"Matagal ko na rin gustong gawin sa buhay ko, yun nga, yung pagkanta, paggawa ng mga kanta. Tapos siguro paggawa rin ng album in the future. Pero sa ngayon, ito muna, focus muna ako sa pag-arte. Kasi gusto ko pang galingan dito sa craft ko," says Frank Magalona.

Photo: Noel Orsal

Nalalapit na ang selebrasyon ng Father's Day sa June 19, at kaugnay nito ay hindi nakakalimutan ni Frank Magalona na bigyang-pugay ang kanyang yumaong ama na si Francis Magalona.

Hanggang ngayon kasi ay itinutuloy niya ang legacy ng kanyang ama sa pamamagitan ng pagde-design ng t-shirts sa t-shirt business na pinasimulan ni Francis, ang 3 Stars and a Sun.

Sa interview ng In The Limelight kay Frank na ipinalabas kagabi, June 15, sa GMA News TV Channel 11, ipinagmalaki ng binatang Magalona ang kanyang bagong design.

"Mayroon kasi akong bagong design. Kasi every year nagre-release ako ng t-shirt sa 3 Stars and a Sun clothing company ng limited edition black and white t-shirt. Tapos gold yung three stars and a sun na detail," sabi ni Frank.

Ang bagong disenyo ni Frank ay alay niya raw sa pumanaw na ama.

"Siyempre siya ang nagsimula nitong buong ito. Kumbaga, legacy niya ito, e, so siyempre dine-dedicate ko ang lahat ng ito and my heart sa dad ko."

 

BLOOMING SHOWBIZ CAREER. Samantala, tulad ng kanyang ama at mga kapatid na artista ay sumabak na rin sa acting si Frank.

Happy nga siya sa success ng kanyang unang project sa GMA-7, ang Blusang Itim.

Bagamat marami ang tumatangkilik sa kanilang panghapong soap ni Kylie Padilla, batid naman ng baguhang aktor na kailangan pa rin niyang pag-igihan ang kanyang bagong career.

"Siyempre masaya ako doon sa kinakalabasan ng ratings ng Blusang Itim. Yun na nga, talagang pinapanood ng tao.

"Pero siyempre hindi naman nagtatapos sa ratings ang basehan ng kalidad ng palabas.

"So, kailangang gandahan pa rin namin ang aming pag-arte sa telebisyon."

Kanino naman siya humihingi ng advice pagdating sa pag-arte?

"Mainly kay Maxene [his sister] ako humihingi ng tips for acting.

"Siyempre, mayroon kaming acting coach doon sa taping.

"Siyempre since ito yung first show, first palabas ko ito, parang I'm learning from experience.