news

(UPDATED) Marian Rivera and Heart Evangelista reportedly involved in a feud

by Erwin Santiago posted on June 15, 2011  STATS: 310425 Views | 1541 Comments

Sources claim that Temptation Island stars Heart Evangelista (left) and Marian Rivera (right) are reportedly involved in a feud, which also drags the name of Heart's mother, Mrs. Cecile Ongpauco.

Photo By: Rowie Gutierrez

Usap-usapan ngayon ang diumano'y away sa pagitan ng Kapuso stars na sina Marian Rivera at Heart Evangelista.

Magkasama ang dalawang aktres sa remake ng Temptation Island ng Regal Films at GMA Films.

Noong una ay pinabulaanan ni Heart sa kanyang Twitter account noon June 11 ang nababalitang away nila ni Marian, na nagsimula bilang isang blind item.

“Let’s not make a big fuss. Marian and I are okay. Showbiz is showbiz so, Heartworld, 'wag na tayo mag-away-away," saad ni Heart sa kanyang tweet bilang tugon sa mga nagtatalong fans.

Pero kinumpirma ng isang report na may alitan nga sa pagitan nina Marian at Heart nang may nangyaring insidente sa airport sa Manila noong Lunes, June 13, kunsaan sangkot din umano ang ina ni Heart na si Mrs. Cecile Ongpauco.

Galing daw sina Heart at Marian, kasama ang iba pang cast at crew ng Temptation Island, sa Paoay, Ilocos Norte, kunsaan kinunan ang mga natitirang eksena ng kanilang pelikula.

Ayon sa report ng veteran columnist na si Mario Bautista sa People's Journal kahapon, June 14, pagdating daw sa Manila airport ay lalapit sana si Marian kay Heart para magpaalam.

Pero bigla raw siyang sinigawan ng ina ni Heart—na naroon upang sunduin ang anak—at sinabing: "Stay away from my daughter!"

May mga sinabi pa raw na masasakit na salita si Mrs. Ongpauco kay Marian, na napaiyak dahil sa narinig.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag mula sa kampo nina Marian at Heart. Bagamat mainit na ang pagtatalo sa iba't ibang social networking sites ng kanilang mga tagahanga bilang pagtatanggol sa mga idolo nila.

Hindi rin malinaw kung ano ang pinag-ugatan ng away ng dalawa.

Pero ayon sa ilang sources ng PEP, tila nagsimula ang gusot sa pagitan ng dalawang aktres nang sabihin sa isang interview ng boyfriend ni Heart na si Daniel Matsunaga na gusto niyang makapareha sa isang proyekto si Marian.

Noon naman daw nasa Ilocos sila ay tila nagparinig si Heart na excited na siyang maka-partner si Dingdong Dantes, na boyfriend naman ni Marian.

May niluluto kasi yatang proyekto ang GMA-7 na pagtatambalan nina Heart at Dingdong.

Doon na raw nagsimula ang iringan nina Marian at Heart.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1541 Comments

  • 701  capisceniente

    06/16/2011 | 08:05 PM
    Wow, ang daming comments. Umepekto ang CHEAP GIMMICK ng Temptation Island. Tingnan natin, cgurado ko another FLOP in the making na naman to.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 700  puckerlips143

    06/16/2011 | 08:03 PM
    dati halos isumpa nitong mga taga kamuning si Annabelle nung nilayasan ni heart ngayun naniniwala na sa mga sinasabi ni Annabelle tungkol Kay heart at sa mother Nya haha.....kainaman. ang report ng pep ay biased mas maganda marinig at mabasa ang side ni heart at marian mangyayari yan siguro kapag tapos na ang TI at nagflop abangan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 699  ding12

    06/16/2011 | 07:43 PM
    excited na ako sa amaya mamaya!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 698  7heaven

    06/16/2011 | 07:27 PM
    Laos daw pero nag effort na magmapait. He he he he!!! Kapampams nga naman!!!. Typical bitter. LOL!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 697  kapuso_u

    06/16/2011 | 07:26 PM
    bye muna...lilipat na me sa STARMO...ganda kasi ng site nila...bawal ang maraming account...makikita mo yung mga nagcocomment kasi kailangan may FB...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 696  kapuso_u

    06/16/2011 | 07:23 PM
    grabe nakakatakot nmn ang picture ni MR...kala ko mangangagat...parang gustong itulak si heart sa stage...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 695  kapuso_u

    06/16/2011 | 07:20 PM
    hulaan ko ang kikitain nito... 143M in 3day...tapos after 2 weeks 20M lang pala....parang MVG....remember...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 694  kapuso_u

    06/16/2011 | 07:18 PM
    grabe ang promotion ng movie ng mga LAOS....ganito din ang promotion noong kay BELA sa Endless Love....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 693  7heaven

    06/16/2011 | 06:47 PM
    Sige mga alupihang dagat!!! Gapang!!! LOL!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 692  7heaven

    06/16/2011 | 06:45 PM
    Tapos maglalagay pa sila magic envelope para sa magic wand awards!! LOL!!! Ha ha ha ha ha ah!!! Actress na po ako!!! LOL!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 691  7heaven

    06/16/2011 | 06:43 PM
    Hndi nga pala makakabayad itong taong to kasi lugi pa sila sa nakaraang mga pelikula nila. Hinahanap ung 200 million kita DAW eh hndi makita!!!! Hndi ma account. Ha ha ha ha ha!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 690  7heaven

    06/16/2011 | 06:41 PM
    Ano ba yan pati victory party tinitipid?? Buy1 take 1!!! Ha ha ha ha ha!!! Pasensiya na kau kasi nagbabayd pa ng bilyong utang. Deym!! Toink!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 689  GMAthebest_14344

    06/16/2011 | 06:40 PM
    di na kelangan ng crabs dahil xa na mismo ang nagpapababa sa sarili nya lahat ng issues nya nega! lahat ng pelikula flop, o saan ka pa? di ba? naku heart mag ingat ka bka makulong ka sa cr o mabatukan in public..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 688  wh3ng

    06/16/2011 | 06:39 PM
    ang mga nasa picture isang bilasang isda HE at isang namumukadkad na rosas MR... kung totoong umiyak man si Marian sa airport ng dahil kay m-haderang nanay ni heart ay maaaring sa kadahilanan na nagtitimpi sya ng galit para patulan ang inang walang breeding, tama ang marian wag mong patulan ang isang inang nagpapaka over protective sa isang anak na sobrang l-spag na. ang tindi ng Amaya usap-usap kahit saan mapa tweeter o facebook lahat ng salita e ginagamit na Bai, Baba, Iloy, Uripon, etc. ang galing ng scene ni Marian nung ginawa syang uripon superb! nakakaiyak...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 687  7heaven

    06/16/2011 | 06:38 PM
    Isang malaking burger party!!! Ha ha ha ha!!! ANo kaya Angels o Minute burger?? LOL!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 686  saladboy

    06/16/2011 | 06:36 PM
    let's not be too quick to judge because they both have a history of fighting-marian's well known aleady, and jericho almost had fistfight with john estrada because heart told him that john maltreated her?they may have different fighting styles,but fighting girls pa rin. so, i just hope they settle their differences, sans stage mothers and OTT bodyguards, psg ba?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 685  7heaven

    06/16/2011 | 06:35 PM
    Naku pag nangyari ang wish ng mga kapampams isang malaking party ang ibibigay ni Madam Chacha!!! Magpapaburger!!! Ha ha ha ha!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 684  shickerbabe19

    06/16/2011 | 06:31 PM
    kaya naman pala doubt ang bf ni heart to put a ring n her dahil iba naman pala ang gusto,,pwahahahah!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 683  ehemm

    06/16/2011 | 06:24 PM
    lols. hindi pa rin tapos? at the rate the pans are going blah blah here, seems like heart will need more guards to keep the batokers at bay lols. verily market-like is the ambience when they're around lols
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 682  7heaven

    06/16/2011 | 06:21 PM
    Poser na crab!!! Ayus!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About