news

Marian Rivera breaks her silence about rumored rift with Heart Evangelista: "Akala ko maayos kami, yun pala, para sa kanya hindi."

by Erwin Santiago posted on June 23, 2011  STATS: 639090 Views | 3258 Comments

 

"Kaibigan mo, nagsusumbong sa 'yo, ipinagtatanggol mo, alam mo yung gano'n? Tapos biglang gaganituhin ka na hindi mo alam kung anong dahilan na gusto niyang gawin sa akin... Parang ang hirap lang tanggapin na isa ako sa mga nagtatanggol sa kanya..." says Marian Rivera about her feelings towards Heart Evangelista.

Photo By: Noel Orsal

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na si Marian Rivera sa pinag-uusapang away diumano nila ni Heart Evangelista.

Kaninang tanghali, June 23, ay ginanap ang grand presscon para sa pelikulang Temptation Island ng Regal Entertainment at GMA Films sa mezzanine ng Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City.

Kasama sa cast sina Marian at Heart, pero wala ang huli sa presscon dahil kasalukuyan itong nagbabakasyon sa Brazil, kasama ang boyfriend na si Daniel Matsunaga.

Kaya ang kasamang humarap ni Marian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press ay sina Rufa Mae Quinto, Lovi Poe, Solenn Heussaff, Tom Rodriguez, Mikael Daez, at John "Sweet" Lapus.

Wala rin si Aljur Abrenica na nasa Singapore naman daw ngayon.

"NAGULAT AKO." Noong una ay iniwasan ng cast na mapag-usapan ang tungkol sa nangyaring insidente diumano sa airport, kung saan kinumpronta raw ng ina ni Heart na si Mrs. Cecile Ongpauco si Marian. (CLICK HERE to read related story.).

Pero hindi na rin naiwasang sagutin ni Marian ang isyu nang tanungin siya ng PEP contributor na si Gorgy Rula, na sinundan pa ng ibang mga tanong mula sa entertainment press.

Isa pa, konektado naman ito sa Temptation Island dahil galing sa shooting ang buong cast nang mangyari ang insidente.

Bago sabihin ang kanyang panig tungkol sa isyu ay humingi muna ng dispensa si Marian sa producers ng Temptation Island at sa mga kasamahan niyang artista.

"Alam n'yo, sa totoo lang din, ayokong mapag-usapan 'to dito dahil bilang respeto sana kila Mother [Lily Monteverde], sa GMA, dahil ang ano kasi... Di ba, kapag pelikula, dapat puro positive ang pinag-uusapan?

"Pero hihingi din talaga ako ng dispensa na may mga ganitong issues, di ba? Pasensiya na.

"Pero bilang naungkat na 'yan, ang pagkakaalam ko kasi, at hindi lang din naman ako—lahat ng cast, staff and crew, pati yung direktor—maayos kaming lahat.

"Sobrang nag-usap kami, naging okay kaming lahat... Sorry, ida-drop ko yung name ni Lovi, pero nandun siya.

"Nag-usap kami, wala naman kaming pinag-awayan. Wala talaga.

"And hindi kami nag-away, walang anything na nangyari.

1  2  3  4  5  6  7  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

3258 Comments

  • 78  thunder_1273

    06/23/2011 | 08:09 PM
    Lalong lalakas ang AMAYA nito... lalong lulubog ang kabila... kawawa naman sila... Bakit kaya pag galing sa ABS ang artista, PLASTIK tulad ni Claudine....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 77  pinaypay1

    06/23/2011 | 08:09 PM
    buti nga at di nakunan ng panig si tita anabel tungkol sa isyung ito, si tita anabel mismo ay direct na nakatrabaho itong nanay ni heart na pagka walang modo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 76  rejoice81

    06/23/2011 | 08:07 PM
    eh kung walang away na nangyari, eh bakit may ganyang insedente sa airport? di naman siguro ganyan kabastos ang nanay ni heart para gumawa ng ganyang eksena..diko talaga naintindihan ang mga paliwanag ni marian..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 75  pinaypay1

    06/23/2011 | 08:07 PM
    kaya nga itong si heart ay dapat turuan ng leksyon at nang mag behave naman itong si nanay
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 74  linkinlady

    06/23/2011 | 08:06 PM
    heart's mom is soooooooooo insecure ky heart and heart too!! simple!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 73  lotion123

    06/23/2011 | 08:06 PM
    as far as i know.. wla namang masamang sinabi si marian against heart and her mom... sinabi nya lang naramdaman nya about what happened in the airport. ikaw kaya masigawan ng mas matanda sau..kakaintimidate talaga un, not to mention nakakahiya. gusto mo sumagot di ka naman makasagot ,sasabihin la ka galang sa oldies
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 72  beyond_words

    06/23/2011 | 08:05 PM
    But if you observe closely, Lovi and Rufa Mae indirectly defended Heart. Mas maganda sana if Heart is in Pinas to answer all allegations thrown to her.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 71  wanna_change

    06/23/2011 | 08:03 PM
    Heart and her mom, had broke the bond that ties with Annabel Rama. Si Annabel Rama ang tumulong para buhayin muli ang career ni Heart sa paglipat nito sa GMA. kung may sense of gratitude ang mother ni Heart, they should stick to Annabel Rama. It seemed that Heart's mother have NO SENSE OF GOOD PERSONAL RELATIONSHIP with other people, especially the one she worked with. Nasanay siguro itong mother ni Heart na nag-uutos sa mga waiters nila kaya kahit sino, para sino siyang reyna. People might shun away working with the mother of Heart, di marunong makisama, vindictive pa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 70  lotion123

    06/23/2011 | 08:02 PM
    im just wondering padungol.. how tall are you? and sabi ka ng sabi na palengkera si marian..magnanakaw galit sa kapwa magnanakaw? si belat padilla mo..ayun, nabaon na sa limot, kasama pala sa isang soap..ni ayaw banggitin sa promo na kasali sya, baka kc ma jinx na naman. ganyan ba binabalika ng good karma..from one of the leading ladies..down to support?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 69  the_truth_provider

    06/23/2011 | 08:02 PM
    hay heart at marian... magpromote n lng kau ng movie baka magflop yan tulad ng movies mo marian
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 68  pinaypay1

    06/23/2011 | 08:01 PM
    pasalamat ka nga heart-less na tinanggap ka ng gma at binuhay yang karir mong galing sa hukay ng kabaong ng pagkalaos ngayon eto pa iginanti mo sa mga nauna pa sa yo kapal huh
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 67  onetut

    06/23/2011 | 08:00 PM
    it's not marian's fault kung magsalita man sya.blame the press na walang gustong tanungin kundi about the issue. alangan naman magtanong sila ng mga boring questions e chance na nilang sumulat ng scoop at yung mga latest news. sorry na lang si heart kasi tinaon nya ang vacation nya ng nagpropromote na at may presscon na para sa movie. mas gusto malaman ng press ang mga ganitong issue kesa mangisyoso about the movie. hindi rin pwedeng isnabin ni marian ang press kasi yun lang ang tinatanong palagi sa kanya. kaya nga base sa interview dito, sabihin nyo ng pabalik balik kasi siguro inaavoid nya na lumaki ang issue. sinasabi nya lang ang pwedeng sabihin.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 66  tatoyadik

    06/23/2011 | 08:00 PM
    aminin na nating lahat, matapobre tlga mother ni heart...si heart mabait nmn kht maarte...proven na yan noon pa man...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 65  DimplesAndPanda

    06/23/2011 | 07:59 PM
    There are always 2 sides of a coin. Lovi is right... Wag pagusapan coz Heart is not there to air her side... If walang dahilan, they why may nangyari?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 64  Labskie

    06/23/2011 | 07:58 PM
    I think this is really unfair to Heart kasi tama yung sinabi na Lovi na wla ung kabilang side to defend their self..At ayos din talaga c MArian,,pinakita na naman nya kung gaano sya kawalang breeding..Nagsalita itong time na wla c Heart sa PInas..Halatang halata na takot sya..grnted na tinanong..Pwede naman iwasan eh..Hilig ng mga ganung gimik na iiyak na naman sa harap ng press..Panis na yang gimik na yan.. Pero magandang laban ito..Ang Jologs at ang Sosyal...Ang Palengkera at ang Sopistikada...Poor Marian hindi nakuha kahit na katiting na utak ni Heart
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 63  pinaypay1

    06/23/2011 | 07:57 PM
    dapat lang magtagalog dahil tayo po ay pilipino di po ba? kahit naman na palaging nagtatagalog si marian e graduate po yan ng bs psychology. e ikaw ba heart anong degree ang natapos mo?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 62  lotion123

    06/23/2011 | 07:56 PM
    sino pa makakatambal ngaun ni heartless sa gma? ayaw na DDD, ayaw na ni popy for dennis, for sure, di na rin tatambal si RG. magkapatid network na kaya sya. she has no room in gma anymore. pretending to be mabait lang pala..sabagay aalis ba yan sa abs if not nainsecure sa iba
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 61  changdubai

    06/23/2011 | 07:56 PM
    bilis mag comment ng mga ampalaya dito. nangunguna na si PADUNGOL at IMORTALAGA... Marian, nandito lang kaming mga nag mamahal sau malalampasan mo rin ang mga ito.. keep smiling..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 60  pinaypay1

    06/23/2011 | 07:55 PM
    ano kasalanan ba ni marian na talagang mahaba ang hair niya kaya gusto siyang makatambal ng jowa ni heart? in fairness insecure ang beauty nitong galing sa hukay ng kabaong ng pagkalaos itong si heart. kaya ano ginawa sumbong to matapobreng inahin na hindi marunong mag behave? walang manners itong ina ni heart.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 59  beyond_words

    06/23/2011 | 07:53 PM
    Its a long article yet paulit ulit ang sinasabi ni Marian. Misunderstanding lang daw pero wala naman talagang nangyari... Ang gulo nya sumagot pramis! But whatever it is sana maayos nila, sayang naman. If it's purely misunderstanding it shouldn't reached to a certain point like this. Both are good people naman siguro and didn't mean to hurt each other. But because nagsalita na si Marian, Heart should also do the same. Tama yung sinabi ni Lovi na wag pagusapan since wala naman yung isa para idefend ang sarili nya.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About