news

Diether Ocampo denies being intimidated by co-star Robin Padilla; happy for Kris Aquino's return to talk show

by Melba Llanera posted on June 29, 2011  STATS: 12272 Views | 11 Comments

 

"Ako ay natutuwa, ako ay talagang abot-langit ang pasasalamat dahil nabigyan tayo ng ganitong pagkakataon, bihira ang ganito. Sobrang nakaka-excite na katrabaho siya," says Diether Ocampo about working with Robin Padilla.

Photo By: Noel Orsal

Pinabulaanan ni Diether Ocampo ang bulung-bulungan na nai-intimidate diumano siya tuwing makakaeksena ang co-star niya sa Guns and Roses na si Robin Padilla.

"Bakit naman ako mai-intimidate sa isang Robin Padilla?" sambit ni Diether.

"Bagkus, ako nga ay nae-excite.

"Ako ay natutuwa, ako ay talagang abot-langit ang pasasalamat dahil nabigyan tayo ng ganitong pagkakataon, bihira ang ganito.

"Sobrang nakaka-excite na katrabaho siya.  

"Alam mo naman si Maestro, maraming naituturo sa atin 'yan na magagandang bagay.

"E, siyempre, ang mabigyan tayo ng pagkakataon na makatrabaho si Robin Padilla ay isang malaking karangalan."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Diether sa backstage ng ASAP Rocks noong Linggo, June 26.

Anu-ano ba ang itinuturo sa kanya ni Robin? Kasama ba rito kung paano trumato sa isang babae na parang reyna, na siyang hinahangaan ng mga nagiging kapareha ng action star?

"Madami," sagot ni Diether.

"Pagdating sa experiences, mas malawak.

"Pagdating sa lovelife, alam mo naman si Tol, nirerespeto ko rin ang pribadong buhay niya lalo na pagdating sa pag-ibig.  

"Ang importante, ang mga babae, minamahal, at hindi kami nagkukulang diyan."

Tinanong din namin si Diet tungkol sa jacket na iniregalo niya kay Binoe.

"It's a leather jacket. Gusto ko talagang regaluhan siya nun kasi hindi naman sapat yung naibigay kong yun sa dami ng naibabahagi niya sa aking aral at magagandang leksyon," saad niya.

1  2  3  Next »

more on this story

Show/Hide Comments

11 Comments

  • 11  froxz_123

    06/30/2011 | 12:45 PM
    Makikita ulit natin ang lakas ni Amaya sa Temptation Island... After Flop ng past 2 movies ni Amaya here's the 3rd super flop. Libre pa ang ticket hahaha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • 10  froxz_123

    06/30/2011 | 12:43 PM
    Mahilig talaga sa Nega comments ang mga kapuso natin kaya tuloy na nenega ang Amaya.... Kunti lang naman lamang ng Amaya sa GAR. Paano pa kaya kung walang AGB o Mega Manila??? Hanggang November daw ang Amaya tingnan natin kungdi mas maapaaga ma off haha
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • Pureabs

    06/30/2011 | 10:22 AM
    GAR umaarangkada !!! Love it! Super!! Masyado Kasingalingan dini dibdib ng 7 ang Amaya para sa ratings..... Kaya tuloy Walang gana manuod.... Great actresss bea Alonzo !!! U give justice to the role!!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • minch

    06/29/2011 | 07:06 PM
    cONGRATS SA gUNS and Roses! pag Guns and Roses na lahat tutok dun.Pasensya na GMA! kulilat talaga kayo!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • scratchpaper

    06/29/2011 | 04:31 PM
    Farewell Gones and Roses.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pusongdurog

    06/29/2011 | 03:18 PM
    No. 1 nationwide walang nanonood?No. 2 sa Metro Manila, walang nanonood?Hindi naman overwhelming ang percentage difference ng no. 1 at no 2 sa megamanila, walang nanonood?..
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • yobuchi

    06/29/2011 | 02:42 PM
    d cya mag off... vacation lang naman c robin eh.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • pilyangmaganda

    06/29/2011 | 02:40 PM
    Tangalin na ang Guns and Roses wala na talagang nanonood ng show. Masyado OA ang acting ni Robin nakaka-inis panoorin. Corny pa. Mas lalo na tong si Diether ang tagal na sa showbiz wala man lang acting award o box office award. hitsura nito! Tuloy wala na rin nanonood ng MLKI dahil gabi na-masyado ng late. Calling ABS tapusin niyo na po ang GAR niyo! EH GOne niyo na po!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • exclusibo

    06/29/2011 | 02:20 PM
    Dapat ng mag-off itong GAR. Walang nanonood nito kundi ABS survey firm.
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • diane84

    06/29/2011 | 02:07 PM
    mag off?? ay talo nga nya ang super ginastusan na AMAYA!
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  
  • CarolynRecto

    06/29/2011 | 01:50 PM
    akala ko ba magoff d air na ang Guns and Roses? balita dun sa kabilang forum po eh - asking lang nmn
    Reply |  0 Replies
    0   0   0  

PEP TV

PEP NEWS REWIND

Search Articles by Artist or Full Name

MOST POPULAR

  • Fetching Most Popular

MOST SHARED

  • Fetching Most Shared

MOST TALKED ABOUT

  • Fetching Most Talk About