Ini-launch na bilang bagong Kapuso si Janine Gutierrez, ang panganay na anak na babae nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher. 

Ini-launch na bilang bagong Kapuso si Janine Gutierrez, ang panganay na anak na babae nina Lotlot de Leon at Ramon Christopher.

Sa isang production number sa Party Pilipinas kanina, June 26, kasama ni Janine na kumanta ang mga male stars ng show na sina Dennis Trillo, Marc Abaya, Jay Perillo, MM Magno (of XLR8), Jake Vargas at ang female tween star na si Julianne San Jose.

Isang kulay yellow na sleeveless mini-dress ang suot ni Janine during her launch.

After her song, pormal na ini-welcome si Janine nina Raymond and Richard Gutierrez.

Sina Richard at Raymond ay parehong uncle ni Janine dahil si Monching (Ramon Christopher) ay kapatid ng Gutierrez twin brothers sa ama nilang si Mr. Eddie Gutierrez, na lolo naman ni Janine.

Apo rin si Janine ng Superstar na si Ms. Nora Aunor at ng Asia's Queen of Songs na si Ms. Pilita Corrales.

When asked kung ano ang nararamdaman niya ngayong pinasok na rin niya ang showbiz at bahagi na siya ng Party Pilipinas, Janine said...

"I feel really blessed, first of all, to be a part of this family, and second to be welcomed by Party Pilipinas so kindly. And to all the bosses of GMA, thank you so much," pahayag ni Janine.

In full force ang pamilya ni Janine during her launch; nasa audience para sumuporta sa kanya ang mga magulang niyang sina Lotlot at Monching, ang kanyang mga kapatid na sina Jessica, Maxine at Diego, at ang Tita Jackielou Blanco ni Janine.

When asked by Raymond kung kinabahan ba siya during her performance...

"Kinabahan talaga ako," pag-amin ni Janine. Yeah, but I'm glad talaga to be here, so I'm really thankful."

Janine graduated last March 25, 2011 from Ateneo de Manila University with a degree in European Studies.