news

Marian Rivera breaks her silence about rumored rift with Heart Evangelista: "Akala ko maayos kami, yun pala, para sa kanya hindi."

by Erwin Santiago posted on June 23, 2011  STATS: 639040 Views | 3258 Comments

 

"Kaibigan mo, nagsusumbong sa 'yo, ipinagtatanggol mo, alam mo yung gano'n? Tapos biglang gaganituhin ka na hindi mo alam kung anong dahilan na gusto niyang gawin sa akin... Parang ang hirap lang tanggapin na isa ako sa mga nagtatanggol sa kanya..." says Marian Rivera about her feelings towards Heart Evangelista.

Photo By: Noel Orsal

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na si Marian Rivera sa pinag-uusapang away diumano nila ni Heart Evangelista.

Kaninang tanghali, June 23, ay ginanap ang grand presscon para sa pelikulang Temptation Island ng Regal Entertainment at GMA Films sa mezzanine ng Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City.

Kasama sa cast sina Marian at Heart, pero wala ang huli sa presscon dahil kasalukuyan itong nagbabakasyon sa Brazil, kasama ang boyfriend na si Daniel Matsunaga.

Kaya ang kasamang humarap ni Marian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press ay sina Rufa Mae Quinto, Lovi Poe, Solenn Heussaff, Tom Rodriguez, Mikael Daez, at John "Sweet" Lapus.

Wala rin si Aljur Abrenica na nasa Singapore naman daw ngayon.

"NAGULAT AKO." Noong una ay iniwasan ng cast na mapag-usapan ang tungkol sa nangyaring insidente diumano sa airport, kung saan kinumpronta raw ng ina ni Heart na si Mrs. Cecile Ongpauco si Marian. (CLICK HERE to read related story.).

Pero hindi na rin naiwasang sagutin ni Marian ang isyu nang tanungin siya ng PEP contributor na si Gorgy Rula, na sinundan pa ng ibang mga tanong mula sa entertainment press.

Isa pa, konektado naman ito sa Temptation Island dahil galing sa shooting ang buong cast nang mangyari ang insidente.

Bago sabihin ang kanyang panig tungkol sa isyu ay humingi muna ng dispensa si Marian sa producers ng Temptation Island at sa mga kasamahan niyang artista.

"Alam n'yo, sa totoo lang din, ayokong mapag-usapan 'to dito dahil bilang respeto sana kila Mother [Lily Monteverde], sa GMA, dahil ang ano kasi... Di ba, kapag pelikula, dapat puro positive ang pinag-uusapan?

"Pero hihingi din talaga ako ng dispensa na may mga ganitong issues, di ba? Pasensiya na.

"Pero bilang naungkat na 'yan, ang pagkakaalam ko kasi, at hindi lang din naman ako—lahat ng cast, staff and crew, pati yung direktor—maayos kaming lahat.

"Sobrang nag-usap kami, naging okay kaming lahat... Sorry, ida-drop ko yung name ni Lovi, pero nandun siya.

"Nag-usap kami, wala naman kaming pinag-awayan. Wala talaga.

"And hindi kami nag-away, walang anything na nangyari.

1  2  3  4  5  6  7  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

3258 Comments

  • 1198  marafyah2

    06/24/2011 | 02:37 PM
    Naks nmn yung BITTER NEGA dyan diin ng diin s FLOP!!! Flop b kamo, eto Angels ni Angel 5 million, imortalo ni Angel 7.7, sama n rin natin si Sarah Idol 1 MONTH lang ata, KC no comment alam niyo n resulta, Bea may movie b siya nag-click pg wala si JLC, heart at least bumangon s GMA7. Not that against ako s lahat, pero LAHAT ng SIKAT ngayon may FLOP kahit nuon sina Nora, Vilma!!! Back to issue, go Yan!!! Pero much better kung magkaayos sila!!! Pamayay nga lang yung nanay ni heart!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1197  nagpapakatotoolang

    06/24/2011 | 02:37 PM
    Kung ako kay Marian, after akong sabihan ng 'magpapamisa ako pag pinakasalan ka na ni Dingdong' at "bobita' wala nang breeding breeding, sapakan nalang! Aanhin mo ang pagiging English speaking and rich mo kung ganyan ka mangtrato ng ibang tao. Tama bang ganyanin mo yung person na pinaglaban ka para makasama sa sa Film? Mabait pa talaga si Marian kasi kinausap nya pa nang maayos and she decided to move forward kahit na below the belt yung mga insulto ni heart disguised as jokes. Sana nga nasapak nalang yan, at least meron tlaga pwedeng reason para magbitbit ng police yung OA na mukhang perang nanay nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1196  Weslia

    06/24/2011 | 02:36 PM
    buti na lang di ko naging ina ang nanay ni heart nakakahiya matapobre....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1195  chillis

    06/24/2011 | 02:34 PM
    Natuwa ako sa sagot ni Peachy.. LOL.. D daw fifteen five lng..hahahaha natural lng .. showbiz showbiz fiesta..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1194  akosimymy

    06/24/2011 | 02:32 PM
    RHAPSODY 123 aka LAOSFLOP123....please pick up your brain! nagkalat kasi baka madala sa agos ng baha...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1193  landstown

    06/24/2011 | 02:27 PM
    rhapsody namnamin mo ang taas ng ratings ng amaya.lol
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1192  rhapsody123

    06/24/2011 | 02:23 PM
    Inis na inis ang mga bayarang fans ni MR kay Heart, dahil alam nila na ang epekto ng negative publicity ng idol nilang LAOS, FLOP as in FLOP and resulta.Kaya ang idol nilang LAOS , paiyak iyak na, nagmamakaawa, dahil tagilid na ang career niya.LOL. Alam na ng lahat ang kamalditahan niya, kay na turn off ang mga tao sa kanya. Wala naman talagang fans itong si MR, puro publcity lang, ang resulta flop pa rin!Tingnan natin itong TI,kung kikita ito hindi dahil kay MR, ang dami nila dito na nagbilad ng katawan para panoorin. Tsk tsk tsk, wala na talaga ang career ni MR.Pang leading lady na lang ng mga action stars ,gaya ng mga starlets noon na sila Laarni Enriquez, Brenda del Rio,Ana Marin, Evangeline Pascual,Imelda Ilanan at kung sino sinong mga starlets na never heard na ngayon. Ka hanay na ni Mzrian sila.LOL
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1191  sommerset

    06/24/2011 | 02:22 PM
    Bye heart
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1190  TheRealKhikkai

    06/24/2011 | 02:21 PM
    di baleng di comportable sa pagsasalita ng english, SIKAT naman!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1189  sommerset

    06/24/2011 | 02:19 PM
    Hindi kawalan si heart... Si marian may friends. Si heart wala.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1188  Weslia

    06/24/2011 | 02:17 PM
    Dapat pala ang mga bayani ng pilipinas lalo na ang mga makata at hindi nga nagsasalita ng ingles ay ituring na bobita kasi iyon ang tingin ng mga tao sa taong hindi nagsasalita ng ingles nakakahiya kayo sariling wika nyo gusto nyo pa haluan or ingles lang ang sabihin samantalang nasa bansang pilipinas kayo mahiya kayo sa balat nyo akala nyo matalino na kayo kinahihiya kayo ng mga bayani natin.baka si marian at iba na mahal ang sariling wika...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1187  sommerset

    06/24/2011 | 02:17 PM
    Si heart walang flop movie! Wala kc syang solo movie e. Kung hndi pa kay annabel e tambay ka heart. Pinanganak k lng na mayaman... Yun lng
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1186  akosimymy

    06/24/2011 | 02:09 PM
    Ano kaya pagdating ni Heart sa NAIA...salubungin sya ng mga Baklang police...hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1185  momo27

    06/24/2011 | 02:06 PM
    anak ng teteng kayong magina!back to back ninyong ininsulto c marian tapos nung magsalita sya unfair pa rin kaloka
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1184  birtwal

    06/24/2011 | 02:04 PM
    ok heart time is up, balik na sa freezer. patulan mo na lang kaya si abnoy para magka-karir ka as first lady. bagay naman kayo pareho kayong 'born with a silver spoon in your mouth' hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1183  codename_adik

    06/24/2011 | 01:59 PM
    pagpasensyahan nyo na grammar ko.loL!dami ko error.hindi po ako bobita..nagkataon lang gutom ako habang nagtatype nito..heheh erratum ..that should be "both" not "bothe" and didn't see it coming not "didn't saw".heheh peace mga ka pep!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1182  certified_orig1

    06/24/2011 | 01:57 PM
    Attention heart at nanay mo at mga fans mo. ISA LANG ANG MASABI KO................. ang ganda ni Marian jan sa pic hahahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1181  RoseVille

    06/24/2011 | 01:55 PM
    i dont think thats a way to treat..fo someone who is famous..who they think they are?? and i dont think its an issue whether you speak any language u want ke tagalog eh kasi yun ang style niya kasi na pilipinas siya so bakit ka mag-english-english pa kaartehan at kayabangan lang..AT LEast she is a college graduate ..stop making bad comments kung hate ninyo si marian who cares hindi porket mayaman kayo akala mo kung sino na get real,,
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1180  certified_orig1

    06/24/2011 | 01:53 PM
    Marami akong friends na taga lasalle di naman englisera hello... in taft ha.... nag eenglish lang sila pag kinakailangan... And who says that whose who can speak well in english are with breeding at ang hindi eh bobita... Kelan ba nag eenglish si Nora Aunor na superstar, seguro noong nasa u.s. sya.. kelan ba nag eenglish si Maricel the diamond star di naman ah. hahaha.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1179  codename_adik

    06/24/2011 | 01:52 PM
    i am bothe their fan.pero sa nangyaring ito, naturn off ako kay heart.so Marian didnt saw it coming yung airport incident kasi nasettle na pala ni heart ang misunderstanding nila.di man lang ba ipinagtanggaol ni heart si marian?like she shouldve told her mom na ok na sila ni marian. kawawa naman si marian.napahiya sa airport eh ang dami p namang tao. buti pa si lovi.tahimik at ayaw ng gulo.im actually starting to like lovi poe.she seems nice.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About