news

Marian Rivera breaks her silence about rumored rift with Heart Evangelista: "Akala ko maayos kami, yun pala, para sa kanya hindi."

by Erwin Santiago posted on June 23, 2011  STATS: 639328 Views | 3258 Comments

 

"Kaibigan mo, nagsusumbong sa 'yo, ipinagtatanggol mo, alam mo yung gano'n? Tapos biglang gaganituhin ka na hindi mo alam kung anong dahilan na gusto niyang gawin sa akin... Parang ang hirap lang tanggapin na isa ako sa mga nagtatanggol sa kanya..." says Marian Rivera about her feelings towards Heart Evangelista.

Photo By: Noel Orsal

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na si Marian Rivera sa pinag-uusapang away diumano nila ni Heart Evangelista.

Kaninang tanghali, June 23, ay ginanap ang grand presscon para sa pelikulang Temptation Island ng Regal Entertainment at GMA Films sa mezzanine ng Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City.

Kasama sa cast sina Marian at Heart, pero wala ang huli sa presscon dahil kasalukuyan itong nagbabakasyon sa Brazil, kasama ang boyfriend na si Daniel Matsunaga.

Kaya ang kasamang humarap ni Marian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press ay sina Rufa Mae Quinto, Lovi Poe, Solenn Heussaff, Tom Rodriguez, Mikael Daez, at John "Sweet" Lapus.

Wala rin si Aljur Abrenica na nasa Singapore naman daw ngayon.

"NAGULAT AKO." Noong una ay iniwasan ng cast na mapag-usapan ang tungkol sa nangyaring insidente diumano sa airport, kung saan kinumpronta raw ng ina ni Heart na si Mrs. Cecile Ongpauco si Marian. (CLICK HERE to read related story.).

Pero hindi na rin naiwasang sagutin ni Marian ang isyu nang tanungin siya ng PEP contributor na si Gorgy Rula, na sinundan pa ng ibang mga tanong mula sa entertainment press.

Isa pa, konektado naman ito sa Temptation Island dahil galing sa shooting ang buong cast nang mangyari ang insidente.

Bago sabihin ang kanyang panig tungkol sa isyu ay humingi muna ng dispensa si Marian sa producers ng Temptation Island at sa mga kasamahan niyang artista.

"Alam n'yo, sa totoo lang din, ayokong mapag-usapan 'to dito dahil bilang respeto sana kila Mother [Lily Monteverde], sa GMA, dahil ang ano kasi... Di ba, kapag pelikula, dapat puro positive ang pinag-uusapan?

"Pero hihingi din talaga ako ng dispensa na may mga ganitong issues, di ba? Pasensiya na.

"Pero bilang naungkat na 'yan, ang pagkakaalam ko kasi, at hindi lang din naman ako—lahat ng cast, staff and crew, pati yung direktor—maayos kaming lahat.

"Sobrang nag-usap kami, naging okay kaming lahat... Sorry, ida-drop ko yung name ni Lovi, pero nandun siya.

"Nag-usap kami, wala naman kaming pinag-awayan. Wala talaga.

"And hindi kami nag-away, walang anything na nangyari.

1  2  3  4  5  6  7  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

3258 Comments

  • 778  allergic2abs

    06/24/2011 | 07:10 AM
    the incident at the airport where the mother of heart something like attacked marian and shout to her get away from my daughter is the most stupid thing the mother of heart did. it is all beacause this heart make sumbong to the stage mother for no apparent reason at all...stupid mother and daughter....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 777  shellphone

    06/24/2011 | 07:10 AM
    At Cherva Kasalanan pa ba ni MArian na itanong sa kanya yan ng press? Eh presscon nga ng TI . Alangan naman hintayin pa si Heart at yung bf nya pag tapos ng honeymoon.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 776  Smurf28

    06/24/2011 | 07:09 AM
    Gossiphungry , know the real story and you will know. Akala ko before ok di heart kaya pala nawala sya sa abscbn no wonder something wrong with her.wala na ngang talent at INSECURE. Katakot insecure na Tao Baka mag suicide yan si heart walang Ganda negra Lol
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 775  lema

    06/24/2011 | 07:08 AM
    yukor123. GET YOUR FACTS. bilangin mo kung ilan na rin ang awards ni marian and compare that with heart's awards. kung si MARIAN RIVERA ang mawawala sa GMA, MALAKING KAWALAN SIYA ng GMA. kung si heart ang mawawala sa GMA, punta nalang siya sa tv5, OKAY LANG, WALANG KAWALAN!!! buti narin yon at mawala na ang HIGANTED PEKE sa GMA sa katauha ni MS. FAKE heartLESS ebakhelista!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 774  cherva

    06/24/2011 | 07:07 AM
    who are the friends of marian? rochelle, roxanne, janna, lovi? who else? yung mga kaya mong paikutin? yung gustong magka-show kaya nakikiclose syo? how about heart? angelica p., solenn, camille p, isabelle, georgina, anne c., and many more. so sino ngayon ang pwdeng mag-attest na mas mabuti ang isa to the other? sino ba ang maraming record ng ka ga ga han? gma pls do something to your superstar who's perfect. umiyak since her amaya is not rating high as expected. papansin.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 773  JerseyBeagle28

    06/24/2011 | 07:07 AM
    Hello! Marian, wag kang manghinayang sa isang insecure na creature, at least mas maaga mong nadiskubre ang tunay nyang intensyon sa iyo at ang kanyang pagpapanggap sa pagkakaibigan nyo. Mahal ka namin Marian, at alalahanin mo na parati mong kakampi si Santo Nino na nagligtas sa iyo nung ika'y bata pa at kaming mga tagahanga mo.Ingat at iwas sa mga taong chameleon.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 772  shellphone

    06/24/2011 | 07:06 AM
    Between Marian and Heart, kampi ako kay Marian dahil kahit hindi ko nakakatsikahan si Heart, naniniwala ako sa mga kuwento ni Annabelle Rama tungkol sa kanya. Hindi naman gawa-gawa ang mga kuwento ni Bisaya dahil siya ang dating manager ni Heart kaya kilalang-kilala niya ang mag-ina. Lolit S PAK!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 771  rhapsody123

    06/24/2011 | 07:04 AM
    Aha! Nagalit pala si MR sa tanong ni Heart tungkol sa kasal. Insecure kasi si MR pag kasal ang pag-uusapan, alam kasi niya na walang kasal na mangyari, dream pa naman niya yan, a frustrated dream na naka insecure sa kanya. Tapos, inungkat pa ang topic na ito, kaya galit siya kay Heart. It's not Heart's fault kung insecure siya sa tanong. Ngayon, inggit na nman siya kay Heart dahil nagbkasyon si Heart with her BF ,samantalang si DD niya, nawalan na ng gana makipaghoneymoon sa kanya. kaya yun, while Heart is enjoying her vacation with her BF, nagpainterview at tinira na si Heart at ang ina. Inggit ka lang MR. Wala na kasing gana si DD makipag honeymoon sa iyo. Di gaya ni Heart at Daniel, in love na in love sa isa't isa. LOL
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 770  yukor131

    06/24/2011 | 07:03 AM
    Marian is a bully. Hindi man pinangalanan ni Marian na si Heart yung pinapatamaan nya and si Lovi naman clueless na si Heart yun. At eto naman si Heart natakot sa palengkera girl walang ibang masabihan kundi ang nanay nya. Ipag-aayos ba sila kung walang nangyari. Kasi Marian ang bunganga mo minsan bawas bawasan mo ang pagka palengkera. College grad ka pa naman para kang walang pinag aralan kung magsalita. GMA si Aljur Abrenica na lang e partner nyo kay Heart, huwag na si dingdong ni hindi naman marunong umarte yun. Magaling lang yun sumayaw.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 769  allergic2abs

    06/24/2011 | 07:03 AM
    we are here for you marian...many envy your success, you have so many bunches of fans all around the world. here in honolulu we love you and pry for you always. GOD LOVES YOU SO MUCH AS WE DO LOVE YOU.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 768  cherva

    06/24/2011 | 07:02 AM
    ang galing ni marian. magbroadcastsa presscon ng feud with heart, without the latter's presence. it just showed how self-centered she is. she should have showed class by being silent. instead of hoarding the limelight. gusto nya lagi sha ang bida. may paiyak-iyak pa. bravo. papansin ka mshado.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 767  lema

    06/24/2011 | 07:02 AM
    gossiphungry. TINGIN MO YON! wala ba sa tingin mo na kung ano-ano ang sumbong ng FAKE heartLESS sa nanay niyang WALANG BREEDING DIN????
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 766  onlymarian

    06/24/2011 | 07:01 AM
    heartless markado ka na forever tandaan mo yan earth hour pag may show yan yan pa igaganti mo kay marian talagang plastikada ka magsama kayo ng nanay mo paimbestigahan yang mga kasamang pulis paano nakapagsama ng 8 o 5 pulis ang isang civilian?
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 765  Smurf28

    06/24/2011 | 07:00 AM
    Purelife is to depend heart kahit di nya alam ang ginawa Ng mag ina Kay Marian. Anyway isipin na Lang natin na kamag anak sya ni heart kahit masama at insecure sige pagtanggol pa rin.Pathetic lol
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 764  gossiphungry

    06/24/2011 | 06:58 AM
    someone is lying here for sure. one bakit naman maninigaw ang nanay ni Heart kung walang dahilan... luka luka ba ito? mukha namang disente ang nanay ni Heart.. maging si Heart.. yung away nga nila kay Annabel Rama wala namang ganyang awayan na naganap... ang tingin ko lang malamang nagmamamganda na naman ang napaka gandang si Marian RIvera.. pasensya na sa mga fans nya.. kung umasta kasi si Marian parang may ari rin sya ng GMA... may reason kung bakit nagka ganun ang nanay... yun ang tingin ko...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 763  onlymarian

    06/24/2011 | 06:57 AM
    i love you more and more marian be strong mabilis naman ang karma napakagaling mo sa amaya congrats marian
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 762  lema

    06/24/2011 | 06:56 AM
    KUNG TOTOO na ang ugat nito ay ang dahil sa narinig ni FAKE heartLESS na usapan nina LOVI at MARIAN RIVERA, bakit....BAAAAAAAKIT si MARIAN lang ang NI-HARASS ng matandang aling ongpaoco?????? INSECURE LANG TALAGA ITONG FAKE heartLESS at ng mader niyang EWAN sa GANDA, APPEAL, at SUCCESS ng isang MARIAN RIVERA!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 761  yukor131

    06/24/2011 | 06:55 AM
    Si heart pa ang sising sisi eh hindi nga sya nagsisi kung bat kumalas sya kay annabelle rama, sino ba si Marian para katakotan ni Heart? rolling eyes... Baka ito na ikabagsak ng primetime queen na hindi nag rate ang show, napakamahal pa naman ng ginastos ng GMA eh hindi naman humahatak ng husto sa ratings. buti pa ang Marimar dati. Super inday Marian bawas bawas mo ang magaspang mong ugali kung gusto mong magtagal sa showbiz. Baka malaos ka na hindi man lang nakatangap ng acting award.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 760  calisa20

    06/24/2011 | 06:55 AM
    Kaya nga ang dapat na pinagbubuntunan ni Heart ay si daniel.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 759  yukor131

    06/24/2011 | 06:51 AM
    Palengkera talaga si primetime queen, nabatukan nya nga si Manny Pacquiao. Naikulong nga niya si Bela Padilla sa CR, natalakan nga nya ang fan nya how much more si Heart. Ngayon iiyak iyak sya. Kasi napahiya! Ayaw nya kasi na may mambabastos sa kanya eh, PRIMETIME QUEEN nga eh dapat ginagalang sya. Yan ang akala mo day! Hindi humahanga ang mga mayayaman sa artista, kaya dun ka na lang mag reyna reynahan sa mga palengkera mo ring fans.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About