news

Marian Rivera breaks her silence about rumored rift with Heart Evangelista: "Akala ko maayos kami, yun pala, para sa kanya hindi."

by Erwin Santiago posted on June 23, 2011  STATS: 639095 Views | 3258 Comments

 

"Kaibigan mo, nagsusumbong sa 'yo, ipinagtatanggol mo, alam mo yung gano'n? Tapos biglang gaganituhin ka na hindi mo alam kung anong dahilan na gusto niyang gawin sa akin... Parang ang hirap lang tanggapin na isa ako sa mga nagtatanggol sa kanya..." says Marian Rivera about her feelings towards Heart Evangelista.

Photo By: Noel Orsal

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na si Marian Rivera sa pinag-uusapang away diumano nila ni Heart Evangelista.

Kaninang tanghali, June 23, ay ginanap ang grand presscon para sa pelikulang Temptation Island ng Regal Entertainment at GMA Films sa mezzanine ng Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City.

Kasama sa cast sina Marian at Heart, pero wala ang huli sa presscon dahil kasalukuyan itong nagbabakasyon sa Brazil, kasama ang boyfriend na si Daniel Matsunaga.

Kaya ang kasamang humarap ni Marian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press ay sina Rufa Mae Quinto, Lovi Poe, Solenn Heussaff, Tom Rodriguez, Mikael Daez, at John "Sweet" Lapus.

Wala rin si Aljur Abrenica na nasa Singapore naman daw ngayon.

"NAGULAT AKO." Noong una ay iniwasan ng cast na mapag-usapan ang tungkol sa nangyaring insidente diumano sa airport, kung saan kinumpronta raw ng ina ni Heart na si Mrs. Cecile Ongpauco si Marian. (CLICK HERE to read related story.).

Pero hindi na rin naiwasang sagutin ni Marian ang isyu nang tanungin siya ng PEP contributor na si Gorgy Rula, na sinundan pa ng ibang mga tanong mula sa entertainment press.

Isa pa, konektado naman ito sa Temptation Island dahil galing sa shooting ang buong cast nang mangyari ang insidente.

Bago sabihin ang kanyang panig tungkol sa isyu ay humingi muna ng dispensa si Marian sa producers ng Temptation Island at sa mga kasamahan niyang artista.

"Alam n'yo, sa totoo lang din, ayokong mapag-usapan 'to dito dahil bilang respeto sana kila Mother [Lily Monteverde], sa GMA, dahil ang ano kasi... Di ba, kapag pelikula, dapat puro positive ang pinag-uusapan?

"Pero hihingi din talaga ako ng dispensa na may mga ganitong issues, di ba? Pasensiya na.

"Pero bilang naungkat na 'yan, ang pagkakaalam ko kasi, at hindi lang din naman ako—lahat ng cast, staff and crew, pati yung direktor—maayos kaming lahat.

"Sobrang nag-usap kami, naging okay kaming lahat... Sorry, ida-drop ko yung name ni Lovi, pero nandun siya.

"Nag-usap kami, wala naman kaming pinag-awayan. Wala talaga.

"And hindi kami nag-away, walang anything na nangyari.

1  2  3  4  5  6  7  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

3258 Comments

  • 1598  x_impaktita_x

    06/25/2011 | 01:02 AM
    Anong issues with heart and Annabelle??? Tpoas na ang contract nila...at bayad si annabelle dun! Bayad si Annabelle sa mga services nya..hindi yon libre. Eh ayaw na ni heart magpa manage sa kanya....tapos na ang contract?? ano problema dun???? Nung si Miriam ang abogado ni heart eh umatras naman si Annabelle. I hope idedemanda ni heart etong ni marian for bullying ng matauhan. At si Miriam ang attorney.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1597  calisa20

    06/25/2011 | 01:02 AM
    Chit is one of MR's detractors. Hindi plastic si MR nagpapakatotoo lang siya. Bakit naman ako makikipagbeso sa detractors ko di ba kaplastikan iyon
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1596  amayabai

    06/25/2011 | 01:02 AM
    iba talaga pag primetime queen, lahat gustong makisawsaw sa kasikatan. mabuhay ka Marian Rivera! we love u..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1595  calisa20

    06/25/2011 | 12:59 AM
    Takot ang ina ni Heart kay Bisaya. Madaldal si Bisaya kaya tiyak bulgar ang baho nila. Bully di ang ina ni Heart kinakayanan ang kaya niya. Tingin ko ang expectations ni Ongpauco ay lalaban si MR para mapahiya ito at mapintasan. Pero nalimutan niya na may matandang nangangaral kay MR na gumalang sa nakakatanda. So failure iyon sa side ni Mrs Ongpauco sa halip siya ang lumabas na bastos
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1594  amayabai

    06/25/2011 | 12:58 AM
    di ko lubos maisip kung anong karma ang sinasabi ng mga haters. eh si marian lang naman ang humahatak pataas primetime ratings ng GMA7. aminin! karma ba tawag nyan? good karma!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1593  used2b_kapamz

    06/25/2011 | 12:58 AM
    angarteo1234 - DONT TALK ABOUT GOOD ATTITUDE COZ YOU DONT HAVE ONE! Look at urself! Judging someone and calling her so-so names without knowing or meeting her personally. Is that a good attitude? If you want to talk about good attitude you have to be an example of it. Ano ang basehan mo sa cnasabi mong bad attitude ni Marian? Bad publicities? Controversies? You were not even a witness to any of Marian's so-called bad attitude? So who's one-sided now? Did you ever consider Marian side?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1592  eazypinoy

    06/25/2011 | 12:57 AM
    excerpt from people's journal Excuse me, Manay Chit. Plastikada pa rin ‘yang si Marian Rivera at mataray. To show you one instance, ‘yung eksena sa presscon for the Temptation Island the other day sa Imperial Palace. Alam mo ba na nang nag-table hopping siya, namili lang siya ng reporters na binabati at binibeso-beso? Sa table namin, sina Ricky Lo lang at Tito Ronald Constantino ang kanyang nilapitan at bineso-beso. Si Bong de Leon, kung hindi pa siya nilapitan at nagpakuha sila ng photo, hindi pa niya ngingiti-an.‘Yung tatlo pang reporters na nasa table na-min, ni hindi niya tiningnan. Plastikada pa rin siya at masyado nang mataas ang tingin sa sarili. At ‘yung mga sinabi niya sa presscon ay as usual, one of her gimmicks para ma-kakuha ng simpatiya sa press people. Kawawang Heart and her mother, ‘sinaksak sa likod’ ni Marian Plasti-kada! Mas saludo kami kay Lovi Poe. Tama ka sa kanya, Manay Chit, napaka-humble niya at napakabait. Si Marian na Plastikada, forget her! -- Ed
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1591  bessie31

    06/25/2011 | 12:48 AM
    Bakit nung ininsulto no Anabelle Rama si Heart walang sinabi man lang ang Nanay niya to defend her? Parang tally na takot sill Kay AR. Why Marian? To Heart and her mother, please settle your issue first with AR then we will know how principled you are.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1590  calisa20

    06/25/2011 | 12:48 AM
    ha ha Ano ang karma ni MR? iyang away between her and Heart ay normal sa Showbiz. Walang magagaw si MR kung ganoon kabastos ang ina ni Heart. Ano ang karma doon.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1589  gjoel

    06/25/2011 | 12:42 AM
    Marami namang tao ang nandoon, pero siyempre naiintindihan ko naman sila kung wala silang masabi o wala sila talagang nakita. Pero sinigawan ba talaga siya ng mommy ni Heart? Itanong nyo na lang sa mga nakarinig at nakakita. HAHAHA...ANO BA TALAGA TEH?
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1588  calisa20

    06/25/2011 | 12:38 AM
    why don't u just leave MR fans alone. They have their own mind. Walang pakialaman. Kung ayaw mo kay MR respeto iyan ng fans. Pero huwag ka ng manawagan dahil walang makikinig sa iyo
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1587  canyoncreek

    06/25/2011 | 12:37 AM
    ayan tuloy, na KARMA ka na marian..ang bad mo kasi..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1586  calisa20

    06/25/2011 | 12:36 AM
    angarte Kung tingin mo ay binayaran at pinangakuan si Bela e kasalanan niya iyon. Ibig sabihin wala siyang prinsipyo sa buhay at willing to kiss somebody's b-u-t-t. Saka iyang mga isyung iyan hindi iyan napatunayan
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1585  angartemo1234

    06/25/2011 | 12:36 AM
    sa mga fans ni marian! mg isip isip na kayo..puros na lng! kayo nakikipag away dhil jan sa idol nyo.nakikipag patayan sa ibang tao pra protektahan yng idol nyo.c'mon! bagbubulag bulagan kayo sa katutuhanan..tignan nyo track record ng idol nyo palaging my kaaway, eto naman kaayo to da rescue..d ba kayo napapagud makipag away,haha. khit anong gawin nyo kong masama ang ugali ng sang tao d mababago yan. maghanap n lng kayo ibang idol,bka mas maaga pa kyong matigok sa idol nyo kkaproblema.. hayz! wawang fans..palagi n lng nkikipag away dhil sa idol nila. yet my ginawa ba ang idol nyo sa inyo. wala!...
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1584  canyoncreek

    06/25/2011 | 12:34 AM
    KARMA ang tawag dyan marian,mabuti nga't sinigawan klang, eh mas grabeh pa ginawa mo dun k bella, minura mo nah,kinulong mo pah,at bakit ngayon ka lang ngsalita na wla si heart?? ang bad mo tlga..paiyak iyak kpa, ganyan din ginawa mo k karylle noon,paiyak iyak infront d press pra maawa cla sa yo eh ikaw na nga ang nang aagaw ng bf..ang dami mo nang biktima ah,kaya nagdadala ng bodyguard mom ni heart kc bka ikulong mo din c heart..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1583  x_impaktita_x

    06/25/2011 | 12:34 AM
    Power trip talaga yan si marian.meron payang pina alis na cast dati sa Darna dahil hindi nya daw gusto. Kaya kinakarma na yan.One day iiwanan din yan ni Dingdong at tuluyan na yang mabaliw. Sabagay inagaw lang din nya si dingdong di ba... Plano na nila ni popoy na umiyak sya sa presscon ng TI. Planadong planado na nila. Pang best actress kunwari. Ang fans lang naman nya naniniwala. Tsk tsk Tsk.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1582  calisa20

    06/25/2011 | 12:33 AM
    Bakit ba stress na stress kayo kay MR. Hindi naman niya kayo fans. Opinion ninyo iyan at karapatan ninyo na magpost sa forum. Ibig sabihin u r really willing to give your time kay MR. Good. At least haters and fans sa article ni MR ibig sabihin malakas din ang batak ni MR maski sa mga taong ayaw sa kanya
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1581  brilliantstar

    06/25/2011 | 12:33 AM
    Matalino ka Calisa. And meron kang sense of balance.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1580  calisa20

    06/25/2011 | 12:29 AM
    Hhindi mo puwedeng i-compare si MR kay Sharon at Vilma. They are different people. Iba si Petra kay Kurdapya. Huwagn mong hanapin ang ugali ng isang tao sa iba. Kay nga Individual differences. Kanya kanya ng ugali
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 1579  angartemo1234

    06/25/2011 | 12:29 AM
    eto lng payo ko sa gma, kahit anong protekta at pabanguhin ang pangalan ng reyna nyong palengkerang balasubas.lalabas at lalabas pa rin ang totoong ugali nyan. e halos evry yr n lng my kaaway.. hayz naawa ako sa mga taong inaapi netong marian nato,power trip n lng palagi. kasi alam nya palagi syang kinakampihan ng management.kya saksakan ng laki ng ulo. sory i wont buy ung drama epek m! sa track record mo,,d imposibleng wala kng nagawa. hilig ko kyang magpaside comment comment.napaka palengkera mo kaya. dba nga kinorner mo c bela nun! anong gnawa ng managment binyaran si bela,pinangakuan ng teleserye pra d magsalita. so sa mga umiidolo neto cguro saksakan din ng katangahan at kabalasubas ang ugali, hu in da world wont idolize sa gnitong babae.mang-aagaw na ng bf, maldita pa. c'mon wake up!! people..aanhiin mo ang ganda kng tigre naman ang ugali..hirap mga tao sa pilipinas mukha lng tinignan,d ung pag uugali..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About