news

Marian Rivera breaks her silence about rumored rift with Heart Evangelista: "Akala ko maayos kami, yun pala, para sa kanya hindi."

by Erwin Santiago posted on June 23, 2011  STATS: 639059 Views | 3258 Comments

 

"Kaibigan mo, nagsusumbong sa 'yo, ipinagtatanggol mo, alam mo yung gano'n? Tapos biglang gaganituhin ka na hindi mo alam kung anong dahilan na gusto niyang gawin sa akin... Parang ang hirap lang tanggapin na isa ako sa mga nagtatanggol sa kanya..." says Marian Rivera about her feelings towards Heart Evangelista.

Photo By: Noel Orsal

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na si Marian Rivera sa pinag-uusapang away diumano nila ni Heart Evangelista.

Kaninang tanghali, June 23, ay ginanap ang grand presscon para sa pelikulang Temptation Island ng Regal Entertainment at GMA Films sa mezzanine ng Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City.

Kasama sa cast sina Marian at Heart, pero wala ang huli sa presscon dahil kasalukuyan itong nagbabakasyon sa Brazil, kasama ang boyfriend na si Daniel Matsunaga.

Kaya ang kasamang humarap ni Marian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press ay sina Rufa Mae Quinto, Lovi Poe, Solenn Heussaff, Tom Rodriguez, Mikael Daez, at John "Sweet" Lapus.

Wala rin si Aljur Abrenica na nasa Singapore naman daw ngayon.

"NAGULAT AKO." Noong una ay iniwasan ng cast na mapag-usapan ang tungkol sa nangyaring insidente diumano sa airport, kung saan kinumpronta raw ng ina ni Heart na si Mrs. Cecile Ongpauco si Marian. (CLICK HERE to read related story.).

Pero hindi na rin naiwasang sagutin ni Marian ang isyu nang tanungin siya ng PEP contributor na si Gorgy Rula, na sinundan pa ng ibang mga tanong mula sa entertainment press.

Isa pa, konektado naman ito sa Temptation Island dahil galing sa shooting ang buong cast nang mangyari ang insidente.

Bago sabihin ang kanyang panig tungkol sa isyu ay humingi muna ng dispensa si Marian sa producers ng Temptation Island at sa mga kasamahan niyang artista.

"Alam n'yo, sa totoo lang din, ayokong mapag-usapan 'to dito dahil bilang respeto sana kila Mother [Lily Monteverde], sa GMA, dahil ang ano kasi... Di ba, kapag pelikula, dapat puro positive ang pinag-uusapan?

"Pero hihingi din talaga ako ng dispensa na may mga ganitong issues, di ba? Pasensiya na.

"Pero bilang naungkat na 'yan, ang pagkakaalam ko kasi, at hindi lang din naman ako—lahat ng cast, staff and crew, pati yung direktor—maayos kaming lahat.

"Sobrang nag-usap kami, naging okay kaming lahat... Sorry, ida-drop ko yung name ni Lovi, pero nandun siya.

"Nag-usap kami, wala naman kaming pinag-awayan. Wala talaga.

"And hindi kami nag-away, walang anything na nangyari.

1  2  3  4  5  6  7  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

3258 Comments

  • 1718  maricelfromla

    06/25/2011 | 09:15 AM
    HAYYY NAKU DAMING COMMENTS DITO,, IBA TALAGA PAG SI BINUKOT AMAYA ANG ISYU,,DAMING SUMASALI,,,DAMI KASING FANS,,,UMEKSENA KASI YUNG ILOY NI HEART AYAN TULOY ME ISYU,,MERON TULOY PINAGUUSAPAN,,NAPAG HAHALATA TULOY NGAYONG KUNG SINO ANG SIKAT NA SIKAT,, HAY NAKU SI YAN-YAN TALAGA ALL OVER THE WORLD ANG FANS,,KAYA MARAMING MGA JINJETERA,,SORRY NA LANG KAYO,,WE LOVE MARIAN..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1717  arkadian

    06/25/2011 | 09:14 AM
    MARIAN IS ONLY A TV STAR PERO KUNG TINGALAIN NA NG GMA E AKALA MO BIG STAR NA. WALANG BOX OFFICE TITLE KASI FLOP ANG MGA MOVIES,KULELAT PA NGA SA MMFF YUNG HULI NYA. WALA RIN SYA NI ISANG ACTING AWARD E. TAPOS NGAYON KINUKUMPARA NA KE JUDAY, HELLOOOWW..MAHIRAP ANG HINOG SA PILIT LALO NA KUNG ANG BASEHAN LANG AY ANG PROPAGANDA NG ISANG TV NETWORK
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1716  Einstein_1

    06/25/2011 | 09:04 AM
    Gusto ko c marian, gus2 ko rin c heart, kaya lang nakakainis nanay ni heart. c marian, pag iniinterview, kahit d xa mag inges gaya ni jericho at heart mas my sense xa..hindi gaya ng ibang pilipino na nanlalait k marian, pag nabasa mo naman mga comments nila pag nag iingles panay wrong grammar. haha!! wag ng t.h ang iba d2 kc hindi nU matatalo c marian, sa yaman at sa ganda at sa pagkasikat niya at magaling naman xa mag spanish. kita naman sa features niya, mas my class na lang xa at mas my dating kesa sa mga umaalipusta sa kanya no! haha!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1715  Weslia

    06/25/2011 | 09:00 AM
    ibig sabihin may katotohanan ang sinabi ni anabelle rama sa tunay na ugali ng mag-ina ung anak plastikada ung ina matapobre at mukhang pera kaya pala sinunog este nasunugan ganun ba un?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1714  TheRealKhikkai

    06/25/2011 | 08:59 AM
    trip14, ako na ngsasabi sa iyo, basura ang writer na nabasa mo ok! its the other way around, darling! if u are a big fan of marian, alam mo ang totoo na si marian ang palaging nagagamit at nabibiktima!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1713  TheRealKhikkai

    06/25/2011 | 08:57 AM
    ang ganda ng AMAYA!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1712  ganda

    06/25/2011 | 08:43 AM
    Barrio Fiesta pala ang resto nila? Meron pa pala nun? Sa Kamayan kasi kami kumakain pag nagbabalik bayan, bagoon lang na Barrio Fiesta ang alam ko, hindi na din ako bibili ng bagoong nila
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1711  comentarista

    06/25/2011 | 08:42 AM
    no matter what side are you on, you still have to look on what had happened, or did it really happen? the remarks of saying its just a gimik and for the expense of other person is too shallow
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1710  trip14

    06/25/2011 | 08:33 AM
    Kakabasa ko lang sa isang online newspaper, isa itong pure publicity para sa TI. At binanggit talaga na 'gimikera tlg si Marian. I dunno kung totoo, pero sa history nia, mahilig talaga gumawang gimik kampo ni MR at expense of other person lalo na pag may ganitong bagong project xia. As for me, Team Heart ako..Mas reliable xia eh.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1709  EmilyB19

    06/25/2011 | 08:17 AM
    Si Heart super trying hard mag-English, it's laughable! Did you read her tweet with something like 'I may not be on the same page as my mom 90 percent of the time...'? 90 percent of the time??? Haha! Kelan pa ginamit yung '90 percent of the time' in such a comparative context? It's always '100 percent of the time'! Haha! Bobita, so trying hard! Classic Paris Hilton of the Philippines! I wonder what the likes of intelligent and genuinely Ingliserang Kris Aquino, KC Concepcion and Bianca King would say about that? They must be snickering to death in amusement! Get real, Heart!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1708  angelnyt

    06/25/2011 | 08:17 AM
    Pareho kung hindi gusto itong dalawang ito. Si Marian akala mo kung sino, akala mo magaling umarte and of course kung umarte akala mo edukada. Si Heart naman mayabang especially ang nanay. Akala mo ang anak eh mala princesa na kelangan tratuhin syang parang princesa. Sus, iba talaga ang may pera, nagiging matapobre. Sa kwentong ito obvious na si Heart at nanay ang may problema. Heart, matakot ka ineng. Hindi ka lagi na sa itaas. Matakot ka sa karma. Makakarma ka dahil sa nanay mong matapobre. And wag mo na nga ipagtanngol yang nanay mo. Oo nga nanay mo sya pero hindi dahil nanay mo sya ipagtatangol mo sya kahit mali. Dami talaga matapobre dyan sa Pilipinas. Hindi ko matake, walang equality. Kahit sino pwede magkaroon ng bodyguard kahit napaka chipipay na actress! Hay buti na lang kahit mahirap buhay dito sa america dito ako nakatira. At least patas lahat ng tao.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1707  akinse

    06/25/2011 | 08:15 AM
    ano ba naman 'to puro walang kwenta ang kwento ni marian,,,ni isang issue wala naman syang nilinaw...napag hahalataan tuloy na gumigimik...unfotunately,,this movie will be the biggest flop movie of the year...of course beating her own record for tarotot!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1706  chuvaneska

    06/25/2011 | 07:23 AM
    nakakaloka dito.... DIANA66 bakit kailangan magsalita ng straight engish, if youre not comfortable with it ? magtaka kung nasa america yan at straight tagalog !!!! ikaw ang bombilya..... di ka nagiisip !!! bom-bilya...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1705  ding12

    06/25/2011 | 07:20 AM
    ndi mo tlga kawalan ang isang heartless!!ganda ng Amaya!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1704  chuvaneska

    06/25/2011 | 07:18 AM
    nuibi, hi ikaw naman kung makapagsalita ka parang ang galing mo rin........ kung iisa isahin ko ang mga punto mo, nakakatawa ka kse ikaw ang parang alkansya na sinko ang laman na aalog alog...... ang tao pagmahal mo hindi importante ang laman ng isip, laman ng puso yan at as long youre happy with your partner whatever and whoever she is, it doesnt matter.... kuha mo ? maligo ka na teh, parating na amo mo ! haahahha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1703  ding12

    06/25/2011 | 07:18 AM
    i love marian rivera!!!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1702  nuibi

    06/25/2011 | 07:05 AM
    Pans comments show na si Marian Lang ang pwedengmagalit, Tama man o Mali ang kalaban. Basta ang importante, marami syang comments whatever ang laman. Hahaahha! It shows din na di na importanteng marinig ang other side kasi ok na ang one sided interview. as far as I know, Yan ang attitude ng mga deceived na individual. Mahirap baguhin ang taong nabaliw sa showbiz tsismis! Sabi nga never matalino ang isang Tao Kung ang tanging alam na pagusapan e tungkol sa bang Tao din. Kaya yung Nagyayabang Jan na matalino, wag ng patulan dahil walang laman yan. Maingay e. Parang alkansyang piso ang laman at alog ng alog. Hahahah! Anyway, Sana may explanation bat ganyan sumagot si Marian. Sabi ng isang commenter para syang si Angelika jones magsalita. Hahahha! I tend to agree! Hiyang hiya na nmn to si dingdong, di dahil sa intriga kundi sa public speaking ability ng gf Nya!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1701  jhelmmy

    06/25/2011 | 06:58 AM
    walang kwentang balita. mas maraming problema ang Pilipinas susme!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1700  EmilyB19

    06/25/2011 | 06:49 AM
    Heart should have postponed the Brazil trip kahit man lang for a week or two. She has to help promote the movie. Parang hindi professional. Besides, mahiya naman sya sa producers. Parang wala syang malasakit at pakialam sa movie nya. Makes people also think she chickened out of facing the Marian issue. Di bale, hintayin na lang natin ang trying-hard-English nyang explanation pagdating nya, hehe. Surely nagpaplano na yon ng defense nya. Sigurado maglalamig career non pagbalik. Tuwa siguro si Anabelle Rama.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1699  Daina66

    06/25/2011 | 06:48 AM
    1685 nothing personal Marian did not defend herself against the Bela issue bec. the allegations against Marian was true. In other words, guilty si Marian. And as to why Marian spoke out at the press conference without Heart, well, we all know that Heart has the tendency to speak straight english. Takot makipag-sabayan si Marian kay Heart.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About