news

Marian Rivera breaks her silence about rumored rift with Heart Evangelista: "Akala ko maayos kami, yun pala, para sa kanya hindi."

by Erwin Santiago posted on June 23, 2011  STATS: 639111 Views | 3258 Comments

 

"Kaibigan mo, nagsusumbong sa 'yo, ipinagtatanggol mo, alam mo yung gano'n? Tapos biglang gaganituhin ka na hindi mo alam kung anong dahilan na gusto niyang gawin sa akin... Parang ang hirap lang tanggapin na isa ako sa mga nagtatanggol sa kanya..." says Marian Rivera about her feelings towards Heart Evangelista.

Photo By: Noel Orsal

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na si Marian Rivera sa pinag-uusapang away diumano nila ni Heart Evangelista.

Kaninang tanghali, June 23, ay ginanap ang grand presscon para sa pelikulang Temptation Island ng Regal Entertainment at GMA Films sa mezzanine ng Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City.

Kasama sa cast sina Marian at Heart, pero wala ang huli sa presscon dahil kasalukuyan itong nagbabakasyon sa Brazil, kasama ang boyfriend na si Daniel Matsunaga.

Kaya ang kasamang humarap ni Marian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press ay sina Rufa Mae Quinto, Lovi Poe, Solenn Heussaff, Tom Rodriguez, Mikael Daez, at John "Sweet" Lapus.

Wala rin si Aljur Abrenica na nasa Singapore naman daw ngayon.

"NAGULAT AKO." Noong una ay iniwasan ng cast na mapag-usapan ang tungkol sa nangyaring insidente diumano sa airport, kung saan kinumpronta raw ng ina ni Heart na si Mrs. Cecile Ongpauco si Marian. (CLICK HERE to read related story.).

Pero hindi na rin naiwasang sagutin ni Marian ang isyu nang tanungin siya ng PEP contributor na si Gorgy Rula, na sinundan pa ng ibang mga tanong mula sa entertainment press.

Isa pa, konektado naman ito sa Temptation Island dahil galing sa shooting ang buong cast nang mangyari ang insidente.

Bago sabihin ang kanyang panig tungkol sa isyu ay humingi muna ng dispensa si Marian sa producers ng Temptation Island at sa mga kasamahan niyang artista.

"Alam n'yo, sa totoo lang din, ayokong mapag-usapan 'to dito dahil bilang respeto sana kila Mother [Lily Monteverde], sa GMA, dahil ang ano kasi... Di ba, kapag pelikula, dapat puro positive ang pinag-uusapan?

"Pero hihingi din talaga ako ng dispensa na may mga ganitong issues, di ba? Pasensiya na.

"Pero bilang naungkat na 'yan, ang pagkakaalam ko kasi, at hindi lang din naman ako—lahat ng cast, staff and crew, pati yung direktor—maayos kaming lahat.

"Sobrang nag-usap kami, naging okay kaming lahat... Sorry, ida-drop ko yung name ni Lovi, pero nandun siya.

"Nag-usap kami, wala naman kaming pinag-awayan. Wala talaga.

"And hindi kami nag-away, walang anything na nangyari.

1  2  3  4  5  6  7  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

3258 Comments

  • 2258  freckles0911

    06/26/2011 | 09:50 AM
    Si HE walang kapasidad mag isip ng gustong sabihin kaya nga panay lang download ng english quotations sa mga website e.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2257  malaya2007

    06/26/2011 | 09:31 AM
    sa dami ng nakaalitan ni marian ngayon lang sya nagpainterview ng ganito dati mas malala pa ang batikos sa kanya tahimik lang sya.. Akala ko ba ok na sila sabi pa ni Mother naayos na daw tapos lumipad yung isa, umiyak naman yung isa sa press. Mas ok sana kung ginawa ito ni marian andito si heart, madali talaga manalo sa away na malayo ang kaaway mo.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2256  artwork

    06/26/2011 | 09:00 AM
    Kahit matapang at mangaaway si AR, at least, di tulad ng nanay ni Heart na kailangan pang magdala ng pulis para awayin ang asawa ni Gary V sa bday ni Ogie. May breeding din siya ah
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2255  mikkie

    06/26/2011 | 08:07 AM
    I rarely post comments on Pep, but when people assert that intelligence equals ability to speak English. I won't let it pass. Mag english english nga pero puro naman you know, and stuff like that... hehehe di bale na lang. hehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2254  brattinela

    06/26/2011 | 06:37 AM
    go marian mas maraming sumusuporta sa iyo mas maganda ka at hottest ka sa kanila inggit lang mga ayaw sa iyo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2253  matchmadeinheaven

    06/26/2011 | 06:30 AM
    I've read sa article ni Alfie lorenzo that Mother Lily apologized to Anabelle Rama because she did not listen to AR when she signed HE as a regal baby...Mother Lily told AR na..."Sorry ha, tama ka pala"...does that say anything about HE?...think that the statement of Mother Lily said it all...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2252  ding12

    06/26/2011 | 06:07 AM
    i hate heartless khit si mother lily ayawna saknya.ndi ngasya tumulong para ipromote ang TI d movie..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2251  kapuso_breed

    06/26/2011 | 06:02 AM
    Ha ha right, Rixhart! kakapiranggot na nga lang ang career ni Heart nilugmok pa ng kanyang ina. Poor Heart! Ilan na kayang empleyado ng mga Ongpauco ang pinapulis na? Mukhang malakas sa kapulisan itong nanay na palengkera ni HEART.Dapat imbestigahan ang mga Ongpauco.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2250  momo27

    06/26/2011 | 05:49 AM
    magandang umaga sa inyo mga pepster!papasok na me sa work pakitingnan naman mamaya ang sc kung anong sasabihin ng maarteng c pchi mga 7pa ang uwi me bye 4 now muna!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2249  pretty_pharma2

    06/26/2011 | 05:47 AM
    Wala ng career si Heart pagdating nya dito sa pinas. Ang sarili nyang ina ang humila sa kanya pababa. Gutierrez family must be laughing out loud at her right now. Her true colors revealed.....truly heartless!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2248  pretty_pharma2

    06/26/2011 | 05:36 AM
    Labskie Sa nangyaring insidente sa airport, cno ang umastang palengkera at walang breeding? Si Heart matalino? Basahin mo nga ang page nya sa twitter mali-mali ang english.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2247  pretty_pharma2

    06/26/2011 | 05:31 AM
    Obvious na fans ng isang babaeng maitim ang karamihan sa tumitira kay MR dito Al
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2246  calisa20

    06/26/2011 | 05:21 AM
    Peruvian pala iyang ina ni Heart. Bakit siya nagreyna reynahan sa Pinas. Bakit ba laging sinasabing mayaman iyang si heart kung hindi na kayang magpasuweldo ng empleyado. Kaya pala nagsusumiksik sa showbiz ha haha mayaman pala
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2245  brilliantstar

    06/26/2011 | 04:57 AM
    UNDER A CHARMED STAR - There was once a beautiful star up in the skies that broke into two one day --- and became your eyes --- I have been stargazing eversince. Bet you know this star am talking about. No one else but MARIAN. Talk about being STARSTRUCK. Mea culpa! Mea culpa!! Mea maxima culpa!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2244  myopinion26

    06/26/2011 | 04:42 AM
    Lessons learned 1.Marian needs to be careful in choosing her friends. Keep few but true friends. 2.Both parties need to stop if not they then should their own stories in detail and let the people judge. With all of what happened, I'm just wondering on -maybe I'm not aware of 1.Any comments from Marian's manager? 2.Any plans from GMA management on this?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2243  calisa20

    06/26/2011 | 04:36 AM
    Talaga bang mayaman sina Heart? Kasi ang ibang Pilipino pag nagkaroon ng last name na Zobel iisipin mayaman agad. Gaya ng Ongpauco talaga bang mayaman si Heart? O assuming lang sila? kasi parang gahaman sa pera ang ina ni Heart
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2242  iloveangel

    06/26/2011 | 04:29 AM
    sino nmn kaya ang susunod na aawayin ni marian?pagkatapos agawin ang bf lumipat si karylle sa 2,bella padilla pagkatapos pagselosan siya pa ang may kasalanan..eto nmn si heart ayaw paapi ngsumbong sa nanay..kinamumuhian nmn si HE ngayon ng lahat ng marian fans..malamang si marian na lang ang matira sa GMA..kinakampihan kasi ng network kahit na gumawa ng mali!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2241  iloveangel

    06/26/2011 | 04:17 AM
    ang baho talaga ng ugali ni marian... kung kelan wala si heart duon nagsalita! poor marian..daming kaaway kasi natural na panget ang ugali!..kahit anong tago ng GMA-7 sa ugali ng babaeng ito ay lalabas pa rin ang masangsang na ugali nito...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2240  fujiko777

    06/26/2011 | 04:06 AM
    kung may mali si Marian, would she dare tell the press to ask the cast and crew of TI?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 2239  umaga

    06/26/2011 | 03:51 AM
    talaga naman!...si marian lang nakita kong artistang magandang umiyak..mayroon pa bang iba?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About