news

(UPDATED) Marian Rivera and Heart Evangelista reportedly involved in a feud

by Erwin Santiago posted on June 15, 2011  STATS: 310202 Views | 1541 Comments

Sources claim that Temptation Island stars Heart Evangelista (left) and Marian Rivera (right) are reportedly involved in a feud, which also drags the name of Heart's mother, Mrs. Cecile Ongpauco.

Photo By: Rowie Gutierrez

Usap-usapan ngayon ang diumano'y away sa pagitan ng Kapuso stars na sina Marian Rivera at Heart Evangelista.

Magkasama ang dalawang aktres sa remake ng Temptation Island ng Regal Films at GMA Films.

Noong una ay pinabulaanan ni Heart sa kanyang Twitter account noon June 11 ang nababalitang away nila ni Marian, na nagsimula bilang isang blind item.

“Let’s not make a big fuss. Marian and I are okay. Showbiz is showbiz so, Heartworld, 'wag na tayo mag-away-away," saad ni Heart sa kanyang tweet bilang tugon sa mga nagtatalong fans.

Pero kinumpirma ng isang report na may alitan nga sa pagitan nina Marian at Heart nang may nangyaring insidente sa airport sa Manila noong Lunes, June 13, kunsaan sangkot din umano ang ina ni Heart na si Mrs. Cecile Ongpauco.

Galing daw sina Heart at Marian, kasama ang iba pang cast at crew ng Temptation Island, sa Paoay, Ilocos Norte, kunsaan kinunan ang mga natitirang eksena ng kanilang pelikula.

Ayon sa report ng veteran columnist na si Mario Bautista sa People's Journal kahapon, June 14, pagdating daw sa Manila airport ay lalapit sana si Marian kay Heart para magpaalam.

Pero bigla raw siyang sinigawan ng ina ni Heart—na naroon upang sunduin ang anak—at sinabing: "Stay away from my daughter!"

May mga sinabi pa raw na masasakit na salita si Mrs. Ongpauco kay Marian, na napaiyak dahil sa narinig.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag mula sa kampo nina Marian at Heart. Bagamat mainit na ang pagtatalo sa iba't ibang social networking sites ng kanilang mga tagahanga bilang pagtatanggol sa mga idolo nila.

Hindi rin malinaw kung ano ang pinag-ugatan ng away ng dalawa.

Pero ayon sa ilang sources ng PEP, tila nagsimula ang gusot sa pagitan ng dalawang aktres nang sabihin sa isang interview ng boyfriend ni Heart na si Daniel Matsunaga na gusto niyang makapareha sa isang proyekto si Marian.

Noon naman daw nasa Ilocos sila ay tila nagparinig si Heart na excited na siyang maka-partner si Dingdong Dantes, na boyfriend naman ni Marian.

May niluluto kasi yatang proyekto ang GMA-7 na pagtatambalan nina Heart at Dingdong.

Doon na raw nagsimula ang iringan nina Marian at Heart.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1541 Comments

  • 201  malaya2007

    06/16/2011 | 12:07 AM
    di naman natin alam ang totoo kasi wala naman tayo dun. Maybe Mga biro lang na napasama ang dating kaya nagkaganyan, baka naman nag-way nagkulungan sa cr or pede ring gimik to the max kasi merong movie. tayo naman sawsaw sa opinyon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 200  chos

    06/16/2011 | 12:04 AM
    there is a deeper reason behind these.... God knows what really happened
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 199  artwork

    06/16/2011 | 12:04 AM
    183 malaya2007 June 15, 2011 23:58 PM naku boloboy tigilan mo nga ako ng pa embicile mo dyan at baka ihampas ko syo ang dictionay MALI ANG SPELLING mo imbecile. --- dictionay o dictionary? ikaw rin naman eh. mali pa ang spelling
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 198  tangerine_dream114

    06/16/2011 | 12:03 AM
    amen 185
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 197  etoako

    06/16/2011 | 12:02 AM
    Ano ba yan Daniel at chakong Heart tapusin nyo na nga ang relasyon nyo it seems na hindi kayo kuntento sa isa't isa...kaya pati ang nananahimik at matamis na pagmamahalan nina Dingdong at Marian ginugulo nyo as if naman kaya nyong guluhin...mangarap na lang kayo tutal libre ang mangarap!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 196  marafyah2

    06/16/2011 | 12:02 AM
    Buhay n buhay ang mga bitters at haters!!! Anyway, ganda ng Amaya at no.1 p, go Marian!!! go heart and d rest of the tempting girls!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 195  artwork

    06/16/2011 | 12:01 AM
    Baka naman binayaran si Mrs. Ongpauco ng karibal na network para pag-usapan lang. Nauubusan na sila ng tsismis eh. At di ako fan ng dalawang ito
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 194  used2b_kapamz

    06/16/2011 | 12:01 AM
    Bago nyo punahin ang iba...bat di niyo muna pinupuna sarili niyo? Start with yourself. Nakakahiya kasi...nagkukunwari kayo na alam niyo kung anong tama at mali...tinuturuan niyo ang iba kung ano ang tamang pag-uugali pero di niyo maturuan sarili niyo? What's the point?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 193  lovemeforme

    06/16/2011 | 12:01 AM
    Hindi magrereact ng ganun ang nanay ni Heart kung walang mabigat na nangyari sa anak nya sa Ilocos.At hindi magdadala ng security yun kung hindi nasaktan ang anak nya.Common sense kaya para sa may mga sense.Kung yung ngang conflict with Bianca King na may apakan and tulakan pa e di nakialam ni Mother Ongpauco. At bakit yung eksena lang sa Airport ang nadetalye dito.Bakit yung pag iyak lang ni MR ang nasulat,yung hagulgol ni Heart sa nangyari sa Ilocos wala.Ayoko ko magcomment ng masama kay MR kasi fan din ako and Im trying to put ng myself on others shoes.Nasasaktan ako pag may nababasa akong panlalait kay Heart kaya di ko lalaitin si Marian.And madami na rin nanlalait kay Marian jan kaya ipapaubaya ko na sa kanila un.At ayaw ni Heart nakikipag away ang mga Hearties.Not unless below the belt at sobra na.Basta Heart cool calm and collected ka lang.You may not have millions of fans who will defend you every time may conflict or issues sayo but one thing is for sure you have real and trusted fans out there w
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 192  Ben_10

    06/16/2011 | 12:00 AM
    wala akong pakialam sa breeding breeding ngayon,, ang question ko lang anong nangyari at ganun nalang ang reaction ng mama ni heart???? bakit kaya????
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 191  malaya2007

    06/15/2011 | 11:58 PM
    naku boloboy tigilan mo nga ako ng pa embicile mo dyan at baka ihampas ko syo ang dictionay MALI ANG SPELLING mo imbecile.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 190  tangerine_dream114

    06/15/2011 | 11:58 PM
    ehh kse naman di na nga marunong magenglish wla pang breeding, tlagang itlog na
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 189  winged_angel

    06/15/2011 | 11:58 PM
    Kahit di ko naman masyadong like si Marian, sa issue na to I'm sure ang mga matapobre at feeling na mga Ongpauco ang nagsimula ng gulo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 188  yamnt2007

    06/15/2011 | 11:56 PM
    yung iba d2 ang pagkakaintindi ata sa salitang "breeding" ay marunong mag-english! yun lang ba ang batayan nyo ng pagkatao? may breeding na dahil magaling mag-ingles?? susme!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 187  used2b_kapamz

    06/15/2011 | 11:55 PM
    GREGLOCS - Why do you care about Marian's breeding? Ikaw? Meron ka ba? Just asking...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 186  Bambinapilipina

    06/15/2011 | 11:55 PM
    Sugod mother dear kasi Baka layasan ka uli ng may breeding at class mong anak... hahahahahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 185  Ben_10

    06/15/2011 | 11:54 PM
    hahaha basta ako ang ipinagtataka bakit ganun nlang ang reaction ng mama ni heart at may walong bodyguards pa hah. bkit kaya ano pa kaya ang story behind this? may mas malala pa bang nangyari kaya ganun nalang ang reaction? ano kaya?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 184  used2b_kapamz

    06/15/2011 | 11:53 PM
    Nakakaawa ang mga taong buong buhay ay nakakapit sa kasinungalingan... Di nyo ba alam na tuwing nanlalait kayo eh para nyo na ring nilalait sarili niyo? Para kayong mga bata...Yes, you grow physically but you act like a child. Very selfish and self-centered. Grow up guys!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 183  tvpetra

    06/15/2011 | 11:52 PM
    ay PROMO? hala sige pagbigyan. para naman kahit papaano ay kikita ang pelikula ng tinaguriang primetime queen ng siyete. agahan na ang promotion dahil flopsina yung huling pelikula.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 182  suntoksabuwan

    06/15/2011 | 11:51 PM
    publicity stunt!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About