news

(UPDATED) Marian Rivera and Heart Evangelista reportedly involved in a feud

by Erwin Santiago posted on June 15, 2011  STATS: 310243 Views | 1541 Comments

Sources claim that Temptation Island stars Heart Evangelista (left) and Marian Rivera (right) are reportedly involved in a feud, which also drags the name of Heart's mother, Mrs. Cecile Ongpauco.

Photo By: Rowie Gutierrez

Usap-usapan ngayon ang diumano'y away sa pagitan ng Kapuso stars na sina Marian Rivera at Heart Evangelista.

Magkasama ang dalawang aktres sa remake ng Temptation Island ng Regal Films at GMA Films.

Noong una ay pinabulaanan ni Heart sa kanyang Twitter account noon June 11 ang nababalitang away nila ni Marian, na nagsimula bilang isang blind item.

“Let’s not make a big fuss. Marian and I are okay. Showbiz is showbiz so, Heartworld, 'wag na tayo mag-away-away," saad ni Heart sa kanyang tweet bilang tugon sa mga nagtatalong fans.

Pero kinumpirma ng isang report na may alitan nga sa pagitan nina Marian at Heart nang may nangyaring insidente sa airport sa Manila noong Lunes, June 13, kunsaan sangkot din umano ang ina ni Heart na si Mrs. Cecile Ongpauco.

Galing daw sina Heart at Marian, kasama ang iba pang cast at crew ng Temptation Island, sa Paoay, Ilocos Norte, kunsaan kinunan ang mga natitirang eksena ng kanilang pelikula.

Ayon sa report ng veteran columnist na si Mario Bautista sa People's Journal kahapon, June 14, pagdating daw sa Manila airport ay lalapit sana si Marian kay Heart para magpaalam.

Pero bigla raw siyang sinigawan ng ina ni Heart—na naroon upang sunduin ang anak—at sinabing: "Stay away from my daughter!"

May mga sinabi pa raw na masasakit na salita si Mrs. Ongpauco kay Marian, na napaiyak dahil sa narinig.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag mula sa kampo nina Marian at Heart. Bagamat mainit na ang pagtatalo sa iba't ibang social networking sites ng kanilang mga tagahanga bilang pagtatanggol sa mga idolo nila.

Hindi rin malinaw kung ano ang pinag-ugatan ng away ng dalawa.

Pero ayon sa ilang sources ng PEP, tila nagsimula ang gusot sa pagitan ng dalawang aktres nang sabihin sa isang interview ng boyfriend ni Heart na si Daniel Matsunaga na gusto niyang makapareha sa isang proyekto si Marian.

Noon naman daw nasa Ilocos sila ay tila nagparinig si Heart na excited na siyang maka-partner si Dingdong Dantes, na boyfriend naman ni Marian.

May niluluto kasi yatang proyekto ang GMA-7 na pagtatambalan nina Heart at Dingdong.

Doon na raw nagsimula ang iringan nina Marian at Heart.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1541 Comments

  • 81  Ben_10

    06/15/2011 | 10:13 PM
    haha dahan dahan lang bka ma highblood ka sa galit... kelangan nila ang cheapanggang gimik na to pra sa indie film nila..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 80  familytree

    06/15/2011 | 10:13 PM
    GIMIK NG PAREHONG LAOS!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 79  tangerine_dream114

    06/15/2011 | 10:10 PM
    actually si daniel m ay guapong version ni dd
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 78  etoako

    06/15/2011 | 10:07 PM
    NAPAKA-GANDA, NAPAKA-SEKSI, NAPAKA-PUTI AT NAPAKA-KINIS NAMANG URIPON NI AMAYA MARIAN kaya ang daming insecure, inggit at nagseselos sa kanya kaya tuloy pati syota-syotaan nila hindi makapag-pigil sa pang-gigigil na maka-date at makapareha si BAI AMAYA MARIAN...hindi katulad ng iba dyan parang ita sa itim sing itim ng budhi nya at sakang pa...bwahahaha!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 77  mcdonalds3000

    06/15/2011 | 10:05 PM
    susme gimik na naman ito para pag usapan ang pelikula nila..ano pa???? tama ba ako anabil?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 76  Bambinapilipina

    06/15/2011 | 10:01 PM
    Kaya may bad karma ang pamilya ni Heart kasi kong ano anung milagro ang pinaggagawa... hay naku! Heart akala ko ba sosyal ka e mas palengkera pa pala yang Nanay mo...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 75  Ben_10

    06/15/2011 | 10:01 PM
    sus may mahina ang comprehension...pano naman kaya nadamay ang ibang istasyon sa kacheapan ng gimik na to??? heloooo gising!!!!! ang layo ng issue mo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 74  SpeedOfLight

    06/15/2011 | 09:58 PM
    hitting 2 birds with 1 stone. pakana ng network na nilayasan ni heat at 1 marian rivera na tinik sa lalamunan ng ceo at presidenteng de-nunal. lol.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 73  bades

    06/15/2011 | 09:53 PM
    GO HEART!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 72  payatola

    06/15/2011 | 09:48 PM
    GIMIK.....GIMIK....GIMIK....ganito ang style ng mga pinoy showbiz pag merong pelikula o concert.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 71  ehemm

    06/15/2011 | 09:44 PM
    lols very funny naman. stay away daw. baka ayaw ng mommy na makulong sa cr ang anak lols or ma-k the 2nd si heart. kamukha daw yung bf? sauce, ang layo naman. ganda ng eyes ni matsunaga no lols
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 70  sydalg

    06/15/2011 | 09:35 PM
    as usual. gimik for the movie. good luck. sana maniwala mga tao.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 69  Ben_10

    06/15/2011 | 09:35 PM
    wish ko lang mas malaki ang kikitain ng temptation island kesa sa pureza ng star cinema.. ang bida si melai nyahahaha bka mamaya mas kikita pa.. at si melai lang pala ang kayang tapatan ng TI? ano ba yan.. btw nabili na pala ng abscbn ang rights ng darna at dyesabel at ilan pang gawang mars ravelo... hmmm expect darna in kapamilya!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 68  rhapsody123

    06/15/2011 | 09:33 PM
    Kahit saan, maraming kaaway itong si MR. Sa pic sa itaas, ang tandang tanda na ni MR compared to Heart. Halatang malaki ang agwat sa dalawa.Halatang treynta na si MR niyo. LOL
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 67  funrel

    06/15/2011 | 09:32 PM
    sobra nmng maepal nanay ni heart...minsan namn talaga nagkakaruon ng tampuhan,awayan ang magkakaibigan pero in the end nagkakabati din...at bat kaylangan mangialam pa nanay nito..im sure sa mga hater ni marian,lalabas n my breeding dto yung nanay ni heart...ksi ingglisera ang pagtataray na wala namn sa lugar at c marian im sure palingkera na nmn sasabihin nila kahit walng cnabi ito....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 66  tigbak

    06/15/2011 | 09:30 PM
    ang cheap ng gimik for the movie!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 65  familytree

    06/15/2011 | 09:21 PM
    parang bakla ang pose ni mr kunsabagay initials na lang lalake na mr. as in mister! hahahahahaha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 64  funrel

    06/15/2011 | 09:20 PM
    dun sa nagsabing naghihingalo ang rating ng amaya,ganun pala ang naghihingalo laging nagtotop sa primetime...so kung naghihingalo ang tawag dun,ano na lang ang tawag sa show ng kapams???nakabaon na sa hukay?!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 63  kapamilyahoo

    06/15/2011 | 09:19 PM
    marketing na naman ng amaya tong balitang to. tsk tsk. pathetic.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 62  rejoice81

    06/15/2011 | 09:19 PM
    ayan lumalabas ang tunay mga kulay..hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About