Noong isang linggo ay natapos na ang drama series na pinagbidahan ni Arci Muñoz sa TV5, Mga Nagbabagang Bulaklak, kung saan nakasama niya ang baguhang aktres na si Ritz Azul.
Ngayon naman ay mapapanood si Arci na naghu-host ng isang variety show sa pamamagitan ng Hey! It's Saberdey!, na nagsimula noong Sabado, June 18.
Hindi naman baguhan si Arci sa pagho-host. Noong nasa GMA-7 pa siya ay naging segment host siya ng Season 5 ng reality-based artista search na StarStruck.
Pero sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Arci sa set ng Hey! It's Saberdey! noong Sabado sa New Broadway Centrum, Quezon City, sinabi niyang isang travel and lifestyle show ang pangarap niyang i-host.
"'Yung gusto ko talaga, travel and lifestyle show," sambit niya.
"Kasi mahilig ako magluto, mahilig ako mag-travel.
"So, di ba, nakakatuwa pag mai- share mo yon?"
MAKING A BAND. Kilala si Arci bilang isang aktres at host kahit noong nasa Kapuso network pa siya.
Ang ilan niyang shows sa GMA-7 noon ay Zaido: Pulis Pangkalawakan (2007), Saan Darating Ang Umaga (2008), Ngayon at Kailanman (2009), at ang huli ay ang Langit Sa Piling Mo (2010).
Pero lingid sa kaalaman ng marami, si Arci ay marunong ding kumanta.
Katunayan, meron siyang banda ngayon, bukod pa sa sinalihan niyang banda noong high school
Paano nga ba nagsimula ang banda na tinawag nilang Philia?
"[Noong] 18th birthday [ko]," nakangiting sagot ni Arci.
"So, gusto ko mag-[production], nasa GMA pa ako noon.
"Tapos siyempre, magpo-production ka, gusto mo na rin tumugtog, di ba?




0

