Lalong pinag-usapan ang isyung breakup nina John Prats at Rachelle Ann Go nang kinumpirma ito ni Toni Gonzaga sa The Buzz. (CLICK HERE to read related story.)
Wala pang statement si John at si Rachel naman ay nanatiling tahimik.
Sa Happy, Yipee, Yehey! ay panay lang ang tukso kay John ng mga co-host nito pero wala siyang sinasabi kaugnay sa naturang isyu.
Si Rachelle Ann naman ay nagti-tweet lang ng mga makahulugang phrase hango sa The Notebook of Love.
Nung nakaraang Martes (June 14) ay nag-tweet ito ng quote from The Notebook of Love.
"God has a reason for allowing things to happen. We may never understand his wisdom, but we simply have to trust His will."
Nung Biyernes, ito naman ang kanyang tweet: "R-E-S-P-E-C-T."
Nung araw ding iyun ay inamin ni John sa Happy, Yipee, Yehey! na single na siya nang tanungin ito ni John Estrada.
Kinagabihan ay na-korner ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rachelle Ann sa VTR shoot ng Party Pilipinas at kahit papaano'y may nasabi rin ito kahit alanganin siyang magsalita.
Since kinumpirma na rin ni John na single na siya, ganun na rin ba ang sasabihin niya?
"Yun na po ang sinabi niya, e, di yun na po yun," medyo naalangan pa niyang sagot sa amin.
"Actually, ayoko po sanang magsalita pero since nasabi na naman po, ayun na nga.
"At saka sobrang ilang araw pa lang, oo wala pa pong ano... wala pang isang linggo," patuloy nito.
Nilinaw ni Rachelle Ann na sa kanyang pagkakaalam, nung nagsalita si Toni Gonzaga sa The Buzz na break na si Rachelle at si John Prats ay hindi pa raw sila naghihiwalay. Kamakailan lang daw sila nagdesisyon mag-breakup.
Nasa Singapore si Rachelle Ann nang pumutok ang balitang yun kaya nagulat na lang daw siya pagbalik ng bansa na yun ang mga itini-tweet at itinatawag sa kanya ng mga malalapit na kaibigan.




0

