news

Marian Rivera breaks her silence about rumored rift with Heart Evangelista: "Akala ko maayos kami, yun pala, para sa kanya hindi."

by Erwin Santiago posted on June 23, 2011  STATS: 639097 Views | 3258 Comments

 

"Kaibigan mo, nagsusumbong sa 'yo, ipinagtatanggol mo, alam mo yung gano'n? Tapos biglang gaganituhin ka na hindi mo alam kung anong dahilan na gusto niyang gawin sa akin... Parang ang hirap lang tanggapin na isa ako sa mga nagtatanggol sa kanya..." says Marian Rivera about her feelings towards Heart Evangelista.

Photo By: Noel Orsal

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na si Marian Rivera sa pinag-uusapang away diumano nila ni Heart Evangelista.

Kaninang tanghali, June 23, ay ginanap ang grand presscon para sa pelikulang Temptation Island ng Regal Entertainment at GMA Films sa mezzanine ng Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City.

Kasama sa cast sina Marian at Heart, pero wala ang huli sa presscon dahil kasalukuyan itong nagbabakasyon sa Brazil, kasama ang boyfriend na si Daniel Matsunaga.

Kaya ang kasamang humarap ni Marian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press ay sina Rufa Mae Quinto, Lovi Poe, Solenn Heussaff, Tom Rodriguez, Mikael Daez, at John "Sweet" Lapus.

Wala rin si Aljur Abrenica na nasa Singapore naman daw ngayon.

"NAGULAT AKO." Noong una ay iniwasan ng cast na mapag-usapan ang tungkol sa nangyaring insidente diumano sa airport, kung saan kinumpronta raw ng ina ni Heart na si Mrs. Cecile Ongpauco si Marian. (CLICK HERE to read related story.).

Pero hindi na rin naiwasang sagutin ni Marian ang isyu nang tanungin siya ng PEP contributor na si Gorgy Rula, na sinundan pa ng ibang mga tanong mula sa entertainment press.

Isa pa, konektado naman ito sa Temptation Island dahil galing sa shooting ang buong cast nang mangyari ang insidente.

Bago sabihin ang kanyang panig tungkol sa isyu ay humingi muna ng dispensa si Marian sa producers ng Temptation Island at sa mga kasamahan niyang artista.

"Alam n'yo, sa totoo lang din, ayokong mapag-usapan 'to dito dahil bilang respeto sana kila Mother [Lily Monteverde], sa GMA, dahil ang ano kasi... Di ba, kapag pelikula, dapat puro positive ang pinag-uusapan?

"Pero hihingi din talaga ako ng dispensa na may mga ganitong issues, di ba? Pasensiya na.

"Pero bilang naungkat na 'yan, ang pagkakaalam ko kasi, at hindi lang din naman ako—lahat ng cast, staff and crew, pati yung direktor—maayos kaming lahat.

"Sobrang nag-usap kami, naging okay kaming lahat... Sorry, ida-drop ko yung name ni Lovi, pero nandun siya.

"Nag-usap kami, wala naman kaming pinag-awayan. Wala talaga.

"And hindi kami nag-away, walang anything na nangyari.

1  2  3  4  5  6  7  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

3258 Comments

  • 2638  marikinaRiver

    06/27/2011 | 11:21 PM
    *** This comment has been deactivated due to inappropriate content ***
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2637  Weslia

    06/27/2011 | 11:13 PM
    true ka dingdong dantes dun tayo sa TAMA huwag dun sa mga ABUSADO.parating lang po sa gma7 huwag nyo ng pagtakpan ang kapangitan ng ugali ni heartless para naman di na naman mapagbintangan si marian ng mga kung ano anong pangit na akusasyon un lng salamat po!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2636  yamnt2007

    06/27/2011 | 11:13 PM
    sabi ni dingdong "dun ako sa totoo, dun ako sa tama, hindi ako sang ayon sa abusado. 100 percent of the way andun ako sa tabi nya" ang sweet naman!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2635  7heaven

    06/27/2011 | 11:11 PM
    Si Marian kahit walang make up lutang ang natural na ganda. Hndi siya katulad ng ibang artista na kailangan kulapulan ng make up ang mukha para maging flawless. Marian is naturally beautiful and flawless. Kaya yang laylay at wrinkles na yan eh malayo sa katotohanan yan. Inggit lang yan. He he he he!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2634  ehemm

    06/27/2011 | 11:11 PM
    2633 me ganon talaga ha? magdala ka na rin ng mga bodyguards mo lols. you'll get a batok or kulong sa banyo, sige ka lols
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2633  ehemm

    06/27/2011 | 11:08 PM
    puffy 2620 lols. touche! you hit the nail on the head! that was a brilliant post. as brilliant as the sun, or the biggest star. say it again with marikina - powwwst. with a long O, ok. not posh ha, like pawwsshhh. in french, vous etes une etoile brillante. the other, elle est fausse lols
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2632  saudipinoytv

    06/27/2011 | 11:06 PM
    sarap ibabad mga haters dito sa disyerto.... hahahahahahahaha...joke, go bai amaya...... kaw n nga and tinakda, ikaw ay ang nsa tagna.. ikaw ang mkakapagbigay kulay sa aming damdamin khit homesick na....
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2631  7heaven

    06/27/2011 | 11:05 PM
    Mga taartits ng dos naglalaglagan na!!! Tsk tsk tsk!! Shame shame shame!!! Yan ang totoo at hndi twisted.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2630  meganontalaga

    06/27/2011 | 10:56 PM
    si heart naman kasi tinanong daw si marian kung bakit laylay na ang balat nito tsaka visible daw ang wrinkles kaya todo make-up si marian. ayon nagalit si marian, wala daw paki si heart sa paglaylay ng kanyang balat!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2629  pakiss_muna

    06/27/2011 | 10:42 PM
    my heart pala na taga showbiz?no heard sorry to say this hahaha ang nakilala ko lang si MARIAN wahahah kc tumatatak mga projects nya SORRY SA FANS hi heart no heard di ko alam na may artista palang heart ngayon ko lang narinig name nya nung nagka intriga na sila ni marian aba sumikat si heart ha nung nakasama si marian sumikat sa isyu!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2628  Aresha

    06/27/2011 | 10:34 PM
    Sana nag watch kayo ng show sa Viva Channel Kanina, hosted by Jun Lalin, Say Alonzo at Beki Mon, tawanan kami lahat dahil binulgar yung tungkol sa Panday na movie and Amaya ni Marian. Basta sobrang kakatawa..... akala ko nga hit hahaha..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2627  my_sayad

    06/27/2011 | 10:32 PM
    Notice ko lang na ang acting ni heart walang sustance. Plus yong pa innocent look nya might be hiding some wily mean streak and it shows na you cannot fully trust heart -- akala nyo ok kayo at frends kayo yon pala hindi.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2626  my_sayad

    06/27/2011 | 10:27 PM
    Ibo boycot ko anumang shows na andun si heart except kung andun si marian kasi i am supporting marian boycotting heart but not mutually exclusive
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2625  leryfabmar

    06/27/2011 | 10:25 PM
    hay GANDA NG AMAYA DAY sarap balikbalikan bukas uli
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2624  calisa20

    06/27/2011 | 10:15 PM
    Bakit kaya hindi ang idolo ang pagsuotin ninyo ng costume ni Amaya? Ng magkabilangan na ng bilbil. Baka kahit anong kapal ng peluka ang ilagay lalabas at lalabas ang dibdib.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2623  calisa20

    06/27/2011 | 10:14 PM
    I can tell these haters are really watching Amaya. Good for you.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2622  calisa20

    06/27/2011 | 10:12 PM
    Masydo ninyog pinepersonal na si Brilliantstar. Who cares if she married an old man. Nothing wrong with that. How about Heart Evangelista. She dated an older man too and went on vacation with him. Bakit hindi ninto criticized si Heart kasi you are in this article coz u hate MR. Wala na kayong maibato kaya iyong fan naman ang pinag-initan ninyo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2621  marikinaRiver

    06/27/2011 | 09:53 PM
    puffin - baka yung worked her way on top, yung ano yun. basta ganun. itanong mo nlang sa staff kasi alam nila yun at basta alam ng matandang foreigner nya na maganda yun. lmao.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2620  under_rated

    06/27/2011 | 09:38 PM
    Go Amaya !!!! walang katulad.. Balita ko may bagong show sa kabila... mga Biki daw ang gaganap... waaaaaaaa! marami talaga sa kanila na Biki, overflowing ika nga... LOL
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2619  marikinaRiver

    06/27/2011 | 09:28 PM
    sana i pony tail ni amaya yung hair nya noh?hahahahahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About