"Tuwing Party Pilipinas lang naman kami hindi puwedeng sumali sa XLR8 dahil halos magkaoras daw ang Party Pilipinas at ang Bagets. Sa mga out-of-town shows naman ng XLR8, kasama kami ni Aki. Sinabihan naman na kami ng VAA na kapag natapos na raw ang first season ng Bagets, puwede na kaming bumalik ni Aki," says AJ Muhlach about being removed from Party Pilipinas.

Photo: Noel Orsal

Nagsabi noon si AJ Muhlach na hindi siya aalis sa grupong XLR8 kahit na isa siya sa bida ng teen series ng TV5 na Bagets.

Pero wala siyang magawa dahil pinalitan na raw sila ng kasama rin niya sa Bagets na si Aki Torio sa XLR8, kaya hindi na sila napapanood sa Party Pilipinas ng GMA-7 tuwing Sunday.

Nalungkot si AJ sa naging desisyon ng management ng GMA-7, pero ina-assure naman siya ng management office niya na Viva Artist Agency (VAA) na kapag may out-of-town shows ang XLR8 ay kasama sila ni Aki.

"Nakakalungkot lang po kasi mahal namin ang Party Pilipinas," sabi ni AJ sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Nami-miss namin ni Aki ang mga tao soon. Lalo na ang staff ng show kasi alagang-alaga nila kami.

"Noong mag-start kasi ang Party Pilipinas last year, doon kami nakilala. Yun ang pinaka-mother show namin.

"Naka-one year na nga ako sa showbiz at kinu-consider ko na first exposure ko sa showbiz ang Party Pilipinas.

"Pero kung yun ang desisyon nila, susunod na lang kami.

"Tuwing Party Pilipinas lang naman kami hindi puwedeng sumali sa XLR8 dahil halos magkaoras daw ang Party Pilipinas at ang Bagets.

"Sa mga out-of-town shows naman ng XLR8, kasama kami ni Aki.

"Sinabihan naman na kami ng VAA na kapag natapos na raw ang first season ng Bagets, puwede na kaming bumalik ni Aki.

"Pero may second season na raw na hinahanda para sa Bagets. Kaya hindi pa namin alam ang mangyayari talaga."

BAGETS. Nagpapasalamat naman si AJ sa magandang pagtanggap ng marami sa series nilang Bagets Just Got Lucky.

Kapag nasa labas nga raw siya, may mga fans nang lumalapit sa kanya at ang tawag sa kanya ay "Ace" na siyang pangalan niya sa show.

"Noong XLR8 pa naman, may mga fans na kami talaga. Pero AJ ang tawag nila sa akin.