Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na si Marian Rivera sa pinag-uusapang away diumano nila ni Heart Evangelista.
Kaninang tanghali, June 23, ay ginanap ang grand presscon para sa pelikulang Temptation Island ng Regal Entertainment at GMA Films sa mezzanine ng Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City.
Kasama sa cast sina Marian at Heart, pero wala ang huli sa presscon dahil kasalukuyan itong nagbabakasyon sa Brazil, kasama ang boyfriend na si Daniel Matsunaga.
Kaya ang kasamang humarap ni Marian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press ay sina Rufa Mae Quinto, Lovi Poe, Solenn Heussaff, Tom Rodriguez, Mikael Daez, at John "Sweet" Lapus.
Wala rin si Aljur Abrenica na nasa Singapore naman daw ngayon.
"NAGULAT AKO." Noong una ay iniwasan ng cast na mapag-usapan ang tungkol sa nangyaring insidente diumano sa airport, kung saan kinumpronta raw ng ina ni Heart na si Mrs. Cecile Ongpauco si Marian. (CLICK HERE to read related story.).
Pero hindi na rin naiwasang sagutin ni Marian ang isyu nang tanungin siya ng PEP contributor na si Gorgy Rula, na sinundan pa ng ibang mga tanong mula sa entertainment press.
Isa pa, konektado naman ito sa Temptation Island dahil galing sa shooting ang buong cast nang mangyari ang insidente.
Bago sabihin ang kanyang panig tungkol sa isyu ay humingi muna ng dispensa si Marian sa producers ng Temptation Island at sa mga kasamahan niyang artista.
"Alam n'yo, sa totoo lang din, ayokong mapag-usapan 'to dito dahil bilang respeto sana kila Mother [Lily Monteverde], sa GMA, dahil ang ano kasi... Di ba, kapag pelikula, dapat puro positive ang pinag-uusapan?
"Pero hihingi din talaga ako ng dispensa na may mga ganitong issues, di ba? Pasensiya na.
"Pero bilang naungkat na 'yan, ang pagkakaalam ko kasi, at hindi lang din naman ako—lahat ng cast, staff and crew, pati yung direktor—maayos kaming lahat.
"Sobrang nag-usap kami, naging okay kaming lahat... Sorry, ida-drop ko yung name ni Lovi, pero nandun siya.
"Nag-usap kami, wala naman kaming pinag-awayan. Wala talaga.
"And hindi kami nag-away, walang anything na nangyari.




CALLED OUT
ALL COMMENTS
2498 global2010
2497 dakilangina
2496 megan_efoxy
2495 calisa20
2494 Ayayay124
2493 sylvester
2492 tutoo_lang
2491 flourpower
2490 maserati222
2489 yunikrose
2488 ehemm
2487 jason_bourne
2486 Puffin_12
2485 lady_fox
2484 ehemm
2483 BETCHA68
2482 rhapsody123
2481 missmalditah08
2480 brilliantstar
2479 brilliantstar
more comments