news

Marian Rivera breaks her silence about rumored rift with Heart Evangelista: "Akala ko maayos kami, yun pala, para sa kanya hindi."

by Erwin Santiago posted on June 23, 2011  STATS: 639119 Views | 3258 Comments

 

"Kaibigan mo, nagsusumbong sa 'yo, ipinagtatanggol mo, alam mo yung gano'n? Tapos biglang gaganituhin ka na hindi mo alam kung anong dahilan na gusto niyang gawin sa akin... Parang ang hirap lang tanggapin na isa ako sa mga nagtatanggol sa kanya..." says Marian Rivera about her feelings towards Heart Evangelista.

Photo By: Noel Orsal

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na si Marian Rivera sa pinag-uusapang away diumano nila ni Heart Evangelista.

Kaninang tanghali, June 23, ay ginanap ang grand presscon para sa pelikulang Temptation Island ng Regal Entertainment at GMA Films sa mezzanine ng Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City.

Kasama sa cast sina Marian at Heart, pero wala ang huli sa presscon dahil kasalukuyan itong nagbabakasyon sa Brazil, kasama ang boyfriend na si Daniel Matsunaga.

Kaya ang kasamang humarap ni Marian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press ay sina Rufa Mae Quinto, Lovi Poe, Solenn Heussaff, Tom Rodriguez, Mikael Daez, at John "Sweet" Lapus.

Wala rin si Aljur Abrenica na nasa Singapore naman daw ngayon.

"NAGULAT AKO." Noong una ay iniwasan ng cast na mapag-usapan ang tungkol sa nangyaring insidente diumano sa airport, kung saan kinumpronta raw ng ina ni Heart na si Mrs. Cecile Ongpauco si Marian. (CLICK HERE to read related story.).

Pero hindi na rin naiwasang sagutin ni Marian ang isyu nang tanungin siya ng PEP contributor na si Gorgy Rula, na sinundan pa ng ibang mga tanong mula sa entertainment press.

Isa pa, konektado naman ito sa Temptation Island dahil galing sa shooting ang buong cast nang mangyari ang insidente.

Bago sabihin ang kanyang panig tungkol sa isyu ay humingi muna ng dispensa si Marian sa producers ng Temptation Island at sa mga kasamahan niyang artista.

"Alam n'yo, sa totoo lang din, ayokong mapag-usapan 'to dito dahil bilang respeto sana kila Mother [Lily Monteverde], sa GMA, dahil ang ano kasi... Di ba, kapag pelikula, dapat puro positive ang pinag-uusapan?

"Pero hihingi din talaga ako ng dispensa na may mga ganitong issues, di ba? Pasensiya na.

"Pero bilang naungkat na 'yan, ang pagkakaalam ko kasi, at hindi lang din naman ako—lahat ng cast, staff and crew, pati yung direktor—maayos kaming lahat.

"Sobrang nag-usap kami, naging okay kaming lahat... Sorry, ida-drop ko yung name ni Lovi, pero nandun siya.

"Nag-usap kami, wala naman kaming pinag-awayan. Wala talaga.

"And hindi kami nag-away, walang anything na nangyari.

1  2  3  4  5  6  7  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

3258 Comments

  • 1918  xenaako

    06/25/2011 | 04:59 PM
    continue... contribution ni Marian Rivera sa GMA 7. Correct me if im wrong pro sa lahat ng issue ky Marian, never ko pang narining o nabasa na prinotektahan nila si Marian.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1917  xenaako

    06/25/2011 | 04:57 PM
    1905 luvpinas4ever June 25, 2011 16:38 PM xenaako- i think it's not hard for GMA to resolve this. they just have to look back what Marian did and still doing for the network since MARIMAR. ratings,figures and advertisers proved who is who.i have nothing against Heart but she should be mature enough to face the challenges of life in showbiz without her mom acting as if she is superior than anyone else.Popoy do something to protect your talent.i remember when Dennis had this issue with Jennilyn to the rescue sya right away by answering Becky Jen's manager. ------------------------------------------------------ Yes ofcourse they can settle things out but it will be behind the cameras since both of them Marian and Heart are so called Big stars ng GMA. And yes agree ako sayo, I think Heart should be more mature especially with her work and yes ulit, dapat Popoy should do something to protect her alaga naman and so to GMA 7. Wag din nman sana nilang kalimutan kng ano ang contribution ni Marian Rivera s
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1916  brilliantstar

    06/25/2011 | 04:57 PM
    Puffin - Great suggestion. Most of my family and extended family are living outside Pinas already. Nakakatakot nga lang pag pinadalhan ko ng png movies yung mga relatives next nyang hihingin is baka tuition na. LOL. If it is meant to click - it will clique. If not it is because of jinx Heart - hahaha. Joke yan ha. Bawal ang pikon!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1915  wh3ng

    06/25/2011 | 04:56 PM
    Heart magsaya kana sa Brazil dahil pag uwi mo balik ka na naman sa pagka laos mo. paano nyan sino pa ang magiging leading man mo e inaayawan kana. hindi kana pwedeng i-partner kay Richard G. dahil di papayag si Anabelle Rama. di kana rin pwede kay Dennis Trillo dahil di papayag si manager Popoy, at kay Dingdong na nanggaling mismo sa kanya na di daw sya tatanggap ng offer kung ikaw ang magiging kapartner nia...OUCH! super OUCH! yun hahaha si Mark Herras kaya e super lubog na ang career non, si Aljur Abrenica e naka focus kay Kylie Padilla. Si Pekto na lang ang leading man mo at pag nagrate don mo ipagmalaki na ikaw ang nagdadala ng show hahaha... nag uumpisa na ang karma niong mag ina. Si Anabelle lang ang gumising ng natutulog mong career, at si Anabelle lang ang nakapagbigay sa iyo ng Milyong-Milyon na talent fee tapos ganon pa ang ginawa nio ng nanay mo sa kanya. Heart is not a good person, kase hindi balanse ang swerte sa kanya, swerte sya sa lovelife poor naman sya sa career, not like marian swerte na sa
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1914  veejhay_999

    06/25/2011 | 04:53 PM
    another blessing for marian
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1913  Jockinthepan

    06/25/2011 | 04:52 PM
    Dont worry Marian lagi namin pinapanuod ang AMAYA isa kang uripon kaya ganyan kana lang hamakin nag mag ina. Panahon na para tawagin mo ang kambal ahas mo. HSSSSSSSS.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1912  fujiko777

    06/25/2011 | 04:50 PM
    isa pa, anung minamaganda ni hearte?? eh bilasa na ang career nya nung pinulot sya ni anabil from ABS, para syang basang sisiw nung umapak sya sa GMA! ay aba! nung umusad na ang career.. mega dump na si anabil kaya masama loob ng mga Gutirrez sa kanila..tapos ngayon nag mamaganda sya? ha!!! may tension sa set??? vakkeetttt??? kasi importante sya??? pwe!! ewan ko nga kung iniisip ba nya na nagbibilang din ang mga pilipino nakakailang lalake na sya? wonder anu na lang tingin sa kanya ng mga ex nya..like "oh.. nagamit ko na yan..ikaw naman Daniel ha" hehehehehe
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1911  mariantwinsister

    06/25/2011 | 04:48 PM
    If you study the statements ng mga cast and crew na nagsalita, they are all consistent in saying na walang nangyaring conflict that is big enough to catch their attention. Meron man gusot, it was just maybe between HEart and Marian, at na-settle na dun pa lang sa Ilocos. So as far as Marian is concerned tapos na, bati na sila. Ang kaso, Heart didn't keep her word, so sya itong parang nag-traydor sa kaibigan nya. Nakakatakot ang mga taong kagaya ni Heart, na pag nakaharap ka, okay na, walang sama ng loob, pero titirahin ka patalikod.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1910  fujiko777

    06/25/2011 | 04:46 PM
    brilliant star 1865, correct ka jan! ang mga kapulisan at security ng airport eh binabayaran ng mamamayang pilipino di para magpa picture or i-accomodate ang mayayamang tao katulad ng pamilya ni hearte. kakahiya talaga tayo, promise!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1909  mariantwinsister

    06/25/2011 | 04:44 PM
    I used to like HEart, and up to the last moment I didnt want to judge her. It took more than a week pa after nag-break out yung news na to, bago ako nagkaroon ng opinion based on facts. What is consistent sa lahat ng crew and cast na nagsalit, walang malaking away na nangyari -- big enough to catch their attention - wala! Even the producers say, nagkaroon ng tension, but it was immediately settled, meaning tapos na dun pa lang sa Ilocos. Kung me naging kasalanan man si MArian, if she did something to offend HEart, na-settle na yun supposedly. Kaso kay Heart pala, hindi pa tapos. So si HEART na ang ME PROBLEMA, at hindi na si Marian.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1908  Puffin_12

    06/25/2011 | 04:43 PM
    Brilliantstar, during Super Inday days, yung mga fans ni Marian from the US, nagpadala ng dollars sa pamilya nila sa Pinas para lang panoorin nila yung movie..Ikaw din, to support your idol baka feel mo magpadala ng Euro.Join forces na lang kayong dollar, Euro, Pounds etc. to help Marian. Who knows, maging blockbuster itong TI, o di ba?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1907  momo27

    06/25/2011 | 04:43 PM
    pag dumating ang anak ni tsupangko cla at hindi ikaw ang prinotektahan ng gma layasan mo hindi nagawa kai AL ang sundan sya ikaw kahit saan ka pa makarating marami kaming sususnod syo dahil mahal ka namin
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1906  brilliantstar

    06/25/2011 | 04:42 PM
    Heart learn to solve your problems without involving your Mom. Grow up. If you die God will not ask how many languages you speak. How many boyfriends you have. How much money you have in the bank. God will ask you how many people youve helped. God will judge you by the pureness of your heart.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1905  luvpinas4ever

    06/25/2011 | 04:38 PM
    xenaako- i think it's not hard for GMA to resolve this. they just have to look back what Marian did and still doing for the network since MARIMAR. ratings,figures and advertisers proved who is who.i have nothing against Heart but she should be mature enough to face the challenges of life in showbiz without her mom acting as if she is superior than anyone else.Popoy do something to protect your talent.i remember when Dennis had this issue with Jennilyn to the rescue sya right away by answering Becky Jen's manager.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1904  brilliantstar

    06/25/2011 | 04:37 PM
    One good fact we can deduce from this episode is that the Ongpauco family unraveled their true colors. If they did this to Marian who is a hot star of GMA they could be doing this long time ago to small people. Now the public knows how this family works. People of the Philippines wake up. We cannot tolerate this corruption anymore. Our Police should work for everyone fair and square not only for the rich. Our police should not meddle with petty affaris. PNP magtrabaho naman kayo ng maayos. Nakakahiya kayo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1903  xenaako

    06/25/2011 | 04:33 PM
    Heart should have the decency to apologize to Marian IF my mali talaga silang nagawa sa tao. Kahit hindi na lng e-publicize dba? Nakakaawa talaga c Marian, siya na lang palagi ang ginagawang mali sa lahat ng issueng kinasasangkutan nya without knowing the facts.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1902  7heaven

    06/25/2011 | 04:32 PM
    Sila ung mga negang haters na nagpopost dito ng mga kapaitan nila sa buhay. He he he he he!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1901  7heaven

    06/25/2011 | 04:30 PM
    Nakalimutan ko nga pala si Dyogie Tipyas. Na isa ring Marian hater.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1900  saudipinoytv

    06/25/2011 | 04:26 PM
    At tama LNG n Hindi Nya pinatulan Ang hypocrite n nanay ni heart... Respeto sa matatanda...laming sampal din yin sa mg ina.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1899  saudipinoytv

    06/25/2011 | 04:19 PM
    I used to read all articles about Marian here in pep. Pero Msyadong Ng tinatapakan Ang pagkatao nh idol ko. Grabe n ha. Others says Hindi daw sya marunong mag English? And who cares? Basta Alam ko Hindi yan batayan para Hindi ka successful sa chosen career n gusto mo. I used to like heart, but now? Gosh..... So disappointed about what they did to Marian. Paranoid ang Lola mo, at ngsumbong pa ha? Yan Ang nangyayari sa bratinella n Katulad ni heart. She can't stand alone to fix her own problems, kailangan to the rescue Ang mother earth Nya..sigh... My advice to my idol Amaya., trust those friends whom u mingle with, yung totoo sa sarili at Walang kplastikan, and insecurities. Well sa bagay, nkakainggit nmn Tlaga ikaw Amaya, nsa iyo n lahat. More power n LNG.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About