"Kaya dumami yung eksena. Naging todo-todo yung eksena!" natatawa pa niyang sabi.
Pero sumingit din si Lovi Poe at sinabing, "I'm sorry, I don't mean to butt in, but I think it's best na we don't talk about it now because both parties are not here to defend themselves.
"So, I think na huwag nang pag-usapan..." pakiusap pa niya.
"HINDI MO KAWALAN." Kung matatandaan, si Marian ang nagkumbinsi kay Heart na tanggapin ang Temptation Island. Bago kasi magsimula ang pelikula ay nag-alangan si Heart na tanggapin ito dahil sa ilang maseselang eksena.
Pero kinausap siya ni Marian at sinabihan na huwag mag-alala dahil hindi siya pababayaan nito. At sa huli nga ay pumayag si Heart na gawin ang pelikula. (CLICK HERE to read related story.)
Dahil sa nangyari, nagsisisi ba si Marian na kinumbinsi pa niya si Heart na gawin ang Temptation Island?
"Sa inyo na nanggaling 'yan, ako ang nagkumbinsi sa kanya na gawin niya 'to at inaalalayan ko siya," sabi ng aktres.
"Hanggang kaya ko siyang ipagtanggol kapag nagsusumbong siya sa akin, ginagawa ko 'yan.
"At walang nangyaring away at kung anumang sinasabi na nangyari sa amin do'n sa Ilocos.
"So, doon pa lang mapapatunayan n'yo na kung ano ang nangyayari dito at paano ang punto nito.
"So, pinagsisisihan na [kinumbinsi]? Nakakapang-ano lang, parang...
"Kasi akala ko kaibigan ko siya at walang nangyari sa amin, yun pala hindi.
"So, 'yon lang. Hindi ko kawalan," deklara niya.
Walang pagsisisi, pero merong konting panghihinayang?
"Wala, kasi ang hirap, e, parang... Si Lovi, siya [Heart], kaibigan mo, nagsusumbong sa 'yo, ipinagtatanggol mo, alam mo yung gano'n?"




CALLED OUT
ALL COMMENTS
2938 Ayayay124
2937 Ayayay124
2936 Ayayay124
2935 Bai_MARIMAYA
2934 shiela1061
2933 calisa20
2932 calisa20
2931 anonymous2505
2930 mc_am
2929 onlymarian
2928 wina364
2927 marikinaRiver
2926 fANNEatic
2925 BeautyatSosi
2924 gillyn21
2923 showbizfanatic
2922 showbizfanatic
2921 brilliantstar
2920 momo27
2919 pepsterulit
more comments