news

(UPDATED) Marian Rivera and Heart Evangelista reportedly involved in a feud

by Erwin Santiago posted on June 15, 2011  STATS: 310216 Views | 1541 Comments

Sources claim that Temptation Island stars Heart Evangelista (left) and Marian Rivera (right) are reportedly involved in a feud, which also drags the name of Heart's mother, Mrs. Cecile Ongpauco.

Photo By: Rowie Gutierrez

Usap-usapan ngayon ang diumano'y away sa pagitan ng Kapuso stars na sina Marian Rivera at Heart Evangelista.

Magkasama ang dalawang aktres sa remake ng Temptation Island ng Regal Films at GMA Films.

Noong una ay pinabulaanan ni Heart sa kanyang Twitter account noon June 11 ang nababalitang away nila ni Marian, na nagsimula bilang isang blind item.

“Let’s not make a big fuss. Marian and I are okay. Showbiz is showbiz so, Heartworld, 'wag na tayo mag-away-away," saad ni Heart sa kanyang tweet bilang tugon sa mga nagtatalong fans.

Pero kinumpirma ng isang report na may alitan nga sa pagitan nina Marian at Heart nang may nangyaring insidente sa airport sa Manila noong Lunes, June 13, kunsaan sangkot din umano ang ina ni Heart na si Mrs. Cecile Ongpauco.

Galing daw sina Heart at Marian, kasama ang iba pang cast at crew ng Temptation Island, sa Paoay, Ilocos Norte, kunsaan kinunan ang mga natitirang eksena ng kanilang pelikula.

Ayon sa report ng veteran columnist na si Mario Bautista sa People's Journal kahapon, June 14, pagdating daw sa Manila airport ay lalapit sana si Marian kay Heart para magpaalam.

Pero bigla raw siyang sinigawan ng ina ni Heart—na naroon upang sunduin ang anak—at sinabing: "Stay away from my daughter!"

May mga sinabi pa raw na masasakit na salita si Mrs. Ongpauco kay Marian, na napaiyak dahil sa narinig.

Sa ngayon ay wala pang opisyal na pahayag mula sa kampo nina Marian at Heart. Bagamat mainit na ang pagtatalo sa iba't ibang social networking sites ng kanilang mga tagahanga bilang pagtatanggol sa mga idolo nila.

Hindi rin malinaw kung ano ang pinag-ugatan ng away ng dalawa.

Pero ayon sa ilang sources ng PEP, tila nagsimula ang gusot sa pagitan ng dalawang aktres nang sabihin sa isang interview ng boyfriend ni Heart na si Daniel Matsunaga na gusto niyang makapareha sa isang proyekto si Marian.

Noon naman daw nasa Ilocos sila ay tila nagparinig si Heart na excited na siyang maka-partner si Dingdong Dantes, na boyfriend naman ni Marian.

May niluluto kasi yatang proyekto ang GMA-7 na pagtatambalan nina Heart at Dingdong.

Doon na raw nagsimula ang iringan nina Marian at Heart.

1  2  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

1541 Comments

  • 21  neus

    06/15/2011 | 07:37 PM
    early promo for the temptation island wa ha ha ha ha nakakatawa kasi naman, alam nang regal films na hindi kikita ang pelikula nila kahit na si MARIAN pa yan. kaya gumagawa na sila nang gimmik para pagusapan ang movie nila. style nyo bulok na bulok na. mas magandang gimmik kung si HEART AT MARIAN me relasyon baka yun pumutok nang sobra sa tao. ha ha ha ha ha.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 20  kingstiandom

    06/15/2011 | 07:31 PM
    kinawawa naman masyado si Marian sa gimik na ito... hala mga marian fans ano masasabi nyo? lumalabas naman na kontrabida si Heart, papayag ba ang mga fans ni Heart? Away na!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 19  rotoscaper

    06/15/2011 | 07:26 PM
    wanna change ang morbid mo. bagay ka dun sa ogrish na website.welcome ka dun bro lol.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 18  rotoscaper

    06/15/2011 | 07:25 PM
    base sa pic mukhang friendly feud naman.lol.sabi nga ni Francis M--gumitna ka ang huwag kumampi! kiss ko na lang silang dalawa
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 17  wanna_change

    06/15/2011 | 07:24 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 16  Christiana219

    06/15/2011 | 07:22 PM
    isang gimmick para pagusapan ang pelikula. before you know it nasa mga talkshows na silang dalawa praising each other to high heavens.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 15  marvenz

    06/15/2011 | 07:18 PM
    gigimik na...pangit pa!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About