news

(UPDATED) Marian Rivera and Heart Evangelista reportedly involved in a feud

by Erwin Santiago posted on June 15, 2011  STATS: 310419 Views | 1541 Comments

Sources claim that Temptation Island stars Heart Evangelista (left) and Marian Rivera (right) are reportedly involved in a feud, which also drags the name of Heart's mother, Mrs. Cecile Ongpauco.

Photo By: Rowie Gutierrez

Usap-usapan ngayon ang diumano'y away sa pagitan ng Kapuso stars na sina Marian Rivera at Heart Evangelista.

Magkasama ang dalawang aktres sa remake ng Temptation Island ng Regal Films at GMA Films.

Noong una ay pinabulaanan ni Heart sa kanyang Twitter account noon June 11 ang nababalitang away nila ni Marian, na nagsimula bilang isang blind item.

“Let’s not make a big fuss. Marian and I are okay. Showbiz is showbiz so, Heartworld, 'wag na tayo mag-away-away," saad ni Heart sa kanyang tweet bilang tugon sa mga nagtatalong fans.

Pero kinumpirma ng isang report na may alitan nga sa pagitan nina Marian at Heart nang may nangyaring insidente sa airport sa Manila noong Lunes, June 13, kunsaan sangkot din umano ang ina ni Heart na si Mrs. Cecile Ongpauco.

Galing daw sina Heart at Marian, kasama ang iba pang cast at crew ng Temptation Island, sa Paoay, Ilocos Norte, kunsaan kinunan ang mga natitirang eksena ng kanilang pelikula.

Ayon sa report ng veteran columnist na si Mario Bautista sa People's Journal kahapon, June 14, pagdating daw sa Manila airport ay lalapit sana si Marian kay Heart para magpaalam.

Pero bigla raw siyang sinigawan ng ina ni Heart—na naroon upang sunduin ang anak—at sinabing: "Stay away from my daughter!"

May mga sinabi pa raw na masasakit na salita si Mrs. Ongpauco kay Marian, na napaiyak dahil sa narinig.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag mula sa kampo nina Marian at Heart. Bagamat mainit na ang pagtatalo sa iba't ibang social networking sites ng kanilang mga tagahanga bilang pagtatanggol sa mga idolo nila.

Hindi rin malinaw kung ano ang pinag-ugatan ng away ng dalawa.

Pero ayon sa ilang sources ng PEP, tila nagsimula ang gusot sa pagitan ng dalawang aktres nang sabihin sa isang interview ng boyfriend ni Heart na si Daniel Matsunaga na gusto niyang makapareha sa isang proyekto si Marian.

Noon naman daw nasa Ilocos sila ay tila nagparinig si Heart na excited na siyang maka-partner si Dingdong Dantes, na boyfriend naman ni Marian.

May niluluto kasi yatang proyekto ang GMA-7 na pagtatambalan nina Heart at Dingdong.

Doon na raw nagsimula ang iringan nina Marian at Heart.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1541 Comments

  • 521  hooney

    06/16/2011 | 11:43 AM
    and you know about Heart's family?galing ka ba sa mayaman o prominenteng pamilya or isa sa mga fans ni Marian Rivera na wanabe alam daw ang buong showbizworld, if you dont belong to chinese clan or does not have a chinese blood then youre just a pretender
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 520  7heaven

    06/16/2011 | 11:38 AM
    hoon, breeding you say??? Look at you. Look at urself. Breeding huh!! LOL!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 519  shikka

    06/16/2011 | 11:38 AM
    rotoscaper sorry but we were brought up not to say bad words.... I beg to disagree that all people say P.I. Maybe you were brought up this way so you are now justifying that P.I. is said by everybody. Really now!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 518  shikka

    06/16/2011 | 11:35 AM
    sylverster puwede rin! desperate kasi sila but Marian and Heart should really clear this once and for all.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 517  rotoscaper

    06/16/2011 | 11:32 AM
    i hear loads of people saying P.I. all the time. saang planeta ba galing yung nagsabing hindi civil kuno ang nagmumura lol. grow the eff up you hypocrites.lol. you all disgust me.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 516  MandK

    06/16/2011 | 11:30 AM
    oh my gulay..pinaiyak ako ni amaya....grabe sobrang sakit ng dibdib ko..hohoho great story and great acting lahat....congrats...tumagos sa dibbib ko. ay bakit namatay si baba...kakaasar...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 515  shikka

    06/16/2011 | 11:30 AM
    7heaven Hearts mom is really patapobre.... says P.I. always and she's not civil.. I tell you!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 514  shikka

    06/16/2011 | 11:28 AM
    hooney You don't know.... I know Heart's mom we stay in the same condo Classica Tower po and ang nanay nya OMG her voice is always loud and saying P.I. she treats her dog well than her maids kaya nilalayasan ng mga katulong. OMG!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 513  shikka

    06/16/2011 | 11:25 AM
    mysty You are right but some people expects Marian to be a santong rebulto. Alam mo un? Nega can say whatever basta ako team Marain 4ever and ever kasi naman totoong tao siya di sya rebulto.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 512  hooney

    06/16/2011 | 11:25 AM
    walang kakuwenta kuwentang gimik at malamang flop ang movie na ito, kahit ilipat pa playdate nito para d makatapat harry potter wala itong kuwenta, and about Heart and Marian, its very obvious kung sino ang may class at galing sa prominenteng pamilya sa dalawang ito, si Heart, nawalan lang naman siya ng luster ng pumatol siya kay echo, kaya Heart huwag papatol sa mga walang breeding
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 511  7heaven

    06/16/2011 | 11:19 AM
    I for one dont believe that Hearts mom is capable of doing such. Stoop that low to lambast and ridicule Marian in public. Ganun ba kababa pagkatao niya? Dont think it happened. Pinalaki lang ito ng mga bashers and haters of Marian!! And who are they??Kilalang kilala na ninyo kung sinu sno sila. Kahit nga sa bakuran ng GMA me gustong humatak ke Marian pababa!! Pero mas marami sa kabila!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 510  sylvester

    06/16/2011 | 11:15 AM
    tsaka ang babaw naman kung pag-aawayan ang project ni heart at dingdong??? sus di naman ganun si marian noh!! tsaka bakit naman magagalit si heart kung gusto ni daniel makapareha si marian? sobrang black propaganda ni Yda Henares yan!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 509  sylvester

    06/16/2011 | 11:12 AM
    tingin ko, pakana to ng kampo ni Yda Henares para mapagtakpan ang issue sa pamangkin nya!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 508  7heaven

    06/16/2011 | 11:10 AM
    Obviously this non issue was cooked up by staff and followers of the rival station na rock bottom na sa bumbay! They will do everything and anything under the sun to pull down Marian and GMA!! Master of smear campaign and black propaganda!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 507  pinay123

    06/16/2011 | 11:07 AM
    pinalaki lang itong napakaliit na issue for promo of movie. showbiz is showbiz kahit non-issue palalakihan ng husto.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 506  shikka

    06/16/2011 | 10:54 AM
    Heart's mom is an abusive person and fond of saying P.I. and she really really shout's a lot!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 505  veejhay_999

    06/16/2011 | 10:49 AM
    calling the producers of this movie, please palitan ang sched ng playdate of Temptation Island. kasi magiging kalabn nya ang harry potter which will be shown on july 15, a week after the release of this movie. 99percent sure ako na ndi aariba ang box office results nito. the remaining percent goes to my participation of watching this film.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 504  shikka

    06/16/2011 | 10:43 AM
    pepsterulit Si Marian ang No.1 sure yan... pero baka niluluto pa ng FHM kasi ayaw ni MR magcover kaya lulutuin pa.... Starlet versus superstar hahahahaha sympre panalo na ang superstar pero since ayaw magcover then go for slim and straight! get's nyo?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 503  shikka

    06/16/2011 | 10:41 AM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 502  pepsterulit

    06/16/2011 | 10:40 AM
    ano ba yan?....wlang makapagsab kung kelan lalabas ang results ng FHM.....i dont mean to get off topic, kaso ito ang pinaka activ na article ngaun eh, so mas malaki ang chance na dito may magsab kung kelan na ba results, dba jun 15 last day of voting?....back to the issue, manigas na lng kaung mga INGGIT and HATERS ni marian...ilang yrs na rin syang pinapabagsak...kung may katotohanan ung mga issues na yan tungkol ke marian eh di sana matagal na syang nakarma....kaso sobrang blessed pa rin sya...alam nyo kung bakit?...kasi unlike ung ibang artista na umangat lng ng konti eh nagyabang na and unlike ung ibang nangagamit para lng sumikat...marian got to where she is rite now bc she worked hard for it...di sya gumamit ng coneksyon...she used her beauty and talent para umangat...and despite the success na natamo nya in such a short period of time, eh remains humble with her feet on the ground...to quote amaya.....may dugo syang nakaapak sa lupa..un na..peace...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About