news

Marian Rivera breaks her silence about rumored rift with Heart Evangelista: "Akala ko maayos kami, yun pala, para sa kanya hindi."

by Erwin Santiago posted on June 23, 2011  STATS: 639096 Views | 3258 Comments

 

"Kaibigan mo, nagsusumbong sa 'yo, ipinagtatanggol mo, alam mo yung gano'n? Tapos biglang gaganituhin ka na hindi mo alam kung anong dahilan na gusto niyang gawin sa akin... Parang ang hirap lang tanggapin na isa ako sa mga nagtatanggol sa kanya..." says Marian Rivera about her feelings towards Heart Evangelista.

Photo By: Noel Orsal

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na si Marian Rivera sa pinag-uusapang away diumano nila ni Heart Evangelista.

Kaninang tanghali, June 23, ay ginanap ang grand presscon para sa pelikulang Temptation Island ng Regal Entertainment at GMA Films sa mezzanine ng Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City.

Kasama sa cast sina Marian at Heart, pero wala ang huli sa presscon dahil kasalukuyan itong nagbabakasyon sa Brazil, kasama ang boyfriend na si Daniel Matsunaga.

Kaya ang kasamang humarap ni Marian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press ay sina Rufa Mae Quinto, Lovi Poe, Solenn Heussaff, Tom Rodriguez, Mikael Daez, at John "Sweet" Lapus.

Wala rin si Aljur Abrenica na nasa Singapore naman daw ngayon.

"NAGULAT AKO." Noong una ay iniwasan ng cast na mapag-usapan ang tungkol sa nangyaring insidente diumano sa airport, kung saan kinumpronta raw ng ina ni Heart na si Mrs. Cecile Ongpauco si Marian. (CLICK HERE to read related story.).

Pero hindi na rin naiwasang sagutin ni Marian ang isyu nang tanungin siya ng PEP contributor na si Gorgy Rula, na sinundan pa ng ibang mga tanong mula sa entertainment press.

Isa pa, konektado naman ito sa Temptation Island dahil galing sa shooting ang buong cast nang mangyari ang insidente.

Bago sabihin ang kanyang panig tungkol sa isyu ay humingi muna ng dispensa si Marian sa producers ng Temptation Island at sa mga kasamahan niyang artista.

"Alam n'yo, sa totoo lang din, ayokong mapag-usapan 'to dito dahil bilang respeto sana kila Mother [Lily Monteverde], sa GMA, dahil ang ano kasi... Di ba, kapag pelikula, dapat puro positive ang pinag-uusapan?

"Pero hihingi din talaga ako ng dispensa na may mga ganitong issues, di ba? Pasensiya na.

"Pero bilang naungkat na 'yan, ang pagkakaalam ko kasi, at hindi lang din naman ako—lahat ng cast, staff and crew, pati yung direktor—maayos kaming lahat.

"Sobrang nag-usap kami, naging okay kaming lahat... Sorry, ida-drop ko yung name ni Lovi, pero nandun siya.

"Nag-usap kami, wala naman kaming pinag-awayan. Wala talaga.

"And hindi kami nag-away, walang anything na nangyari.

1  2  3  4  5  6  7  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

3258 Comments

  • 138  mariejeff

    06/23/2011 | 08:52 PM
    Nagulat xa sa nangyari..pro wla namang nangyari..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 137  7heaven

    06/23/2011 | 08:52 PM
    Your on top of the world Marian. Be steadfast. Jealous and envious people will throw everything against you especially fabricated stories para mahila ka pababa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 136  Chris_25

    06/23/2011 | 08:52 PM
    naku insecure talaga yang si HEART nakita ko na yan sa SOP before binabara si Jennylyn at si Kris bernal kitang kita pag off cam maraming fans na tumitili yung dalawa then lagi naka simangot.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 135  qazx

    06/23/2011 | 08:50 PM
    nagstop na ako sa pg2. anu ba yan puro nalang " eto ang punto ko dyan or kaya naman alam ni lovi yan..." tutal nagsalita na den siya straight to the point nalang sana...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 134  eatmyjuicyfruit

    06/23/2011 | 08:50 PM
    pumapanget na image ni marian. bakit ka pa nagsalita.. kung wala naman sayo yung incident. move on and forget it. syempre as nanay at manager ni heart, pprotektahan nya anak nya. pinalaki mo lang ang issue na to.hini ka magiging ka awa awa kasi wala si heart para e defend nya sarili nya. hmmm.. pep bakit d nyo tanongin ang nanay ni heart..interviewhin nyo ang nanay ni heart. kailangan mo yata mag bakasyon marian para maliwanagan ka.. idol man kita pero hindi kanais nais na nagsalita ka pa about the airport incident kung wala naman sayo yun. sana maiksing comment na lang ang sinagot mo at hindi mo na inintertain ang mag usisa ng press..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 133  Datsmygirl

    06/23/2011 | 08:49 PM
    Marian Rivera BREAKS HER SILENCE "DAW", eh wala namang saysay pinagsasabi, mas nagka-interes pa ko sa sinabi ni Ruffa Mae at Lovi. Si marian parang batang yagit na inagawan ng lolipop at ng tanungin sinong kumuha ng lolipop di daw nya alam, kahit ang totoo alam nya haha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 132  capisceniente

    06/23/2011 | 08:48 PM
    LOVE ko na si LOVI POE kc MATALINO pala siya, di kagaya ng ibang startlet diyan na PUTAK LANG NANG PUTAK, wala naman SENSE ang mga sinasabi nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 131  capisceniente

    06/23/2011 | 08:46 PM
    For sure tuwang tuwa ngayon si BELA PADILLA kc at long last, NA-KARMA na rin si MARIAN na ang ginawa noon ay IKINULONG SI BELA PADILLA SA BANYO. Gawain ba yan ng isang edukadang tao? Psychology at that?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 130  ehemm

    06/23/2011 | 08:46 PM
    why pick on heart and daniel? eh di ba dingdong and his gf go on honeymoon all the time din naman? ah, may basbas nga pala ng pans lols
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 129  7heaven

    06/23/2011 | 08:42 PM
    Vindication will be yours Marian. Just hold on at wag magpapekto sa mga naiinggit at naninira sau. They are on a mission. And that is to pull u down. God Bless Miss Marian.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 128  pinaypay1

    06/23/2011 | 08:38 PM
    ha ha at ayaw pang maungkat ang pagsasama bilang mag asawa na walang basbas nina daniel at heart sa brazil? ano nangyari ngayon?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 127  ehemm

    06/23/2011 | 08:38 PM
    sila heart and dingdong will be paired this time. merong gustong ikulong si heart kaya may bodyguards. hindi natuloy ang plano niyang ikulong si heart kaya cry siya lols
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 126  capisceniente

    06/23/2011 | 08:38 PM
    KARMA na yan MR! Tingnan natin kung kumita ang T.I. Naku Mother Lily, di ka pa rin nadala sa kapo produce ng movie para kay MR. Tingnan mo naman ang Super Inday, hindi super ang kinita, NANGULELAT sa 2010 MMFF. Cguro this time, matututo ka na at baka ito na ang last. Mabuti na lang andiyan si Bong Revilla at makikisakay ka naman sa kasikatan ni Senador.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 125  mariankimfan1

    06/23/2011 | 08:38 PM
    Too make this long story short, the airport in really happened marian didn't know why did it. she didn't have any argument altercation or confrontation with heart. Lovi said it best when she asked to stop talking about coz the other party was not there to defend themselves.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 124  Datsmygirl

    06/23/2011 | 08:37 PM
    "MAY MAPUBLISH LANG" lang pala ito.. Biruin mo 5 pages walang pinuntahan, parang may sira pa sa ulo ini-interview, puro WALA LANG daw haha..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 123  pantas_uno

    06/23/2011 | 08:36 PM
    haayyyy, marian...inggit lang sa iyo ang mag inang yan. basta work lang and continue to be yourself...go AMAYA!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 122  pinaypay1

    06/23/2011 | 08:36 PM
    pagka haba haba nga naman ng hair ni marian ano na pati ang jowa nitong isa gustong makatrabaho siya iba na talaga ang sikat
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 121  skyward

    06/23/2011 | 08:36 PM
    dalawang fans ni heart ang nangbully kay Marian.. dhl inaakala nya na magsumbong din c marian sa mga fans nya gaya ng ginawa nya tinawagan nya nanay nya at nagdala ng mga pulis dhl takot na kukuyugin cla ng mga fans ni Marian..LOL!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 120  calisa20

    06/23/2011 | 08:35 PM
    may point ang isa dito. Gumawa ng issue ang mag-ina para tantanan ng reporters si Heart at ungkatin ang pagsasama ni Daniel at Heart sa Brazil
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 119  lotion123

    06/23/2011 | 08:34 PM
    ok sa mga nagtatanong what happened nainsecure si heartless kay marian dahil si DM gusto sya makatambal.. eh from the start insecure na sya kc lahat ng atensyon na kay marian ke sa party p. o sa mga location shoot. walang pinag iba sa dating kasamahan nya sa marimar na insecure din sa kanya dahil sa dami ng fans ni marian. tapos, napraning si heartless, mega sumbong sa monster mom..kaya si onster mom, sinugod si marian..villain talga ang dating..itsura ni cruella de vile.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About