news

(UPDATED) Marian Rivera and Heart Evangelista reportedly involved in a feud

by Erwin Santiago posted on June 15, 2011  STATS: 310425 Views | 1541 Comments

Sources claim that Temptation Island stars Heart Evangelista (left) and Marian Rivera (right) are reportedly involved in a feud, which also drags the name of Heart's mother, Mrs. Cecile Ongpauco.

Photo By: Rowie Gutierrez

Usap-usapan ngayon ang diumano'y away sa pagitan ng Kapuso stars na sina Marian Rivera at Heart Evangelista.

Magkasama ang dalawang aktres sa remake ng Temptation Island ng Regal Films at GMA Films.

Noong una ay pinabulaanan ni Heart sa kanyang Twitter account noon June 11 ang nababalitang away nila ni Marian, na nagsimula bilang isang blind item.

“Let’s not make a big fuss. Marian and I are okay. Showbiz is showbiz so, Heartworld, 'wag na tayo mag-away-away," saad ni Heart sa kanyang tweet bilang tugon sa mga nagtatalong fans.

Pero kinumpirma ng isang report na may alitan nga sa pagitan nina Marian at Heart nang may nangyaring insidente sa airport sa Manila noong Lunes, June 13, kunsaan sangkot din umano ang ina ni Heart na si Mrs. Cecile Ongpauco.

Galing daw sina Heart at Marian, kasama ang iba pang cast at crew ng Temptation Island, sa Paoay, Ilocos Norte, kunsaan kinunan ang mga natitirang eksena ng kanilang pelikula.

Ayon sa report ng veteran columnist na si Mario Bautista sa People's Journal kahapon, June 14, pagdating daw sa Manila airport ay lalapit sana si Marian kay Heart para magpaalam.

Pero bigla raw siyang sinigawan ng ina ni Heart—na naroon upang sunduin ang anak—at sinabing: "Stay away from my daughter!"

May mga sinabi pa raw na masasakit na salita si Mrs. Ongpauco kay Marian, na napaiyak dahil sa narinig.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag mula sa kampo nina Marian at Heart. Bagamat mainit na ang pagtatalo sa iba't ibang social networking sites ng kanilang mga tagahanga bilang pagtatanggol sa mga idolo nila.

Hindi rin malinaw kung ano ang pinag-ugatan ng away ng dalawa.

Pero ayon sa ilang sources ng PEP, tila nagsimula ang gusot sa pagitan ng dalawang aktres nang sabihin sa isang interview ng boyfriend ni Heart na si Daniel Matsunaga na gusto niyang makapareha sa isang proyekto si Marian.

Noon naman daw nasa Ilocos sila ay tila nagparinig si Heart na excited na siyang maka-partner si Dingdong Dantes, na boyfriend naman ni Marian.

May niluluto kasi yatang proyekto ang GMA-7 na pagtatambalan nina Heart at Dingdong.

Doon na raw nagsimula ang iringan nina Marian at Heart.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1541 Comments

  • 681  7heaven

    06/16/2011 | 06:20 PM
    Oo nga crabs, sige crab tira pa!!! Remember bawal malungkot. Kasiyahan mo yan eh! He he he he eh ehe!! Aryaaaaa!!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 680  jakar

    06/16/2011 | 06:20 PM
    nga pala pahabol...bakit ganun ang GMA pag si MR ang nasa alanganin hindi nila maipagtanggol sila pa ang nangungunang magbalita bkit kapag si rhian ang nasa alanganin...super duper over mega support kau...alang balita talagang totally black-out kau..masyado na kayong halata tita ha....lol hindi ako magtataka kung makipagnegosasyon si popoy sa TV5 para makalipat si MR...hindi nyo alagaan ang nagbibigay ng malaking anda sa inyo...buti na lang talaga may mga fans na loyal sa kanya... nga pala mrs. ampawko...does tracy g.'s name ring a bell?hehehe staff ng TI yan...lol
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 679  GMAthebest_14344

    06/16/2011 | 06:19 PM
    naku di na kelangan hilain, xa na mismo ang bumababa, kusa na nyang ginagawa yun...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 678  GMAthebest_14344

    06/16/2011 | 06:15 PM
    nagsasaya ang mga pro marian, sana naman suportahan nyo ang pelikula nya pra di abot abot ang pagka flop, magipon ipon na kayo ng pang sine nyo sa july pra kahit papano kikita naman ang pelikulang cheap na to.. di na matalo talo ng amaya ang mara clara e.. 5 percent lowest ratings ng amaya, psng guiness book of records yan.. pls support temptation island, pag ito flop pa ewan ko nalang isang tambak na ang mga starlets jan..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 677  7heaven

    06/16/2011 | 06:14 PM
    Sige mga crabs hila pa!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 676  jakar

    06/16/2011 | 06:08 PM
    ipinakikita lang dito kung sino talaga ang magaspang ang ugali...ipinakikita lang dito kung gaano habambog ang family ni heart...ipinakikita lang dito na tunay silang may breeding at class A talaga...ipinakikita lang dito na tama si ms. rama...ipinakikita lang dito na insecure talaga ang pinagmulan...uulitin ko...KAW BA NAMAN ANG GIRLFRIEND TAPOS IBA PALA ANG GUSTONG MAKA DATE....ikaw na the best ka...lol
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 675  7heaven

    06/16/2011 | 06:08 PM
    Wala na kayong magagawa mga haters kundi ang pumunta sa isang sulok at dun magngunguyngoy!!! Bhu hu hu!!! Bai Amaya is the Phenomenal primetime queen. And she will stay on top for the longest time. Dig??? LOL!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 674  7heaven

    06/16/2011 | 06:03 PM
    Katuwa mga haters. He he he he he!!! Gigil na gigil eh. Sasabog na yata mga dibdib nito sa sobrang inis. Ha ha ha ha ha ah!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 673  7heaven

    06/16/2011 | 06:00 PM
    Kapampams UTANG PAAAAA!!!!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 672  7heaven

    06/16/2011 | 05:58 PM
    He he he eh!! Eh d wag kang manood. Wala namang pipilit sau. Parang kawalan ka. Sige na laba ka na. TOINK!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 671  shickerbabe19

    06/16/2011 | 05:52 PM
    kaloka naman mga heartless fans d2,kahit kilan never na ma reach ni Heart ang kasikatan ni Marian!sa katunayan kahit ung mga bodyguard na kasama ng mader niya ay STARSTRUCK sa mala-diyosang kagandahan ng primetime QUEEN ng GMA7.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 670  7heaven

    06/16/2011 | 05:50 PM
    uh oh here comes the kapampams bashers. Make way to the demolition team of the kapampams. LOL
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 669  chillis

    06/16/2011 | 05:39 PM
    publicity man ito pareho silang ewwww.. manonood ka pa ba ng temptation island.. hahaha ill save my money sa hollywood movies.. o manood ng sampung indie films keysa sa landian at remake na ito..ano ba moral story nito.. magpasexy,magarte pag nastranded sa isla..haha.. Kumita lng si mother lily! Gising Pilipinas.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 668  tangerine_dream114

    06/16/2011 | 05:36 PM
    speed of light denial is ok
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 667  chillis

    06/16/2011 | 05:36 PM
    purelife i agree with u ..walang reputasyon na ang bagong title ng temptation island.. magsama ang maarteng mayaman mayabang.. kanto gurl pakwela batok queen ... equals wind and fire.. ASARAN yan.. samahan pa ng obsession sa BF nila.. Parang Erich angelica to..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 666  jimmycrackcorn

    06/16/2011 | 05:35 PM
    Well said purelife!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 665  ric_hunter

    06/16/2011 | 05:34 PM
    im 100 percent sure na hindi totoo ang tsismis na ito. isa na naman itong publicity stint or stunt para mapag-usapan. para sa mga walang alam at pumapatol na lang bigla sa mga isyong ganito na kinasasangkutan ng mga artista eh gumising na po kayo... kung gusto nyo ipaalaala ko sa inyo yung away sa pagitan nila marian rivera at bella padilla. naging mahaba ang storya nun, kulang na lang gawing telenovela. nadamay pa si dingdong at ang manager ni bella. tapos nagkabati daw at naging maayos na sila. at sa dulo may movie pala si marian at teleserye naman pala si bella. nagka artikulo pa nga nun dito sa pep na sinabi ni bella na nakatulong talaga daw yung away nila ni marian upang sumikat sya.... haaayzzz!!! kung sino yung ayaw gumising, eh di sige, matulog pa kayo managinip na lang nang managinip....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 664  chillis

    06/16/2011 | 05:32 PM
    from the article parang kaping kapi kay marian yung sumulat..alagad ba ni Popoy ito.. Alam naman natin pag dating kay dingdong psycho si marian.. lahat kakainin..haha Ito lng ang conclusion.. mahirap pagsamahin ang Mayamang maarte ..heart yan... pakwelang joke nambabatok next kanto gurl.. am sure ang nerves ni heart naalibadbaaran pag nagjoke si marian..hahaha eh may selosan pa..so lalong tumindi.. hahaha.. parehong obssessed sa lalaki o bf nila.. hay naku GROW UP..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 663  GMAthebest_14344

    06/16/2011 | 05:32 PM
    yah, marian is the real primetime queen kahit tinalo pa ng mga pipityugin na baguhan actress ng maraclara ang amaya, khit hindi overwelhming ang pilot episode basta primetime queen pa rin sya mula ng mawala ang mara clara. kahit kahati sa pagiging number ang 100 days at munting heredera.. kahit 5 ang pinakamababang ratings na nakuha ng amaya.. record breaker! ano kaya ang nanyari at takot na takot si mother sa kaligtasan ng anak at nag hire pa ng maraming bodyguards? ano kaya??
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 662  lema

    06/16/2011 | 05:26 PM
    purelife. CLAP. CLAP. CLAP. ang bait mo teh! wohooo! IDOL!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About