news

(UPDATED) Marian Rivera and Heart Evangelista reportedly involved in a feud

by Erwin Santiago posted on June 15, 2011  STATS: 310423 Views | 1541 Comments

Sources claim that Temptation Island stars Heart Evangelista (left) and Marian Rivera (right) are reportedly involved in a feud, which also drags the name of Heart's mother, Mrs. Cecile Ongpauco.

Photo By: Rowie Gutierrez

Usap-usapan ngayon ang diumano'y away sa pagitan ng Kapuso stars na sina Marian Rivera at Heart Evangelista.

Magkasama ang dalawang aktres sa remake ng Temptation Island ng Regal Films at GMA Films.

Noong una ay pinabulaanan ni Heart sa kanyang Twitter account noon June 11 ang nababalitang away nila ni Marian, na nagsimula bilang isang blind item.

“Let’s not make a big fuss. Marian and I are okay. Showbiz is showbiz so, Heartworld, 'wag na tayo mag-away-away," saad ni Heart sa kanyang tweet bilang tugon sa mga nagtatalong fans.

Pero kinumpirma ng isang report na may alitan nga sa pagitan nina Marian at Heart nang may nangyaring insidente sa airport sa Manila noong Lunes, June 13, kunsaan sangkot din umano ang ina ni Heart na si Mrs. Cecile Ongpauco.

Galing daw sina Heart at Marian, kasama ang iba pang cast at crew ng Temptation Island, sa Paoay, Ilocos Norte, kunsaan kinunan ang mga natitirang eksena ng kanilang pelikula.

Ayon sa report ng veteran columnist na si Mario Bautista sa People's Journal kahapon, June 14, pagdating daw sa Manila airport ay lalapit sana si Marian kay Heart para magpaalam.

Pero bigla raw siyang sinigawan ng ina ni Heart—na naroon upang sunduin ang anak—at sinabing: "Stay away from my daughter!"

May mga sinabi pa raw na masasakit na salita si Mrs. Ongpauco kay Marian, na napaiyak dahil sa narinig.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag mula sa kampo nina Marian at Heart. Bagamat mainit na ang pagtatalo sa iba't ibang social networking sites ng kanilang mga tagahanga bilang pagtatanggol sa mga idolo nila.

Hindi rin malinaw kung ano ang pinag-ugatan ng away ng dalawa.

Pero ayon sa ilang sources ng PEP, tila nagsimula ang gusot sa pagitan ng dalawang aktres nang sabihin sa isang interview ng boyfriend ni Heart na si Daniel Matsunaga na gusto niyang makapareha sa isang proyekto si Marian.

Noon naman daw nasa Ilocos sila ay tila nagparinig si Heart na excited na siyang maka-partner si Dingdong Dantes, na boyfriend naman ni Marian.

May niluluto kasi yatang proyekto ang GMA-7 na pagtatambalan nina Heart at Dingdong.

Doon na raw nagsimula ang iringan nina Marian at Heart.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1541 Comments

  • 221  ching75

    06/16/2011 | 12:21 AM
    Pssstttt. Bawal daw magsaita sina Marian and Heart sabi ng GMA kasi mahahalata na di sila magkaaway.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 220  fan89

    06/16/2011 | 12:20 AM
    this is gimik ....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 219  all_about_lai

    06/16/2011 | 12:19 AM
    GIMIK! ang babaw ng rason... ewwwww
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 218  lovemeforme

    06/16/2011 | 12:19 AM
    The truth will prevail soon.Isasampal din sa mukha nyo ang katotohanan kaya hinay hinay lang sa panlalait.Baka lunukin nyo yan.Basta kami sa Heartworld good vibes lang.Sometimes fans are also the reflection of their idol..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 217  tangerine_dream114

    06/16/2011 | 12:18 AM
    ako plastic? ehh straight forward nga ako. kaya nga diba nangagaliiti kau sa galit dahil ayaw nyo ng pinaprangka kau
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 216  artwork

    06/16/2011 | 12:17 AM
    huwag na tayo makisali sa away ng kape at gatas. problema nila iyan.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 215  tangerine_dream114

    06/16/2011 | 12:16 AM
    199 alam mo ironic kse i used to like her during marimar ,pero ganun tlaga siguro isang araw nagising ka na lang na naturn off ka na sa isang tao. di ako simpleng tagahanga nagiisip din ako. di na lang ako basta basta accept ng accept, therefore napatunayan ko na hindi ako fanatico. ure right i dont know her , balik ko sau tanong mo gaano mo sya kakilala. katulad din ako ng iba sa mga balita lang nakakkuha ng info. at sa dami usok sa paguugali nya siguro naman me konting katotohannan yun
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 214  Bambinapilipina

    06/16/2011 | 12:13 AM
    amen! 201...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 213  used2b_kapamz

    06/16/2011 | 12:11 AM
    Chos - I agree...There are only 3 who know what really happened. Marian, Heart and GOD. If it's private then let's respect that.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 212  gjoel

    06/16/2011 | 12:11 AM
    haaay...gimik na naman to promote a movie. wala nang pagbabago...tsk..tsk..tsk!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 211  tangerine_dream114

    06/16/2011 | 12:11 AM
    used to be kapams- di ko naman kiniclaim na may breeding ako. iam what i am. im prangka and out spoken. teka diba dapat sanay na kau
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 210  ching75

    06/16/2011 | 12:10 AM
    Plain Promo.Hehehe. Di daw pwede magsaita ang dalawa kasi mahahalata na di sila magkaaway. Hayyyy, showbiz nga naman.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 209  capisceniente

    06/16/2011 | 12:10 AM
    SUPER AGREE ako sau no. 185
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 208  manangdi

    06/16/2011 | 12:09 AM
    naku, wag na OA no, this is probably just petty quarrel between two GROWN WOMEN, who are capable of patching things up, afterall, they were friends, it made it worst by involving the mother, who showed arrogance that she can bring burly guys versus a 100 lbs girl, OA to the max! Why? is her daughter incapable of fighting her own battles?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 207  alkassim

    06/16/2011 | 12:09 AM
    boloboy 167 hoy malaya, bk kw ang d mk intindi ng English..kc mukhang mas em bicile kp kaysa ky MR naku teh!baka mabatukan ka ng idol mo...kasi kung babasahin mo ulit yung na qout ko eh inaamin mo na rin na imbecile nga si MArian..hahahahaha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 206  boloboy1000_diva

    06/16/2011 | 12:08 AM
    tangerine, d nga? cno k para mag judge ng tao n d mo p nakksama? dahil b s isang straight forward n tao c YANYAN at d tulad mo n plastik...galit ang tao s kapwa tao kpg insecure sila s mas maganda at mas maraming kaibigan...Kc base s mga kaibigan nyan mga totoo d xa ganun, so cno k para sabihin masama ang ugali nya? Mas masama p nga ugali mo kc nagtatago k s pep
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 205  misstoe

    06/16/2011 | 12:08 AM
    Napansin ko lang bakit laging may kaaway si Marian??? Parang si Angelica Panganiban sa kabilang station...talaga bang maraming naiinggit sa kanila or talagang palengkera ang mahadera lang??? Just asking...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 204  capisceniente

    06/16/2011 | 12:08 AM
    Whats WRONG with Marian Rivera? Halos LAHAT ng kasama sa trabaho nakakaaway nya? Parang ugaling palengkera talaga. Sayang ang pretty face nya.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 203  chos

    06/16/2011 | 12:07 AM
    very well said 185
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 202  used2b_kapamz

    06/16/2011 | 12:07 AM
    tangerine - Alam mo ba talaga kung anong ibig sabihin ng may breeding? Di ko kasi nakikita sayo yun eh...You dont act like you have breeding...so I guess you dont know what you're saying. Careful with your words because just in case you have to eat them...you can swallow them well.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About