Rafa Santos (main photo), a young filmmaker, made a remark about his reason for getting theater actors for his films. But this irked some people from the showbiz industry, including the lead star of his Cinemalaya film, Samarito, Bea Garcia (inset).

Photo: File photos

"Personally, I find the theater actors better to work with because they don't complain, you can feed them Sky Flakes three meals a day, and pay them in catfood, basically."

Ito ang kontrobersiyal na pahayag ng baguhang indie filmmaker na si Rafael "Rafa" Santos na umani ng batikos at "violent reactions," hindi lamang sa local theater community, kundi pati na sa ilang mga taga-showbiz industry. (CLICK HERE to read related story.)

Si Rafa Santos ay isang short film director na may entry sa forthcoming 7th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival, na gaganapin simula July 15, 2011 sa CCP theatres sa Roxas Blvd, Pasay City. 

Ang short film niya ay pinamagatang Samarito, topbilled by theater actress Bea Garcia. 

Si Bea ay lumabas na rin sa ilang indie movies tulad ng mga pelikula ni Jerrold Tarog, among others. Kasama rin siya sa cast ng Prey ni Brillante Mendoza. 

Naganap ang panayam na iyon ni Rafa sa talk show na Cityscape ng ANC na ipinalabas noong June 24, Friday. 

Kasama ni Rafa sa nasabing interview si Loy Arcenas, filmmaker ng full-length Cinemalaya entry titled Niño, at isa pang panauhin.

Na-post agad sa Facebook ang nasabing video at dito na nagsimulang rumagasa ang galit, disappointment, disgusto, at pagkondena ng mga theater and showbiz people sa inasal ni Santos sa nasabing panayam.

WHO IS RAFA? Sino nga ba si Rafael "Rafa" Santos?

Ayon sa kanyang profile bilang filmmaker sa Cinemalaya website: 

"Rafa Santos was born Rafa Santos back in 1985 and has been growing ever since.

"1999: Rafa stops growing.  

"2007: Rafa enters Marilou Diaz-Abaya Film Institute where, mentored over the next two years by the likes of Laurice Guillen, Mark Meily, the late Johnny Delgado and the venerable Marilou Diaz-Abaya herself, Rafa gains the ability and wherewithal to maybe someday make a Cinemalaya worthy movie. 

"2011: Rafa finally makes a Cinemalaya worthy movie.