news

(UPDATED) Marian Rivera and Heart Evangelista reportedly involved in a feud

by Erwin Santiago posted on June 15, 2011  STATS: 310267 Views | 1541 Comments

Sources claim that Temptation Island stars Heart Evangelista (left) and Marian Rivera (right) are reportedly involved in a feud, which also drags the name of Heart's mother, Mrs. Cecile Ongpauco.

Photo By: Rowie Gutierrez

Usap-usapan ngayon ang diumano'y away sa pagitan ng Kapuso stars na sina Marian Rivera at Heart Evangelista.

Magkasama ang dalawang aktres sa remake ng Temptation Island ng Regal Films at GMA Films.

Noong una ay pinabulaanan ni Heart sa kanyang Twitter account noon June 11 ang nababalitang away nila ni Marian, na nagsimula bilang isang blind item.

“Let’s not make a big fuss. Marian and I are okay. Showbiz is showbiz so, Heartworld, 'wag na tayo mag-away-away," saad ni Heart sa kanyang tweet bilang tugon sa mga nagtatalong fans.

Pero kinumpirma ng isang report na may alitan nga sa pagitan nina Marian at Heart nang may nangyaring insidente sa airport sa Manila noong Lunes, June 13, kunsaan sangkot din umano ang ina ni Heart na si Mrs. Cecile Ongpauco.

Galing daw sina Heart at Marian, kasama ang iba pang cast at crew ng Temptation Island, sa Paoay, Ilocos Norte, kunsaan kinunan ang mga natitirang eksena ng kanilang pelikula.

Ayon sa report ng veteran columnist na si Mario Bautista sa People's Journal kahapon, June 14, pagdating daw sa Manila airport ay lalapit sana si Marian kay Heart para magpaalam.

Pero bigla raw siyang sinigawan ng ina ni Heart—na naroon upang sunduin ang anak—at sinabing: "Stay away from my daughter!"

May mga sinabi pa raw na masasakit na salita si Mrs. Ongpauco kay Marian, na napaiyak dahil sa narinig.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag mula sa kampo nina Marian at Heart. Bagamat mainit na ang pagtatalo sa iba't ibang social networking sites ng kanilang mga tagahanga bilang pagtatanggol sa mga idolo nila.

Hindi rin malinaw kung ano ang pinag-ugatan ng away ng dalawa.

Pero ayon sa ilang sources ng PEP, tila nagsimula ang gusot sa pagitan ng dalawang aktres nang sabihin sa isang interview ng boyfriend ni Heart na si Daniel Matsunaga na gusto niyang makapareha sa isang proyekto si Marian.

Noon naman daw nasa Ilocos sila ay tila nagparinig si Heart na excited na siyang maka-partner si Dingdong Dantes, na boyfriend naman ni Marian.

May niluluto kasi yatang proyekto ang GMA-7 na pagtatambalan nina Heart at Dingdong.

Doon na raw nagsimula ang iringan nina Marian at Heart.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1541 Comments

  • 1461  Weslia

    06/19/2011 | 08:55 PM
    Pero higit sa lahat ang pagmamahal at suporta ko kay marian ay mananatili dahil sya lang ang artista na gusto na walang kaplastikan sa katawan so sa mga haters forever na yang sakit nyo sa puso dahil di na gagaling ang sakit nyo na galit at inggit.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1460  memayz

    06/19/2011 | 08:44 PM
    o may connection sa showbiz, hindi nya daranasin ang lupit ng showbiz, pero despite of it na wala sya nyan, SUPER SIKAT PA RIN SYA, at yon ang hindi matanggap ng nakararami all your fans marian will always defend you, kasi nakasama at nakita ka namin kung pano mo kami tratuhin,napaka-simple mong kaibigan at idolo, you never brag of the things that you have, you are one in a million girl go go go amaya marian, ikaw na nga
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1459  memayz

    06/19/2011 | 08:38 PM
    hay marian dapat iwanan mo na lang ang showbiz dahil hindi ka nararapat dito dahil totoo kang tao at hindi ma-showbiz, grabe talaga ang kasamaan at inggit ng tao, ganito ang pattern ng pagpatay at pagdemolish sa career ni marian 1. gagawan sya ng kwento na kesyo sinabi ni marian na ganito, ginawa ni marian nang ganyan 2. lalaki ang issue,hindi pa man narinig yong side ni marian, o kahit narinig na ang version nya, iba ang rin naman ang ibabalita 3. nag-blown-out of proportion na ang imbentong kwento kay marian at hindi na sya pinapagsalita, pinatahamik na sya kasi sya ang primetime queen ng gma at mga taga gma din ang artistang involved 4. so symepre imbyerna an ang mga tao kay marian kasi ganyan sya, ganito sya 5. pagkatapos ng imbentong kwento na ginawa sa kanya, yon at yon pa rin ang ibabato sa kanya na kesyo, kaya hindi kumita ang pelikula kasi gumawa ng gimik at cheap yong pelikula, see?bottomline,pabagsakin si marian rivera kung anak lang si marian ng isang mga ma-impluwensyang mga tao o may
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1458  usagi_tsukino28

    06/19/2011 | 08:04 PM
    ka-cheapang issue.. promo sa film nila na sure FLOP!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1457  wh3ng

    06/19/2011 | 07:21 PM
    watched mind master super stunning ang ganda ni marian purple dress, purple manicure, purple lipstick, purple earrings and purple ring... ang ganda ganda nia walang binatbat si heart payatot hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1456  talk1979

    06/19/2011 | 07:06 PM
    team MARIAN ako as always!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1455  wh3ng

    06/19/2011 | 06:31 PM
    isa lang ang masasabi ko 'kamangha mangha talaga ang ganda ni Amaya'
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1454  kapusoako007

    06/19/2011 | 05:37 PM
    ang GANDA ni Teh Audrey. kasuka!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1453  gabypogi

    06/19/2011 | 04:39 PM
    wow daming comments ah??nice.. ah kaya pala e c marian and2..namaaaan!! andami agad nakikisawsaw wala namang alam sa nangyare..GRABE ANG NANAY NI HEART!! IKAW NA ANG MAYAMAN,IKW NA ANG SOSYAL..AT CGURADONG IKAW DIN ANG KAKARMAHIN! c marian hindi na kelangan ng gimik para mapansin,un nga lang laging cia ang favorite gawing gimik para mapansin..ikaw naaaaa!! ganyan talaga pag reyna!! alam nmn ni lord kung cno ang TOTOONG MAY MABUTING KALOOBAN..KAYA NAMAN LAGING BLESSED!!LOVEYOU AMAYA!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1452  mariantwinsister

    06/19/2011 | 04:15 PM
    Kung si Marian at Heart lang talaga ang involved, Im sure di sila mag-aaway on the first place. Kaso meron talagang mga alipores sa paligid-ligid na sawsawera at sulsulera. I just wonder why Heart allows her fans to join her on shooting, di ba dapat bawal yun? Siguro she wants to show that she's got a lot of followers. Well fine. But dont allow anyone to influence you or manipulate your way of thinking. Fans are fans, but you are the star here and you got a lot more to lose than them.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1451  mariantwinsister

    06/19/2011 | 04:10 PM
    Based on the comments, it appears na yung Audrey ang nag-umpisa ng panglalait kay Marian. Kung ako sa Heartworld, dapat isumpa nyo yang tao na yan. I used to lurk in heartworld, at mababait ang mga tao dun, kahit papano nirerespeto nila si Marian. And definitely sa Marian thread, walang nanglalait kay Heart, di nga sya nababanggit dun eh. But just as in any family, meron talagang black sheep, so might as well castigate that person who started it all.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1450  mariantwinsister

    06/19/2011 | 04:05 PM
    Maraming fan groups si Marian Rivera, iba't ibang orgs, iba't ibang names, ibat ibang kultura. Me mga fan groups na overzealous and protective, meron naman na mga moderate lang who dont easily jump into the fray. But one thing is for sure, hindi marunong mag-umpisa ng away ang mga Marian fans. Nagre-react lang sila, definitely, sa mga issues na binabato kay Marian. Generally, MR fans are happy people, kasi ang dami-daming blessings ni MR, ang daming projects at meron pang bonggang lovelife. So walang room for insecurity. Kaya lang me mga taong walang tigil sa pagbato sa mabungang puno ni Marian, kaya syempre walang tigil din ang pagtatanggol ng fans. Kung titigilan lang sana si Marian, eh di tahimik din ang mga fans. Gets nyo?!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1449  justdwayur

    06/19/2011 | 03:47 PM
    Nag react dito ang mga taga squatter for sure...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1448  7heaven

    06/19/2011 | 02:50 PM
    Ika nga bg Dabarkads eh, Ikaw Na!!!! Da Best Ka!!!! Hek hek hek. PEACE yo!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1447  7heaven

    06/19/2011 | 02:46 PM
    Marami kang alam eh. uro kung biniyayaan ka lang ng magandang karakas malamang ikaw na ang primetime queen. Walang binatbat ang mga superstars ng alinmang stasyon. Magaling ka eh. Sabi mo, LOL!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1446  7heaven

    06/19/2011 | 02:43 PM
    He he he!! Sige na nga. Sabi mo eh. Matalino ka eh. Ok na nga!! LOL!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1445  justpass1ngbye

    06/19/2011 | 02:19 PM
    O at masaya na pala kayo sa situation ng idol nyo ngayon? I do really like Marian kaya naghihinayang ako. Isa pa yan sa nakakasira sa kanya. Mga fans na walang ginawa kundi makipag away. If you really like her you should understand bakit tingin ko she deserves better projects. Kumokontra ka, tingin mo hindi nya kaya? Nakakatawa naman. Parang ayaw mo sya mag improve. I like her pero hindi ako fanatic na bulag na tingin sa kanya perfect na.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1444  7heaven

    06/19/2011 | 02:00 PM
    And rest assured prof na Marian can and is handling all her acting chores with flying colors. As well the director of Amaya? The storytelling is amazing let me tell you. Exquisite. They are just fine. So thanks for ur unsolicited opinion?? but no thanks. Magmarunong ba. He he he he!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1443  7heaven

    06/19/2011 | 01:53 PM
    Si Marian? Sayang?? He he he he!! Sayang na pala yung kinalalagyan ni Marian ngayun? Ayus. Thanks prof. Try harder prof
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1442  justpass1ngbye

    06/19/2011 | 01:45 PM
    And si Heart? Sa totoo lang kung hindi sya si Love Marie Ongpauco sa totong buhay she won't be this famous. Money makes it so easier for her. But sya nga yun so she deserves whatever good fortune that comes her way because of her name. Someday she'll settle down with some guy na ka-level nila and leave showbiz.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About