Balik sa paghu-host ng variety show ang TV host-actress na si Alex Gonzaga.
Noon lamang Sabado, June 18, ay nag-pilot airing ang bagong youth-oriented variety show ng TV5, ang Hey! It's Saberdey!.
Ito ang ikatlong variety show na ihu-host ni Alex sa Kapatid network. Ang mga nauna ay ang P.O.5 at Fantastik, na parehong nagtapos ng taon na ito.
Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Alex sa set nila sa New Broadway Centrum, Quezon City, sinabi nitong masaya siya sa bagong project na ibinigay sa kanya ng Kapatid network.
Ang airing time nila ay 11 a.m. to 12 noon, na katapat ng talent search show ng ABS-CBN na Showtime. Hindi ba siya nangangamba rito?
"Ako ha, for me, ayaw ko makipag-compete sa Showtime.
"Kasi matagal na yung Showtime, e, tapos ang gagaling na nila doon.
"Kami, we're just giving the audience parang another show, at kung magustuhan nila, suportahan nila, siyempre masaya kami dahil yung efforts namin napansin.
"Siyempre, pressure. Pero kung iisipin mo lang, di ba, nakakatakot?"
ON SISTER TONI. Kamakailan lamang ay inulan ng batikos ang nakatatandang kapatid ni Alex na si Toni Gonzaga dahil sa pagkumpirma niya ng breakup nina John Prats at Rachelle Ann Go. (CLICK HERE for related article.)
Ano ang masasabi niya rito?
"Ako naman, ang feeling ko dun, siyempre trabaho niya yun, e.
"Trabaho niya yun and sa show nila, siya yung ine-expect na magsasabi ng ganun," sabi ni Alex.
Pero giit niya, pinayuhan din daw niya ang ate niya na kausapin ang mga taong kasangkot sa issue.
Agad naman daw kinausap ng kapatid niya si John, pati na si Bianca Manalo, na siyang itinuturong dahilan ng nasabing hiwalayan.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
61 caloycai
60 Corrine011981
59 pilyangmaganda
58 louis_vuitton
57 tearhere
56 ichigo510
55 pepe2
54 Gurl_rock18
53 Einstein_1
52 camera_01
51 mystic1434
50 topengga
49 2psinapod
48 syetedos
47 opinionko2noh
46 opinionko2noh
45 gjoel
44 deajay
43 lostris
42 magnanimous
more comments