Diether Ocampo denies being intimidated by co-star Robin Padilla; happy for Kris Aquino's return to talk show

Melba Llanera
Wednesday, June 29, 2011 @ 01:17PM  |  12054 views

 

"Ako ay natutuwa, ako ay talagang abot-langit ang pasasalamat dahil nabigyan tayo ng ganitong pagkakataon, bihira ang ganito. Sobrang nakaka-excite na katrabaho siya," says Diether Ocampo about working with Robin Padilla.

Photo By: Noel Orsal













Pinabulaanan ni Diether Ocampo ang bulung-bulungan na nai-intimidate diumano siya tuwing makakaeksena ang co-star niya sa Guns and Roses na si Robin Padilla.

"Bakit naman ako mai-intimidate sa isang Robin Padilla?" sambit ni Diether.

"Bagkus, ako nga ay nae-excite.

"Ako ay natutuwa, ako ay talagang abot-langit ang pasasalamat dahil nabigyan tayo ng ganitong pagkakataon, bihira ang ganito.

"Sobrang nakaka-excite na katrabaho siya.  

"Alam mo naman si Maestro, maraming naituturo sa atin 'yan na magagandang bagay.

"E, siyempre, ang mabigyan tayo ng pagkakataon na makatrabaho si Robin Padilla ay isang malaking karangalan."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Diether sa backstage ng ASAP Rocks noong Linggo, June 26.

Anu-ano ba ang itinuturo sa kanya ni Robin? Kasama ba rito kung paano trumato sa isang babae na parang reyna, na siyang hinahangaan ng mga nagiging kapareha ng action star?

"Madami," sagot ni Diether.

"Pagdating sa experiences, mas malawak.

"Pagdating sa lovelife, alam mo naman si Tol, nirerespeto ko rin ang pribadong buhay niya lalo na pagdating sa pag-ibig.  

"Ang importante, ang mga babae, minamahal, at hindi kami nagkukulang diyan."

Tinanong din namin si Diet tungkol sa jacket na iniregalo niya kay Binoe.

"It's a leather jacket. Gusto ko talagang regaluhan siya nun kasi hindi naman sapat yung naibigay kong yun sa dami ng naibabahagi niya sa aking aral at magagandang leksyon," saad niya.

1  2  3  Next »

Related Articles

11 Comments Show / Hide Comments
Get showbiz news anytime, anywhere on your mobile! Just type PEP ON and send to 4627.
Available to all Sun, Globe and Smart Subscribers.




NEWS Rewind is PEP's newest addition to its roster of applications. It allows users to search celebrities and view all articles related to that celebrity in chronological order. Research on a particular celeb has never been this easy and practical.
Search Artist by Full Name