Isang masiglang Arci Muñoz ang nakaharap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kahapon right after ng pilot epsiode ng Hey It's Saberday!
Exciting daw kasi for her na masabak sa hosting kasama sina Alex Gonzaga, Danita Paner, at JC de Vera sa bagong musical variety show ng TV5 na mapapanood every Saturday, 11:30 AM. Kasama nila rito ang mga baguhang young stars na ginu-groom ngayon ng Kapatid Network.
Para talaga siyang isang nagbabagang bulaklak. Flaming ang kanyang beauty. Pero sa kabila ng ganda't kaseksihan niya, nakapagtatakang zero ang kanyang lovelife sa ngayon. Walang napapabalita ni isa man lang na nanliligaw sa kanya.
"Wala, e," nakangiting reaksiyon lang ni Arci. "Wala muna. Career muna. Priority ko kasi ang aking career. And ang mga trabaho... ang dami-daming magagandang opportunities na dumarating.
"So hindi mo puwedeng balewalain 'yon, di ba? Hindi puwedeng paghaluin. Ang hirap."
Hindi ba sila napi-pressure na ang katapat at binabangga nila ay ang Showtime na isa sa mga top rating shows ng ABS-CBN?
"Hindi naman kami nakikipag-compete sa Showtime. This is not a popularity contest. Basta kami, we know that we are doing our best. We're doing our job. And nag-i-enjoy kami. That's what matters most. Iyon ang importante."
Marami ang nagsasabing tama lang ang naging desisyon ni Arci umalis sa GMA-7 at lumipat sa TV5. Matapos mabigyan ng break sa Mga Nagbabagang Bulaklak, tila hindi na nga paaawat sa pagbongga ang kanyang career.
"Sa kabila kasi, lagi akong antagonist. Lagi akong kontrabida. Although I really enjoy doing that, pero dito kasi sa Kapatid Network ako nabigyan talaga ng magandang opportunity para maipakita ko talaga na I can act. At kaya kong gawin iyon and give it my very very best. Kasi ayoko rin namang mapahiya sa kanila kasi pinagkatiwalaan nila ako, e.
"Pero wala naman akong ano sa GMA. Binigyan din naman nila akong projects do'n. In fairness."
PRIMETIME PRINCESS. Masarap din daw ang pakiramdam na kabilang siya sa mga itinuturing na mga prinsesa ng Primetime ng TV5 kung saan kabilang din sina Danita Paner, Alex Gonzaga, Jasmine Curtis at ang produkto ng Star Factor search na sina Ritz Azul at Eula Caballero.
"It's such a great privilege, of course. Na tawagin kang prinsesa. I'm really overwhelmed. Kaya sobra naman akong thankful."
She's one of the prettiest and sexiest actress nowadays. Willing kaya siya mag-pose ng sexy sa isang men's magazine in case may mag-offer sa kanya?
"Hindi ko pa masasabi sa ngayon. Hindi ko pa alam."
Kahit pa sabihing stepping stone ito para mas sumikat pa?




0

