news

Marian Rivera breaks her silence about rumored rift with Heart Evangelista: "Akala ko maayos kami, yun pala, para sa kanya hindi."

by Erwin Santiago posted on June 23, 2011  STATS: 639110 Views | 3258 Comments

 

"Kaibigan mo, nagsusumbong sa 'yo, ipinagtatanggol mo, alam mo yung gano'n? Tapos biglang gaganituhin ka na hindi mo alam kung anong dahilan na gusto niyang gawin sa akin... Parang ang hirap lang tanggapin na isa ako sa mga nagtatanggol sa kanya..." says Marian Rivera about her feelings towards Heart Evangelista.

Photo By: Noel Orsal

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na si Marian Rivera sa pinag-uusapang away diumano nila ni Heart Evangelista.

Kaninang tanghali, June 23, ay ginanap ang grand presscon para sa pelikulang Temptation Island ng Regal Entertainment at GMA Films sa mezzanine ng Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City.

Kasama sa cast sina Marian at Heart, pero wala ang huli sa presscon dahil kasalukuyan itong nagbabakasyon sa Brazil, kasama ang boyfriend na si Daniel Matsunaga.

Kaya ang kasamang humarap ni Marian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press ay sina Rufa Mae Quinto, Lovi Poe, Solenn Heussaff, Tom Rodriguez, Mikael Daez, at John "Sweet" Lapus.

Wala rin si Aljur Abrenica na nasa Singapore naman daw ngayon.

"NAGULAT AKO." Noong una ay iniwasan ng cast na mapag-usapan ang tungkol sa nangyaring insidente diumano sa airport, kung saan kinumpronta raw ng ina ni Heart na si Mrs. Cecile Ongpauco si Marian. (CLICK HERE to read related story.).

Pero hindi na rin naiwasang sagutin ni Marian ang isyu nang tanungin siya ng PEP contributor na si Gorgy Rula, na sinundan pa ng ibang mga tanong mula sa entertainment press.

Isa pa, konektado naman ito sa Temptation Island dahil galing sa shooting ang buong cast nang mangyari ang insidente.

Bago sabihin ang kanyang panig tungkol sa isyu ay humingi muna ng dispensa si Marian sa producers ng Temptation Island at sa mga kasamahan niyang artista.

"Alam n'yo, sa totoo lang din, ayokong mapag-usapan 'to dito dahil bilang respeto sana kila Mother [Lily Monteverde], sa GMA, dahil ang ano kasi... Di ba, kapag pelikula, dapat puro positive ang pinag-uusapan?

"Pero hihingi din talaga ako ng dispensa na may mga ganitong issues, di ba? Pasensiya na.

"Pero bilang naungkat na 'yan, ang pagkakaalam ko kasi, at hindi lang din naman ako—lahat ng cast, staff and crew, pati yung direktor—maayos kaming lahat.

"Sobrang nag-usap kami, naging okay kaming lahat... Sorry, ida-drop ko yung name ni Lovi, pero nandun siya.

"Nag-usap kami, wala naman kaming pinag-awayan. Wala talaga.

"And hindi kami nag-away, walang anything na nangyari.

1  2  3  4  5  6  7  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

3258 Comments

  • 1238  chikorita_pikachu

    06/24/2011 | 04:09 PM
    no.1229-1231 ... KUDOS!! kuhang-kuha mo ang point, tini-take advantage ng mga Kapamilya ang isyung to para i-put down at siraan si yan-yan!! mga bu-g-oook kase mga Kapamilya, walang sense mga sinasabe tapos World Class sila in what sense?? nkakaloka!! hahah- peace!! hmmm
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1237  Jeenyooz

    06/24/2011 | 04:08 PM
    marafyah, wow talaga 15.7 on a regular day? Amaya is geting better and better, iba ka talaga Marian, daig pa nun ang pilot ng ibang shows a? HAIL QUEEN MARIAN!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1236  juanenrico88

    06/24/2011 | 04:07 PM
    ang kasalanan ni marian dito nagtiwala agad sya sa known to be plastik na si heart. dati pa yan plastik.. ang tagal na nga nyan sa abs walang naging kaibigan.. kasi plastik, akala nya umiikot ang mundo para sa kanya.. pareho sila ng nanay nila mga tunay na bo.... ba...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1235  Jeenyooz

    06/24/2011 | 04:05 PM
    Hahaha, kaming mga fans ni Marian tatawanan lang namin to hahaha, lalong nagiging sikat ang idol namin 1,230 comments and counting! Phenomenal ang idol namin, 29 percent sa latest ratings, the best ka Queen Marian, nagiisa sa kanyang trono kaya ayan pati si Heart nainggit na hahahaha! Galing!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1234  juanenrico88

    06/24/2011 | 04:04 PM
    BTW, sa company nakakacommunicate namin tru phonecon,emails and sometimes may visitor na mga taga thailand, india, china and japan sa company namin.. hindi sila magaling mag english.. but they are being considered to be the best in their company and field...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1233  Smurf28

    06/24/2011 | 04:02 PM
    wacky baste, c'mon what do you want her to do presscon yon natural she should say the truth dahil madam naka witness non d ba? O sige kailangan pala mag lie si Marian at idepend pa silang mag ina at sabihin ok pa rin ginawa nila. Dapat yata si heart ang bigyan dami Bodyguard para mabantayan . At may I cry pa na UNFAIR hello what di you think sa mga nakakabasa tweets mo bata .heart u shld know what's is unfair .shame pathetic
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1232  juanenrico88

    06/24/2011 | 04:01 PM
    graduate here, engineer sa isang company, hindi inglesero pero IM SURE MAS MATALINO ako kay Heart!!! Mga Kapamz taking advantage din kayo sa situation para idown si Marian na syang bumubuhay sa Primetime ng GMA. Masyadong halata.. Ur all not talking about the situation, your taking advantage out of the situation due to ur personal wants, kasi chance na to para sa inyo na siraan si MR. BTW, in just 1 reading naintindihan ko lahat ng sabi ni MR, unlyk sa iba.. siguro mahina talaga ang comprehension..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1231  brilliantstar

    06/24/2011 | 03:54 PM
    If this will shed any form of enlightenment, Marian is really the brightest star today whether you accept that or not. We do not know how long this will last because nothing is permanent but change. Heart your turn is over. No competition kayo ni Marian. Brazil is just a colony of Portugal. Spain is a colonizer. So kahit anong English at Portugese mo dyan, superior talaga si Marian sayo, LOL. Please lng, wake up. At tell your Mom to pay your workers regularly ha. Malaking kasalanan yung oppression of the poor.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1230  marafyah2

    06/24/2011 | 03:52 PM
    Guyz, last night Amaya receive its highest rating so far 15.7 percent. Paganda ng paganda ang Amaya tapos pataas ng pataas ang rating!! Keepin up with its momentum!!! Kudos, Marian, the one and only Queen of Primetime TV!!! Sana magka-ayos n sina heart at Yan!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1229  sweetum

    06/24/2011 | 03:50 PM
    grabe di ba napahiya si marian na kinorek siya ni lovi a.nd pchie? this interview is nonsense at gusto lang pagusapan in expense of heart. nakakita lang talaga si marian ng katapat nya na di nia kayang ibully at taray tarayan. kung binatok batukan niya si manny, di oobra sa grupo ni heart yan. dapat kasi turuan ng magandang asal at pag arte si marian buti nalang naging kanya si dd kung hindi talagang wala ng tatangkilik sa kanya maliban sa mga fanatics nya. she doesnt know how to answer questions with sense.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1228  intoxicatedredux

    06/24/2011 | 03:50 PM
    Hindi na lang dapat kasi nangialam ang mommy ni heart. kung tutuusin, kasalanan din ng mom niya. napansin ko, mula kasi nang naging bf niya si Daniel Matsunaga, parang feeling ni heart sa kanya na lang umiikot mundo niya. Ang nakakapagtataka lang, napakababaw naman ng dahilan ng insidente sa aiport. I kinda heard the reason, but I won't tell you. basta super nonsense talaga, as in! hehehe.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1227  marafyah2

    06/24/2011 | 03:48 PM
    It make sense, sumbongera pala si Heart... I like Heart p nmn, only when she became a kapuso and like her more when she befriend Yan!!! Though, mas gusto ko magkaayos silang dalwa!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1226  brilliantstar

    06/24/2011 | 03:46 PM
    Good Morning Marianlovers from Europe! I was here yesterday and am so back, it is now 1000 comments. It stares you in the face why many haters are determined to put her down...Marian is so popular and beloved worldwide.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1225  kapusoakotalaga

    06/24/2011 | 03:45 PM
    uto uto ba kami? sakit mo naman magsalita, ung idol mo yata ndi mo pinagtatanggol eh... lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1224  7heaven

    06/24/2011 | 03:42 PM
    All the while Marian thought they were ok, un pala sa likod nung mga mahinhing ngiti nung taong inaakala niyang kaibigan eh me inatagong galit at ngitngit. Watta Heartless FAKE!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1223  kapusoakotalaga

    06/24/2011 | 03:40 PM
    ndi nagsalita simarian ng totoong nangyare kc sa palagay ko, ayaw nya ipagsabe na minura sya ng mader ni heart... ayaw na nyang lumaki pa ang gulo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1222  shobizaddict

    06/24/2011 | 03:36 PM
    hay naku Marian kasi bakit naki pag friends ka pa sa ubod na arteng babae na yan. ano ba yang si Heart bata? nagsumbong pa sa mga magulang? nakipag live na nga kay Jericho di pa rin nag matured. wala atang friend yang si Heart kaya dun na lang sa mga parents nag sumbong.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1221  kapusoakotalaga

    06/24/2011 | 03:35 PM
    daming kapamz, gusto kc nila yan ung nang da down hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1220  raven003

    06/24/2011 | 03:34 PM
    wow ang daming comment.. ibigsabihin lang nito sikat ang mga taong involve sa story na to. ano naman masama kung magtagalog lang si marian napaka ipokrito ng mga tao dito. nasa pilipinas tayo kaya okay magtagalog. yung iba nga dyan paenglish-english nga ano naman napatunayan nila. kaya na ba nilang bilhin ang nakakain ni marian? kaya wag nyo syang pagtawanan sa pagtatagalog nya. hay mga pilipino nga naman,, about naman sa away nila ni heart. lets wait sa sasabihin ni heart and then saka tayo magbigay ng comment sa parehong side.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1219  dainty28

    06/24/2011 | 03:23 PM
    heart must also speak out...bakit nmn kc di pa sila magsalita..and bakit ung mga kasama ni marian di rin makapagsalita during interview if wla tlgang ngyari..puro lng c marian ang nagsalita
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About