news

Marian Rivera breaks her silence about rumored rift with Heart Evangelista: "Akala ko maayos kami, yun pala, para sa kanya hindi."

by Erwin Santiago posted on June 23, 2011  STATS: 639100 Views | 3258 Comments

 

"Kaibigan mo, nagsusumbong sa 'yo, ipinagtatanggol mo, alam mo yung gano'n? Tapos biglang gaganituhin ka na hindi mo alam kung anong dahilan na gusto niyang gawin sa akin... Parang ang hirap lang tanggapin na isa ako sa mga nagtatanggol sa kanya..." says Marian Rivera about her feelings towards Heart Evangelista.

Photo By: Noel Orsal

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na si Marian Rivera sa pinag-uusapang away diumano nila ni Heart Evangelista.

Kaninang tanghali, June 23, ay ginanap ang grand presscon para sa pelikulang Temptation Island ng Regal Entertainment at GMA Films sa mezzanine ng Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City.

Kasama sa cast sina Marian at Heart, pero wala ang huli sa presscon dahil kasalukuyan itong nagbabakasyon sa Brazil, kasama ang boyfriend na si Daniel Matsunaga.

Kaya ang kasamang humarap ni Marian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press ay sina Rufa Mae Quinto, Lovi Poe, Solenn Heussaff, Tom Rodriguez, Mikael Daez, at John "Sweet" Lapus.

Wala rin si Aljur Abrenica na nasa Singapore naman daw ngayon.

"NAGULAT AKO." Noong una ay iniwasan ng cast na mapag-usapan ang tungkol sa nangyaring insidente diumano sa airport, kung saan kinumpronta raw ng ina ni Heart na si Mrs. Cecile Ongpauco si Marian. (CLICK HERE to read related story.).

Pero hindi na rin naiwasang sagutin ni Marian ang isyu nang tanungin siya ng PEP contributor na si Gorgy Rula, na sinundan pa ng ibang mga tanong mula sa entertainment press.

Isa pa, konektado naman ito sa Temptation Island dahil galing sa shooting ang buong cast nang mangyari ang insidente.

Bago sabihin ang kanyang panig tungkol sa isyu ay humingi muna ng dispensa si Marian sa producers ng Temptation Island at sa mga kasamahan niyang artista.

"Alam n'yo, sa totoo lang din, ayokong mapag-usapan 'to dito dahil bilang respeto sana kila Mother [Lily Monteverde], sa GMA, dahil ang ano kasi... Di ba, kapag pelikula, dapat puro positive ang pinag-uusapan?

"Pero hihingi din talaga ako ng dispensa na may mga ganitong issues, di ba? Pasensiya na.

"Pero bilang naungkat na 'yan, ang pagkakaalam ko kasi, at hindi lang din naman ako—lahat ng cast, staff and crew, pati yung direktor—maayos kaming lahat.

"Sobrang nag-usap kami, naging okay kaming lahat... Sorry, ida-drop ko yung name ni Lovi, pero nandun siya.

"Nag-usap kami, wala naman kaming pinag-awayan. Wala talaga.

"And hindi kami nag-away, walang anything na nangyari.

1  2  3  4  5  6  7  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

3258 Comments

  • 2918  pepsterulit

    06/29/2011 | 04:44 AM
    hay naku, d pa ba nauumay ang haters....seriously, some ppl here need to get a life...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2917  calisa20

    06/29/2011 | 04:20 AM
    Si Heart at ang mader niya nanahimik na. Ni hindi man lang kinontra ang sinabi ni MR about airport insident. Gagawa gawa ng eksena hindi naman pala marunong panindigan
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2916  calisa20

    06/29/2011 | 04:17 AM
    whatever you say hindi maibabagsak si MR. Haters have been tryig to do that for years pero nandiyan pa rin at very active sa movie at teleserye. Paulit ulit na lang ang ibinabatikos ninyo ha ha ha nandiyan pa rin si MR
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2915  yaralei

    06/29/2011 | 03:42 AM
    whatever....next topic please!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! nakaka UMAYAna ang topic na to
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2914  brilliantstar

    06/29/2011 | 03:40 AM
    Magpapakamatay si Bagani upang samahan si Amaya sa sulad! Grabe nato! Tatalunin ang drama ni Romeo. This is it! I sooo heart Amaya!!!!!!!!!!!!!! I cannot wait!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2913  ganda_ketch

    06/29/2011 | 03:28 AM
    Mas mataas pala ang TF ni Heart kesa kay Marianyita, tapos ipapartner pa sana kay Dingdong. No wonder inchikyur ang lola, hehe. Musta naman at pati si Ruffamae ay di kumampi sa lola, hehe uli.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2912  xXxNurseHawtiexXx

    06/29/2011 | 03:00 AM
    yeah...I was at work yesterday and now off just for a day...last night I've been eavesdropping here and you are like bombarding the haters with your posts...as always...I find funny and amusing...sorta relaxation after work I should say. Some of the peeps just can't see and miss that your posts have some substance..if they get your drift. -wink-
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2911  brilliantstar

    06/29/2011 | 02:52 AM
    Hi Hottie Nurse! Good to see you around. You're right. Thanks for the heads up. Appreciate that!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2910  xXxNurseHawtiexXx

    06/29/2011 | 02:50 AM
    you don't owe anybody an explanation brilliant...they can't take it that you're good in pissing them off -lol-
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2909  nagpapakatotoolang

    06/29/2011 | 02:31 AM
    actually i'm sleepy na, haha. just hanging around kasi i stupdly drank coffee kanina around 9pm. ayan tuloy, puyat na naman, hehe. anyway, i'd have to leave you to defend the fort--haha--for now. i'll try to sneak in as much as my sched would permit tomorrow, hehe. goodnight from here in the phil. see ya when i see ya!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2908  brilliantstar

    06/29/2011 | 02:06 AM
    Nagpakatotoo - am glad hinde ako nag iisa at this holy hour in Pinas. We are only 7pm here. Mukhang aabot tayo ng 3k! Ang saya!!!!!! Sana makarating kay Marian na nagkakasiyahan ang mga fans niya dito. Marian ganon ka po namin kamahal!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2907  brilliantstar

    06/29/2011 | 02:05 AM
    ay sorry nagpakatotoo...hahaha. pasensha na po. tao lang!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2906  brilliantstar

    06/29/2011 | 02:03 AM
    kung si marian nga na araw araw ninyong nakikita sa TV di nyo kayang tanggapin na sha ang nag iisang sikat sa season ngayon. mas lalo na ang isang ordinaryong fan na hinde ninyo kilala at nakikita. so pointless na ilalatag ko ang bio data ko senyo. at masasayang lang ang aking mga paliwanag dahil wala rin kayong kakayahang umintindi.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2905  nagpapakatotoolang

    06/29/2011 | 02:03 AM
    huy brilliant, hindi mo ako kaaway, loka. hehe! im pro-marian ate. you must've mistaken me for somebody else.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2904  brilliantstar

    06/29/2011 | 01:59 AM
    nagpakatotoolang - i read your msg late. huwat did you say again? halusinasyon na naman. ang hirap senyo haters eh puro kayo satsat - mali mali naman. kung inaakala mo na nakarating ako rito sa pamamagitan ng asawa - dale ka na naman dahil buong pamilya ko po at halos lahat ng first cousins andito. kaya nga dito na po ako nag aral ng kolehiyo although we visit pinas regularly. mahirap po e explain. pero kung meron kang relatives na andito sa europe ask mo na lang. ayokong manggaling sa akin kse baka di nyo na naman mataggap. hina kse ang pang unawa ninyo. sabagay pano nyo naman mauunawan eh masyadong limited ang karanasan ninyo sa buhay. dapat sinama kayo ni Heart para makita ninyo ang realidad sa ibang bansa.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2903  brilliantstar

    06/29/2011 | 01:54 AM
    i showed amaya ang nais ko pong sabihin at hinde po should.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2902  brilliantstar

    06/29/2011 | 01:53 AM
    7th heaven looks like we are going to hit 3k! todo natoh. i could not believe this. akala ko noon suntok na sa buwan ang 2k pero well well well. iba talaga si Marian. talk of the town! i should Amaya to my friends here - lahat sila na impress. kakaiba daw ang mga damit natin at ang gaganda daw ng artista. Thanks to GMA. Thanks to Marian!!!!!!!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2901  brilliantstar

    06/29/2011 | 01:48 AM
    Sobra sobra kung kutyain ninyo si Marian. Tipong kayo lng ang anak ng Diyos. Kung si Marian di kayo papatulan ibahin nyo ang ibang fans - dahil di uurong yan to rescure their favorite actress. Watch your words din kung ayaw nyo ng gulo. Ang nais namin ay magtrabaho. Ayaw namin ng gulo. Ang goal ni Marian ay makapagpasiya ng tao at kme ay nagpapasalamat ng lubos. Peace to all goodwill to men. Puffin sweetdreams! Marian loves ya all - so do I!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2900  7heaven

    06/29/2011 | 01:47 AM
    Delubyo inabot ng abs starlelets ke Marian. Wewe nemennn!! LOL!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2899  7heaven

    06/29/2011 | 01:47 AM
    Delubyo inabot ng abs starlelets ke Marian.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About