mo at ang taas ng ratings number one.magiinit na naman ang ulo ng kapams niyan.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 871  landstown

    06/17/2011 | 08:30 AM
    sayang dahil kay marian minahal ko si heart pero ngayon pinagtulungan ninyong magina si marian kaya sorry ka na lang heart di na kita gusto.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 870  ding12

    06/17/2011 | 08:20 AM
    big turn off kay heartless!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 869  aad1

    06/17/2011 | 08:19 AM
    heartless, magtago ka na sa saya ng nanay mo at antayin ang karma niyo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 868  aad1

    06/17/2011 | 08:18 AM
    HEARTLESS, magtago ka na sa saya ng nanay mo! antayin mo karma niyo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 867  lovelike

    06/17/2011 | 07:53 AM
    Sino bang hindi ma insecure sa beauty ni MARIAN??? Plus her confident,talent,spontaneity and her strong FAITH to GOD... ang nagdadala kay AMAYA MARIAN sa tagumpay... BEST ACTRESS MARIAN huwag pansisinin ang paninira...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 866  ayambyutiful

    06/17/2011 | 07:48 AM
    pure gimik lang ito para sa movie...kabado kasi ang kapuso network na di kumita ang movie na to. marian and heart parehong wala pa napapatunayan sa box office, buti pa si rufa mae hit nuon ang booba
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 865  pepsterulit

    06/17/2011 | 07:41 AM
    guys may bago na daw name c heart...heartless....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 864  pepsterulit

    06/17/2011 | 07:37 AM
    ung team ni bentong nadagdagan pa ng taoyuan...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 863  pepsterulit

    06/17/2011 | 07:36 AM
    kelangang all caps talaga ang pangalan...i think ung ibang haters dito eh one person lng....ang pathetic non ah...anywayz, 7 30 dito sa US at wlng tao ngaun sa PEP, balik na lng ako....nagsibalikan na sa lungga nilng dumpsite daw ang mga haters at wlng magawa sa buhay kung di manira ng iba...inggit kac....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 862  taoyuan

    06/17/2011 | 07:35 AM
    common sense noh....talagang number 1 ang GMA sa Manila ksi yung mga kababayan natin na nasa squaters area nakatira di kayang magpakabit ng cable ay no choice kundi sa GMA manood...para daw kasing nililindol ang ABS channel kaso lang yung iba gumawa ng paraan para clear ng konti,,,pero outside manila number 1 ang ABS...itanong nyo yan sa mga kamag-anakan nyo na nasa province at sa mga nakatira sa may gilid ng riles
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About