Dahil sa pagpirma ni Alex Gonzaga sa Viva Films, posibleng hindi na matanggap ang film offers mula sa ibang movie companies na interesado siyang kunin.
Biro nga sa kanya ng ibang entertainment press na bumisita sa pilot episode ng Hey Saberdey! noong Sabado, June 18, hindi ba siya nakakaramdam ng panghihinayang dahil sa pag-e-enumerate sa kanya ng iba't ibang title ng movies, some are remakes, na puwedeng pasok ang character niya?
"Actually, hindi ko nga alam, e!" natatawa niyang sabi.
"Basta ako po, masaya po ako sa Viva.
"First time ko po yun na ano... At saka, ang Viva ang first time na nag-offer sa akin ng movie."
Ano ba ang una niyang movie na gagawin?
"Puro nag-aayos pa po ng contract, kaka-sign ko pa lang po three weeks ago," sagot niya.
"Marami silang plano, pero nag-aayos pa lang po ng script.
"Sabi naman po, baka this year din daw po kung may gagawin ako na mag-showing.
"Although, sa ngayon, wala pa rin naman po akong time dahil may school pa ako, may Juicy, may Babaeng Hampaslupa, tapos may Hey, It's Saberdey! rin po."
KAPATID. Biniro naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alex na takot ang Kapatid network na bigyan siya ng bakanteng araw sa dami ng shows niya.
Natawa naman si Alex sabay sabing, "Hindi naman po!
"Masaya naman po ako kasi konti pa lang naman kaming mga artista nila rito kaya niyu-utilize nila kaming lahat dito sa TV5.
"Kaya mas masaya ang mga artista, mas masaya kami rito."
Mas nararamdaman ba niyang siya talaga ang "prinsesa" ng TV5?




0

