news

Marian Rivera breaks her silence about rumored rift with Heart Evangelista: "Akala ko maayos kami, yun pala, para sa kanya hindi."

by Erwin Santiago posted on June 23, 2011  STATS: 639301 Views | 3258 Comments

 

"Kaibigan mo, nagsusumbong sa 'yo, ipinagtatanggol mo, alam mo yung gano'n? Tapos biglang gaganituhin ka na hindi mo alam kung anong dahilan na gusto niyang gawin sa akin... Parang ang hirap lang tanggapin na isa ako sa mga nagtatanggol sa kanya..." says Marian Rivera about her feelings towards Heart Evangelista.

Photo By: Noel Orsal

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagsalita na si Marian Rivera sa pinag-uusapang away diumano nila ni Heart Evangelista.

Kaninang tanghali, June 23, ay ginanap ang grand presscon para sa pelikulang Temptation Island ng Regal Entertainment at GMA Films sa mezzanine ng Imperial Palace Suites sa Tomas Morato, Quezon City.

Kasama sa cast sina Marian at Heart, pero wala ang huli sa presscon dahil kasalukuyan itong nagbabakasyon sa Brazil, kasama ang boyfriend na si Daniel Matsunaga.

Kaya ang kasamang humarap ni Marian sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press ay sina Rufa Mae Quinto, Lovi Poe, Solenn Heussaff, Tom Rodriguez, Mikael Daez, at John "Sweet" Lapus.

Wala rin si Aljur Abrenica na nasa Singapore naman daw ngayon.

"NAGULAT AKO." Noong una ay iniwasan ng cast na mapag-usapan ang tungkol sa nangyaring insidente diumano sa airport, kung saan kinumpronta raw ng ina ni Heart na si Mrs. Cecile Ongpauco si Marian. (CLICK HERE to read related story.).

Pero hindi na rin naiwasang sagutin ni Marian ang isyu nang tanungin siya ng PEP contributor na si Gorgy Rula, na sinundan pa ng ibang mga tanong mula sa entertainment press.

Isa pa, konektado naman ito sa Temptation Island dahil galing sa shooting ang buong cast nang mangyari ang insidente.

Bago sabihin ang kanyang panig tungkol sa isyu ay humingi muna ng dispensa si Marian sa producers ng Temptation Island at sa mga kasamahan niyang artista.

"Alam n'yo, sa totoo lang din, ayokong mapag-usapan 'to dito dahil bilang respeto sana kila Mother [Lily Monteverde], sa GMA, dahil ang ano kasi... Di ba, kapag pelikula, dapat puro positive ang pinag-uusapan?

"Pero hihingi din talaga ako ng dispensa na may mga ganitong issues, di ba? Pasensiya na.

"Pero bilang naungkat na 'yan, ang pagkakaalam ko kasi, at hindi lang din naman ako—lahat ng cast, staff and crew, pati yung direktor—maayos kaming lahat.

"Sobrang nag-usap kami, naging okay kaming lahat... Sorry, ida-drop ko yung name ni Lovi, pero nandun siya.

"Nag-usap kami, wala naman kaming pinag-awayan. Wala talaga.

"And hindi kami nag-away, walang anything na nangyari.

1  2  3  4  5  6  7  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

3258 Comments

  • 1318  kapusoakotalaga

    06/24/2011 | 05:13 PM
    pag uwe ni heart dito , hinang hina un,lol...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1317  juanenrico88

    06/24/2011 | 05:12 PM
    parang babalik na ako sa kapamilya station kung andyan pa si heart sa kapuso... pero watch pa rin ako ng marian show... kung sakali mang gawin ko yun...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1316  lema

    06/24/2011 | 05:11 PM
    eto ang kalandian ni heart. ilang years palang ba since nag-break sila ni echo? wala pang 4 years, di ba? ilan na ba naging jowa niya within 1 year of her break-up? 3 ba o 4? ilang beses na rin siyang naki-pag-break at nakipagbalikan sa mga jowa niyang yon? mga 8 din yata in total. tapos every time na break sya sa jowa niya, eto palagi nyang sinasabi sa interviews niya, ' gusto mo muna maging single, gusto ko i-enjoy pagiging single ko' blah! blah! blah! blah! after ONE WEEK, may jowa ulit siya! nagkaka-allergi yata ang PARTE ng katawan niya pag wala syang jowa. hehehe. yan ang ingleserang 'matalino' kuno, sosyal at tunay na maipagmamalaki ng kanyang inang ongpaopaw!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1315  buds_blue

    06/24/2011 | 05:09 PM
    the truth will set you free. reality bites, the most important thing is you are happy inside and out! Just be happy people.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1314  juanenrico88

    06/24/2011 | 05:08 PM
    Brilliantstar hindi lang si echo ang womanizer.. si heart ganun din.. sobra ang hilig sa lalaki...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1313  funrel

    06/24/2011 | 05:07 PM
    amayabai,napansin mo rin yun?oo nga dun nagsimula c he n mging feelingera lalot tinatawag cya ni raymunding ng "the new primetime queen"kya nga yung 1st tambalan sna nila ni dennis sa hapon d nya tinanggap kasi feeling nya pangprimetime queen n cya...kso after lunamistica puro flop n ang telesrye nya kaya ayun nagkunwari ang heart na gustong ifren c marian bkasaling maambunan ng grasyang magkaruon din ng mga fans na very supportive which nangyari nmn dhil maraming donyan fans ang sumoporta sa kanya sa away nya kay bisaya at sa last nyang telesrye...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1312  amayabai

    06/24/2011 | 05:05 PM
    naalala ko talaga si anabelle rama. akala ko rin nagsisinungaling si mader rama. kala ko puro daldal at gawa-gawa lang yung kwento nya tungkol kay Hearless at sa mommy nya. yun pala totoo. akalain mo?!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1311  mnurmsc

    06/24/2011 | 05:05 PM
    hello marian good luck to your incoming movie.I felt sad about the incident happened in the airport.your fans globally will always support you emotionally 100 percent because we love you dearly and wholeheartedly...DONGYAN RULES.Remember always focus your craft,enjoy your work and think positively.Keep smiling...MESSAGE FROM TORONTO,CANADA Watch AMAYA...BEST TELESERYE.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1310  juanenrico88

    06/24/2011 | 05:04 PM
    i remember the time na si echo at si heart pa.. pareho silang tuyot na tuyot that time... ngayon si echo ok na.. si heart tuyot pa rin.. lugi talaga ang mga babae.. haist.. si daniel pag-uwi dito pinas tuyot na rin.. grabe tong si heart oh.. ang tindi mag trip..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1309  kapusoakotalaga

    06/24/2011 | 05:03 PM
    ung iba makasaw saw lang , magbasa muna kayo mga kapamz..
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1308  pinaypay1

    06/24/2011 | 05:03 PM
    mo at heart iboboto ko sila sa tv5. kaya ano pang inaantay mo heartless go kana sa tv5 dahil pagkatapos nito wala kanang babalikan pa sa gma. kudos naman to tita anabel for saying the whole about nanay ni heart at ng ipokritang si heart mismo
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1307  brilliantstar

    06/24/2011 | 05:02 PM
    Heart no matter what you do you are just a trying hard. second rate copycat of Marian. Hahaha. Tsupee ka na. flirt.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1306  kapusoakotalaga

    06/24/2011 | 05:01 PM
    anabelle rama mukhang nega siya sa tao, pero i like her. totoong tao siya... si marian , totoo rin yan.. ndi mamahalin ni DD yan kung walang breeding yan o masama ugali.. knowing DD, ....
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1305  lema

    06/24/2011 | 05:01 PM
    budsblue. isa lang din masasabi ko. basahin mo muna ang article bago ka magmukhang ewan dito. hihihihi!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1304  brattinela

    06/24/2011 | 05:01 PM
    papanuorin ko talaga ang temptation island kaya lang si heart parang ayaw kong makita sa movie tatakpan ko na lang mata ko pag siya lumabas haha
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1303  akosimymy

    06/24/2011 | 04:59 PM
    hindi ba pwde tayong mga KAMARIANs ang magfile ng kaso sa mag inang OPAKANKO? yong oral defamation at threat nila...
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1302  kapusoakotalaga

    06/24/2011 | 04:59 PM
    diba nga sinabe na niya na nagkatampuhannnnnn, ndi yata marunong ung iba umintindi ng binabasa nila... basahin nyo ulittttt
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1301  brilliantstar

    06/24/2011 | 04:58 PM
    Cheap naman talaga si Heart. Pumatol ba naman kay Echo na kilalang womanizer. Lahat ng babaeng na link sa kaniya nasira ang career. Cindy Kurleto. Tin Hermosa at sha. LOL. Yan ba ang sinasabi nyong smart. Ambilis pang nakipag live in. Ayaw ko ng ganitong argument kse parang lahat ng artista ganito ang setup. Pero sana wag nyang isipin na malinis sha dahil hinde. Asan sha ngayon. Nasa Brazil. Kerengkeng to the max.
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1300  juanenrico88

    06/24/2011 | 04:58 PM
    kung la greta nagwalk out ng tanungin sya kung anong natapos, no offense sa la greta fans ha... stating the truth lang.. pag si heart ang tanungin nun, magssmile yan sya... den pagtalikod... magsusumbong sa monster mom nya, sasabihin, mommy its all your fault yo did not let tapos my skul, im so inggit with marian now, she graduated in college, very maganda and super sikat, monster mom its all ur fault you allowed me to make tira with echo in one haus, YOU KNOW?!!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  
  • 1299  chikorita_pikachu

    06/24/2011 | 04:57 PM
    ngaun prang kampi na ako kay anabel compare to heart!! Go anabel, kahit mdaldal ka totoo pla sabe mo about ongpauco!!
    Reply |  1 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About